CHAPTER ELEVEN

185 4 0
                                    

Naalimpungatan mula sa pagkakahimbing si Jaxxon nang biglang kumirot ang kaniyang ulo. Inilagay niya ang kamay sa kaniyang ulo kapagkuwan ay hinilot ang kaniyang sintido.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang sumalubong sa pagmulat ng kaniyang mga mata ang puting kisame. Muli siyang napapikit nang muling sumidhi sakit sa kaniyang ulo. I must admit that I went too far from my drinking limit to the point of passing out.

He groaned as he got up from lying down. Tiningnan niya ang relo sa kaniyang pulsuhan. It's past 7 in the evening. Napadako ang kaniyang tingin sa hospital bed na katapat ng sofa kung saan siya nakahiga.

Naglakad siya palapit sa hospital bed sabay yukom ng kaniyang mga kamao habang nakatingin sa kaniyang nakakabatang kapatid na nahihimlay sa kama ng hospital. People say that the bond between siblings born on the same day is much stronger than the bond between siblings born separately, but this isn't always true... at least not for him and his twin. That bond vanished a very long time ago. He felt nothing but hatred.

He despises the peace visible on his face, as if he is happy from dreaming. They both knew that he deserved more than what he got. He deserves to be punished severely for all of what he did in the past.

"Don't you think you're being unfair? Porque galit ka sa kakambal mo ay magagalit ka na sa mga mahal niya o pinapahalagahan niya?"

"Ano ba ang nagawa ni Clayton sa'yo? Napakabait ng kapatid mo kaya bakit ka magagalit ng ganiyan sa kaniya?"

Nais masuka ni Jaxxon sa sinabi ng babae patungkol sa kaniyang kapatid. It only proves that she would marry someone she didn't even know well. Mabait? Yeah right!

"You are really serious about what you are doing right now, Jax? Hindi kaya pagsisihan mo lang sa huli ito?"

He remembered what Simone said before they parted ways the night she accompanied him on his flight going back to where he came from, then swiftly gritted his teeth. after what I've been through. Of course not. Especially now. I won't regret everything that's going to happen.

Napatingin si Jaxxon sa isang papel na nakapatong sa aparador kung saan nakapatong ang isang vase. Kinuha niya 'yon at binasa.

Jaxxon,

Alam kong may hindi tayo na pagkakaunawaan na dalawa pero pakiusap kapag nabasa mo ito sana ay bantayan mo muna si Clayton. Lumabas lang ako ng sandali dahil may kailangan akong asikasuhin. Please Jaxxon... huwag kang magtitiwala sa iba lalo na kung may gagawin ito sa kapatid mo. Tanging si Nurse Ivan at Doctor Nelson ang tumitingin kay Clayton.

Verlaine.

p.s. Mag-iingat ka rin.

He scoffed after he read the letter pagkatapos ay ginumos niya 'yon saka napadako ang kaniyang tingin sa bulaklak na nakalagay sa basurahan hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. What's these? Bakit nasa basurahan? Tsk. What a waste!

Akmang kukunin na sana niya ang mga pulang rosas sa basurahan nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nagusot ang kaniyang mukha nang makita ang numero ng ng isa sa mga inutusan niyang tauhan upang gawin ang isang misyon. Sinagot niya ito.

Agad na namilog ang kaniyang mga mata nang sagutin ang tawag. Pakiramdam niya rin ay nawala ang kaniyang iniindang sakit sa mga sinabi nito. Nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang jacket at saka tumakbo palabas ng hospital. Nang makasakay siya sa kaniyang sasakyan ay agad niya itong pinasibad ng mabilis patungo sa lokasyon na sinabi sa kaniya.

Muling sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas. Nang papasukin siya ni Verlaine sa apartment na tinutuluyan nito. Nakakita siyang iilang malilit na bilog na siyang mahinang kumikislap.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Onde histórias criam vida. Descubra agora