Chapter 42: Twisted Comeback

77.7K 2.1K 639
                                    

"WE NEED TO move fast!" hiyaw ni Marco sa mga kasama habang sila'y mabilis na tumatakbo palabas ng lunggang kanilang pinagtataguan.

Alam na kasi nila ang paraan kung paano gagamitin ang formula na na kay Xavier. Natuklasan nilang kung ang Solar Tattoo ang makakapagbigay lakas pa sa abilidad ng meteorite stone, ang Lunar Tattoo naman ang may kakayahang makapagpatigil roon. But the problem is, Xyrene has the Lunar Tattoo. Kahit hindi nila alam kung paanong nangyaring na kay Xyrene ang isang bahagi ng formula ay hindi nila makakalimutang patay na ito and they need her body, at least. To complete the formula activation.

"Marco!" sigaw sa kanya ni Andrei. Kasama nilang dalawa si Charles.

Tumigil silang tatlo at nagtago sa isang puno. Gin-ru-po nilang pito ang sarili sa tatlong grupo.

"What?"

"Saan natin hahanapin ang katawan ni Xyrene?"

Sinamaan niya ito ng tingin. Nakipagpalitan muna sila ng putukan ng baril bago niya ito binulyawan.

"Hindi ka ba nakikinig kanina?! Kaya tayo naghahati-hati ng grupo nang sa gayo'y makita natin ng mabilis ang katawan ni Xyrene!"

"Talaga? May gano'ng plano?"

Anak ng! Tinutukan niya ng baril si Andrei. Fuck this asshole, may gana pang makipagbiruan.

"Whoah—! Joke lang." Nakangising tugon sa kanya ni Andrei.

"H'wag mong pairalin ngayon 'tol ang katarantaduhan mo."

"Sorry pooo!"

Hindi na niya ito pinansin bagkus ay nagsimula na muli silang umabante.

Nasa isang parte na sila ng East Coast. Sina Eliza at William ay nasa West Coast. Habang sina Akihiro at Harold naman ay nasa paligid lang ng Gangster and Assassin Buildings.

"Marco, Gangster and Assassin's Building is cleared."

Pinindot niya ang kanyang earpiece nang marinig si Harold sa kabilang linya.

"You sure?"

"Oo."

"Puntahan niyo sina William sa West Coast. Do'n na tayo magkita kita after namin rito sa East Coast."

"Copy."

Tiningnan niya ang dalawa pang kasama at tinanguhan. They need to move really really fast.

Nararamdaman niya kasing may magaganap na pagtatapat ngayong gabi.

Tumingin siya sa kanyang relos.

10:34:09PM

Damn it!

Muli silang umalis sa kanilang pinagtataguan. Specifically sa likod ng isang shop dito sa East Coast. Masyado na silang natatambakan ng kalaban.

"Wala ba kayong motion detector na nakakabit kay Xyrene?" tanong niya kay Andrei habang nagkakarga muli ng bala sa kanyang baril.

Nakita niya itong napasapo sa kanyang ulo. "Anak ng, oo nga pala mayroon."

Nagtatagis na talaga ang kanyang bagang kung kaya't muli niyang tinutukan si Andrei.

"Whoah! Insan, pasensya na. Kasalanan ko bang nakalimutan ko? You know our situation, it's not easy as you may think."

He put down his gun. Andrei gave him a wryly smile made him to kill his idiotic cousin.

"Akala ko mag-aaway lang kayo e. Get a grip, man. Enemies were coming."

Napatingin silang tatlo sa halos dalawapung mga armadong lalaki na palapit sa kanila.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon