Chapter 9: The Succession Plan (Part 2)

136K 2.1K 306
                                    

Chapter 9:

The Succession Plan (Part 2)

 

 

PAGKATAPOS MAIHATID NI Xavier ang kanyang babae na tinatawag niyang flavor of the week ay kaagad niyang hinahap si Xyrene. Natutuwa siya sa kanyang sarili dahil sa wakes ay alam na nito ang pangalan ng dalaga at hindi iyong tulad ng dating hahalukayin pa niya sa kailaliman ng baul ang pangalan nitong lagi niyang nakakalimutan.

Siya’y nagbalik sa silid-aralan sa pagbabakasakaling maabutan pa niya iyon doon ngunit siya’y nabigo nang walang madatnang miski isang tao rito sa silid aralan.

Paalis na sana siya roon nang may mapansing isang bagay na nakakalat sa sahig. Kaagad niyang napagtantong isang kunai iyon nang kanya itong pinulot. Nagtatanong ang kanyang isipan kung bakit may ganitong kaladelikadong bagay sa loob ng paaralan.

Kinalikot niya ang naturang patalim. Sa kanyang pagsusuri ay may napansin siyang nakaukit roon at tila gawa ito sa isang mamahaling mineral at mataas ang kalidad. May nakita ring siyang simbolong nakaukit roon. Dalawang Chinese symbol iyon ngunit hindi niya maintindihan ang ibig ipakahulugan.


Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang ring ng kanyang telepono. Kinuha niya iyon, kapagkuwa’y sinagot.

“Hello?”

“BX...”

Napatuon ang kanyang atensyon sa kausap. 

"Anong mayroon? Solemn Hacker?"

Alam niyang isang seryosong usapan ang dahilan pagtawag sa kanya ni Harold sa alyas nito.

“Nakatanggap ako ng message sa email mo... Nagpapasabi na papatayin daw mamaya sa masquerade ball si Leon Lazatin.”

Nabigla siya sa inulat nito.

"Si Leon Lazatin na major Investor namin sa Villareal Realties? Seryoso ka ba d’yan?" Tanong niya rito.

“Iyon lang ang nakalagay dito sa email na pinadala sa’yo BX... Other than that, wala na.”

Hindi na niya napigilan ang hindi mapamura sa inis.

“Tangina! Paniguradong sa pagtitipon siya papatayin. Anak ng! Lahat nalang may balakid. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa ng ganiyang patitipon. Ugh1”

“Kung importante siya then kailangan natin siyang balaan o iligtas dun sa papatay sa kanya.”

Suhestyon nito.

Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "Call my dad for me. Tell him that we are going to attend the party. I do have my invitation in my closet kaya mauuna na ako roon. Pumunta na rin kayong apat. At ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa apat. Got that?"

“Copy…”

Pagkababa ng telepono ay patakbo na siyang pumunta sa kanyang sasakyan at pinaharurot. Uuwi siya ng kanyang bahay upang makapag-ayos. Pagkarating roon ay hinanda na rin niya ang kanyang baril kung sakaling kakailanganin.

Papaalis na sana siya nang biglang mag-ring ang telepono niya. Sinagot niya iyon habang sumasakay muli sa kanyang kotse. “Hello?”

“Lil' Bro...” It’s her sister. Selina Villareal 

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon