CHAPTER TWENTY-SIX

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumasok silang dalawa sa isang sasakyan ng Ferris wheel at nagsimula na namang mamayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang umaandar ang sinasakyan. Sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang tila walang ganang magsalita.

Pilit na tinitimbang ang kaniyang sitwasyon. Narito siya kasama ang lalaki sa isang date. Pakiramdam niya ay patuloy ang pagtataksil na ginagawa niya sa kasintahan at hindi lang 'yon lalo pa at ilang beses na ang halikan na namagitan sa kanilang dalawa ng kapatid ng kaniyang fiancé.

Once can be forgiven but not the second or the third time. Parang sinaklot ang kaniyang puso. She felt awful. She felt dirty on herself. Pero paano nga ba? Paano niya matatakasan ang sitwasyon?

"Okay ka lang?"

Napatingin siya sa kaharap ng magsalita ito. Nakakunot ang dalawang kilay at concern na nakatingin sa kaniya. Ngayong hindi na ito parang batong walang emosyon, she can say that he really looks like Clayton except for his gray eyes.

"O-okay lang ako," she answered but Jaxxon still looked at her in doubt. Napabuntong hininga siya bago muling nagsalita. "Hanggang kailan ba na 'tin 'to gagawin?" wala sa loob niyang tanong.

Tiningnan niya diretso sa mata ang lalaki. She needs to know kung hanggang kailan ito para maiwaksi niya ang pag-uusig ng konsensya. "Kailangan ba talagang gawin ito?"

Nakita niyang umigting ang panga ng lalaki kasabay ng pagkawala ng mga emosyon sa mukha nito. "You. Are. Now. Mine. Verlaine. Ano ro'n ang hindi mo maintindihan?" may pagtitimping saad ni Jaxxon kay Verlaine.

"Pero alam mong mali ito, Jaxxon! Ikakasal na ako sa kapatid mo and I can't help but feel guilty doing this stuff behind Clayton's back. Please itigi—"

"And do you think I give a d*mn on that?" pagputol ng lalaki sa sasabihin niya. Napapanganga naman siya sa turan nito. Talagang wala itong pakialam sa kapatid at sa mararamdaman nito.

"For once, will you stop saying that what we're doing is wrong because it's a little too late now? Besides may nangyari na sa ating dalawa. Don't you think it's wiser na tayo na ang magsama?" he said. A nonchalant smirk shows on his lips.

Pakiramdam ni Verlaine ay nag-init ang kaniyang mga mata dahil naalala na naman niya ang nagawang pagkakasala sa kasintahan. "That is just a mistake! A terrible one. There's no us, Jaxxon. Please mahal ko ang kapatid m—"

"And what? Pretend it didn't happen?" muling pagputol ng binata sa kaniya.

Hindi siya sumagot bagkus ay inilayo niya lang ang tingin mula rito. Ilan pang sandali ay narinig niya ang mahinang pagmumura at pagdadabog ng lalaki.

"Fine! You can pretend that it didn't happen pero kahit ano'ng pilit mong pagkalimot sa nangyari sa pagitan na 'tin. It still did happen, and this, I promise you, I will get what is mine," puno ng pagbabantang saad ng binata habang nakatingin sa kaniyang tiyan. "Hindi ko hahayaan na makuha ng iba ang akin. Your fiancé may look like a prince on the outside, but inside he's nothing but a monster. Marami ka pang hindi nalalaman sa lalaking 'yon, Verlaine. Hindi ko hahayaan na siya ang kumuha ng lahat ng sa akin," dagdag pa nito.

Hindi maintindihan ni Verlaine ang tinutukoy ng lalaking pagmamay-ari nito ngunit wala doon ang kaniyang atensyon kun 'di sa sinabi nito tungkol sa kapatid. Gusto niyang malaman para maintindihan niya kung saan nanggagaling ang ng binatang kasama.

"Katulad ng ano? Sabihin mo sa akin. Ipaliwanag mo para malaman ko kung saan nagmumula ang galit mo!" saad ni Verlaine. She's done guessing kailangan niya ng malaman ang katotohanan. Bakit sinasabi nitong halimaw ang kasintahan at bakit ito galit na galit dito?

Isinandal ng lalaki ang kaniyang likuran sa upuan ng ferris wheel saka ipinikit ang mga mata na animo'y nagpapahinga. "Let's not talk about that," saad nito saka iminulat ang mga matang nakatuon sa kaniya. Inilahad nito ang isang kamay sa harap ni Verlaine.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon