CHAPTER THIRTY-EIGHT

13 1 0
                                    

NAPAMULAT si Jaxxon dahil ssa paghapdi ng kaniyang likuran. Ipinikit niya pa muna ng ilang ulit ang kaniyang mga mata upang ma-adjust sa puro puting kuwarto na kinalulugaran niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala ang nangyari sa kaniya. Iisa lang nasa kaniyang isipan.

Si Lhiela.

Kahit na nahihirapan ay ninais niya pa ring makatayo ay inialis niya ang mga nakatusok sa kaniya at saka dahan dahan na naglakad patungo sa pintuan. Kung tama ang kaniyang hinala ay nasa hospital siya ngayon. Kailangan niyang malaman kung ayos lang ba ang babaeng pinakamahalaga sa kaniya.

Bagamat masama ang kaniyang kutob ay ipinagsawalang bahala niya 'yon. He must be calm and be positive ngunit hindi pa siya nakakailang hakbang ng biglang nagbukas ang pintuan at iniluwa ang galit niyang ama.

"Pap—" Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang ssampaalin siya ng ama na siyang ikinabagsak niya sa sahig.

"Rupert! Ano bang ginawa mo?" Rinig niyang ani ng ina na aagad na dinaluhan siya at sinubukan itayo.

"Rupert bitawan mo si Jaxxon!" sigaw ng kaniyang ina. Maski si Jaxxon ay hindi na alam kung anong nangyayari. Namalayan na lang niya na hawak siya ng galit na ama sa kaniyang damit habang ang ina ay walang humapay na pinapalo ang braso ng ama upang bitawan siya.

"Masaya ka na ba? huh!" galit na saad nito. Naguguluhan na si Jaxxon. Alam naman niya na galit at walang pagmamahal sa kaniya ang ama mula pa noong bata pa laman siya ngunit iba ang pagkagalit nito ngayon. Ano na naman ang kaniyang ginawa upang magalit ng ganito. Ni wala nga ata itong pakialam kung may benda pa siya sa ulo at may benda ang kanang binti at kaliwang braso.

"Nang dahil sayo wala na si Lhiela! Nang dahil sa kapabayaan mo sa pagdra-drive naaksidente kayo! Pinatay mo si Lhiela!"

Pakiramdam ni Jaxxon ay huminto ang kaniyang mundo sa narinig... nabingi sa kaniyang mga narinig.

"Si... si Lhiela?"

Napailing siya ng ilang ulit. Unti-unting nawalan ng kulay. Hindi! Hindi maaaring patay na si Lhiela. Tiningnan niya ang ama. "Nagbibiro lang ho kayo? Pa-paano? Hindi puwedeng mamatay si Lhiela!" Hindi maaaring mamatay ang babaeng tanging nakakaintindi sa kaniya bukod sa kaniyang ina. Hindi siya makakapayag!

Napatingin siya sa kaniyang ama ng tumawa ito ng pagak. "Paano siya namatay? Dahil sa kapapabayaan mo kaya siya namatay! Pati ang kapatid mong si Clayton inilagay mo sa peligro ang buhay! Bakit pa kasi ikaw pa ang nabuhay! Sana ikaw nalang ang namatay at hindi na si Lhiela! Kasalanan mo ito!"

Napayuko si Jaxxon sa sinabi ng ama. Nayukom ang kaniyang mga kamao. Kasalanan niya ang lahat! Nagpabaya siya! Ngayon wala na ang babaeg pinakaiingatan.. Paano na ang kaniyang buhay? Kasalanan niya ang lahat! Tama ang kaniyang ama... sana siya na lang. Siya na lang!"

"Anong ginagawa mo rito? Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na pumunta rito sa burol ng anak ko? Nang dahil sayo nasira ang buhay ng unica hija ko!" iyak na saad ng Tita Isabel niya. Ang ina ni Lhiela. Nang dahil sa mga natamong injuries kaya nanatili siyang naka-confine sa hospital at ngayon lang pinayagan makalabas kung kailan ihahatid na sa huling hantungan ang pinaka-iingatan niya. Huling araw na para makita siya.

Hindi niya pinansin ang pagpigil sa kaniya ng ginang at wala sa sariling nagtungo sa loob ngunit hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng may pumigil sa kaniya. Napatingin siya sa may-ari ng brasong nakapulupot sa kaniya.

"Bro, huwag ka ng mag-iskandalo dito baka lalong magalit sayo si dad kapag nalaman niya," saad nito. Bakas ang awa at kalungkutan sa mga mata ng kakambal. May benda rin ito sa ulo at kanang pisngi dulot ng nangyari sa kanila. Pinagmasdan niya ito ng ilang sandali ng may maalala siya.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon