CHAPTER TWENTY-FIVE

158 6 0
                                    

"I am so proud of you son," napatingin siya sa dalawang bulto ng tao malapit sa pintuan ng kanilang bahay. Pinagmasdan lang ni Jaxxon ang dalawang bulto habang nanatiling nakakubli at natatakot na gumawa ng ingay na makakakuha sa atensyon ng dalawa.

Muling umusbong ang pamilyar na dadamdamin sa kaniyang puso habang nakatingin sa mga ito. Kitang-kita niya ang bakas ng hindi mapatid na tuwa na nakabalatay sa mukha ng ama at ng kapatid habang hawak-hawak ang isang malaking trophy na sa tingin niya ay muli nitong nakuha mula sa paglalaro ng basketball. Dumako ang tingin niya sa piraso ng papel na naglalaman ng mga numero ng kaniyang pinaghirapan sa buong markahan sa eskwelahan.

"Ang galing-galing mo talaga, anak. Masaya ako ikaw ang naging anak ko. Ang nag-iisa kong anak."

Tila nabingi siya huling narinig dahilan upang malukot niya ang papel na hawak bago tuluyang pumanhik sa kaniyang kwarto.

"Be mine."

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Verlaine samantalang nakatingin sa lalaking nagpapagulo ng kaniyang buhay. Tatlong araw na ang lumipas mula no'ng huling usap nila sa hospital at tatlong araw na rin nagngingitngit ang kaniyang kalooban sa binata. Hindi niya pa rin maisip ang rason ng lalaki kung bakit gano'n na lang ang galit nito sa ama at sa kapatid para pag-isipan ito ng masama. Sa t'wing tinatanong naman niya ito ay hindi naman ito nagsasalita. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng lalaki at bakit 'yon pa ang hiniling nitong kapalit sa buhay ng kakambal niya.

"I've hated my brother ever since, and everything he loves or loves back will be the target of my hatred... including you."

Unlike sa una nilang tagpo na halos ipagtabuyan siya ay ngayon naman ay nagbago na ito bigla. Mula nang muli silang makabalik sa bahay na pinahiram sa kanila ng kanilang kliyente ay lagi na itong nakikipag-usap sa kaniya ng ayos at hindi na siya sinisigawan pa o kaya naman sinusungitan. Jaxxon became kinder and more concerned with her.

Katunayan nang muli niyang ipinakita ang mga designs nung nakaraang araw ay sinabi lang nito ang nagustuhan niya at ang mga bagay na gusto niyang ipadagdag. Iyon lang, walang lait na kasama, walang pagtatapon sa basurahan.

Inihilamos niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mukha. She felt overwhelmed, as if she were slowly drowning in the depths of the sea because of the turn of events in her life. Kung hindi lang hiningi ng pagkakataon ay hindi siya papayag sa hiniling nitong kapalit. The crucial situation left her no choice!

Biglang nakaramdam ng kaba si Verlaine ng maalala ang sinabi sa kaniya ng binata. Ibig sabihin ay sa kaniya itutuon ng binata ang galit sa kapatid. Nagsisimula na siyang mag-alala para sa sarili. Napaigtad siya nang maramdaman ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa kaniyang pisngi. Namilog ang kaniyang mata habang nakatingin kay Jaxxon na nakalapit na pala sa kaniya ng hindi niya namamalayan.

"You're spacing out again, babe," malambing na bulong nito sa kaniyang tainga.

Nais kastiguhin ni Verlaine ang kaniyang sarili dahil wala man lang siyang nakapang panglalaban nang maramdaman ang mainit na hininga ng lalaki sa gilid ng kaniyang mukha. Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan nang maramdaman niya ang mainit na mga palad na sumakop sa kaniyang mga pisngi. Itinuon niya ang tingin sa binata at pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mukha ng makita na nakatuon sa kaniya. Naiilang siya sa mga nakikitang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

Ilang sandali pa ay inilapit nito ang mga labi nito sa tapat ng kaniyang mga labi at ginawaran siya ng isang matamis na halik. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa naging aksyon ng binata. Muli niyang naramdaman ang libo-libong mga boltaheng dumaloy sa bawat sulok ng kaniyang katawan. Bumalik lang siya sa kaniyang katinuan ng magsimula nitong igalaw ang mga labi nito sa labi niya. Sa ikalawang pagkakataon ay inilayo niya ang kaniyang sarili sa lalaki.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Where stories live. Discover now