Kabanata 34

39.6K 1.7K 45
                                    

NEW CAR

Iniwan nila kaming dalawa ni Gregory sa dining area. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko ngayong nakita ko na siya ulit. Nanatili lang akong nakaupo, hindi tiningnan ang lalaking nanloko sa akin.

"Babe-"

"Huwag mo nga akong tawaging ganiyan!" pagputol ko sa kanya at tumayo.

Kahit wala na akong feelings sa kanya, hindi ko maiwasang mainis at magalit sa kanya. Kung ayaw na niya sa akin at gusto niyang mambabar, hindi na namin kailangan magpakasal! Kung gusto niyang tulungan ang daddy ko, hindi na kailangan ang kasalan!

"Khadijah, I'm sorry kung nakita mo iyon, pero tapos na kami..." Hahawakan niya sana ang braso ko ngunit inilayo ko ito sa kanya at hinarap siya.

"Ano ba ang gusto mong mangyari? Na magpapakasal ako sa isang manlolokong katulad mo?" Umalingawngaw ang boses ko sa buong dining area. "Mahiya ka naman! Hindi na ako tulad ng dati!"

"Bakit? Kasi may iba na?" Kalmado ngunit ramdam ko ang inis at galit sa boses niya. "May iba na Khadijah? Ano? Binigay mo ba ang sarili mo kay Brent?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat at bigla siyang sinampal. Nanginig ang kamay ko at nagulat sa ginawa ko. Umatras ako.

"P-Paano mo nasabi iyan?" Kumirot ang puso ko. "Ano'ng akala mo sa akin? Gano'n gano'n na lang? Hindi ako katulad mo na hindi makontento!"

"So, you did love him?"

"Oo," matapang kong sagot. "Mahal ko siya! Gusto ko lang i-inform sa iyo na wala na akong nararamdaman sa iyo, Gregory!"

Nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Bakit? Dahil sa ego niya? Dahil siguro akala niya na hindi ko kayang magmahal muli.

"You wasted our two years-"

"Ano?" hindi makapaniwala kong react. "Wasted? Sinong nagsayang? Huwag kang magmamalinis! Alam mo na sa simula pa lang, ikaw ang sumayang sa relasyon natin! Naging loyal ako sa iyo! Minahal kita, Gregory! Alam mo iyon! Ikaw ang first love ko! Kaya akala ko na hindi mo ako magawang lokohin kasi mahal mo rin ako! Pero hindi sapat ang ilang taong pagsasama, kasi kahit gaano pa katagal kung ang isa hindi kontento, talagang masasayang ang ilang taong pagsasama!"

Marahas niyang hinapit ang bewang ko na siyang ikinagulat ko. Nang sinubukan ko siyang itulak ay mas lalo niyang inilapit ang katawan ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Then, love me again. I've already learned from my mistakes! Kalimutan mo na si Brent! Kalimutan mo ang lalaking iyon at sa akin ka magpapakasal." Hinaplos niya ang pisngi ko.

Tinulak ko siya nang malakas kaya nakawala ako sa pagkahapit niya.

"Nahihibang ka na ba? I said, hindi kita pakakasalan! Hindi na kita mahal at wala na akong pakialam sa iyo!"

"Don't worry..." Ngumisi siya sa akin na ikinanindig ng balahibo ko. "Wala din akong paki kung ayaw mong magpakasal sa akin. Kahit gusto mo o hindi, wala kang magagawa kundi ang pakasalan ako. You will forget that fucking traitor."

Umatras ako nang humakbang siya papalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Nagpalinga-linga ako para makahanap ng saklolo. Sa ngisi pa lang ni Greg ay parang may binabalak siya na hindi kaaya-aya.

"Ano ang gagawin mo?" Nanginig ang boses ko.

Ngumisi siya sa akin. "I told you, magpapakasal ka sa akin, Khadijah!"

Napakapit ako sa upuan na sinasandalan ko at nanginginig na sa kaba. I don't want to marry him. Hindi ko siya pakakasalan. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko siya pakakasalan.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon