Chapter 1: The Black Death Assassins

276K 4.6K 315
                                    

Scheduler

KASALUKUYANG nasa isang misyon ang isang babae na may alyas na, Scheduler. She's one of the powerful Assassins in the Underground Society. Isa siya sa hinirang bilang isa sa pinakamalalakas dahil sa angkin nitong kakayahan. Ngunit bilang isang Assassin ay wala siyang grupong pinanigan. Independent ika nga ng ilan. Pili at halos bilang lang sa isang kamay ang mga pinapatay niya na ayon sa balita'y sinusuri pa muna nito ng mabuti bago aregluhin.

Aside from being independent, she's also promulgated as one of the Legendary Assassin in this generation. Niluklok siya sa ganyang posisyon nang tumanggap ito ng isang malaking assignment. She killed almost millions of people in that mission. At wala pang kagaya niya ang nakagawa no'n maliban sa kanya.

And being a killer, she's too sensitive with her identity. No one knows who she is, kung saan siya nakatira at kung sino ang mga tao naging parte ng buhay niya bago naging isang killer. She's hiding herself in a mask na kung saan nakatago lahat ng kanyang sikretong kailanman ay hindi magagawang malaman ng iba.

Tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa cellphone pocket niya at kapagkuwa'y sinagot.

"Scheduler speaking." Malamig na niyang tugon sa tumawag.

"Kill him in a most brutal way that you can ever do."

"You don't have to remind me. I can do better than that." Utas niya sabay silay ng isang nakakauyam na ngisi.

Pinatay niya ang kanyang telepono at kaagad na itinuon ang atensyon sa kanyang misyon. Muli niyang tiningnan ang kanyang improvised android tablet at muling binasa ang profile ng taong kanyang papatayin.

Target's Name: John Acosta

Illegal Profession: Multi-billionaire drug pusher

Age: 34

Location: N/A

Hindi na problema sa kanya ang lokasyon ng kanyang target. Muli niyang kinuha ang kanyang cellphone and activated the locator. Naka-konek ang naturang locator sa isa sa mga satellite ng USA na siya niyang ginagamit sa ilegal na pamamaraan.

Itinukod niya ang isa niyang binti sa isang semento at kinasa ang hawak na M16 Armallite.

Target's Location: 24th Floor, Elite Hall of Elite Hotels.

Her gear announced. Napangisi siya at hinanda na ang sarili upang tapusin ang misyong ito.

Kinalkula niya ang naturang palapag sa tablet ng may automatic dimensional locator. Nagawa na rin niyang makapasok sa mainframe system ng naturang building and controlled all CCTV cameras in her own way.

Nang makuha ang tamang tantya sa target ay walang pasudali niyang kinalabit ang gatilyo.

Nagkagulo sa naturang palapag. Hindi magkandamayaw ang mga tao na umalis sa lugar na kung saan hindi inasahan na may mangyayari ganito sa isang pagsasalo.

Napaitim bagang siya nang hindi pala niya natamaan ang target. And she doesn't like the idea of failure. She wore her built-in night vision eyeglasses upang sundan kung saan patungo ang Acosta na iyon. Malinaw niyang nakikita ang target sa pinakamalinaw na pixel kung kaya't madali niyang nahulaan kung saan ito papunta. Sumakay si Acosta sa isa sa mga elevator at pababa ang nilalandas.

Sabi nga ng ilan, kung pumalpak ang unang plano... laging ihanda ang Plan B. Kinalikot niyang muli ang kanyang tablet at hinanda ang abort option. May mga bombang nakatanim sa 10th floor na siya niyang kinabit mula pa kaninang hapon. Pinindot niya ang activation option.

Sa isang iglap ay sumabog ang bomba nang dumaan na sila ng 10th floor. Dahilan iyon upang maputol ang tali ng elevator at tuluy-tuloy na bumulusok pababa sa ground floor.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon