"Tama na ba?" tanong ni Jake sa akin. Siya nga ang right hand ni Lawrence ngayon.

"Yeah, not really," sagot ko habang pinapagpag ang damit ko. Ginamit ko ang T-shirt ko para punasan ang dumudugo kong labi.

"Yeoj, just walk away," nakangising sagot niya. Halata sa mukha nina Parker at Nathan na gusto pa nila akong sugurin kagaya ng iba pa nilang kasama.

Tinalikuran ko sila at naglakad papunta sa kinatatayuan nina Arydyne at Lawrence. Napansin lang nila ako nang hagipin ko ang braso ni Ardyne.

"Aalis na tayo," sabi ko lang.

"Mauna ka na," malamig na sabi niya sabay layo mula sa akin. Mukhang tama nga ako na kasabwat siya rito.

"Makakaalis ka na, Yeoj," mapagmalaking sabat ni Lawrence. Lalong uminit ang dugo ko. Hinarap ko silang dalawa. Nagulat ako kaunti nang makita ko ang takot sa mata ni Ardyne.

"Hindi ka parin nagbabago, Lawrence. Magaling ka paring mamanipula ng iba para lang makuha ang gusto mo," matigas na sabi ko. Tiningnan ko ang kamay ni Ardyne. Sa oras na magkaroon ako ng timing, hihilain ko siya at itatakbo. Sakanya ko aalamin kung paano nalaman nina Lawrence na nandito ako.

"Ikaw rin, Yeoj," tumawa siya saka nagpatuloy, "kahit anong gara ng damit at motor mo, anak ka parin ng puta."

Kinuyom ko ang aking magkabilang palad. Bawat parte ng katawan ko ay umaalma ngayon. Kahit gusto ko na siyang sugurin, sumagi parin sa isip ko ang kaligtasan naming dalawa ni amasona.

"Tama na. Kung gusto ninyong mag-away, sige lang. Pero ako? Aalis na ako," basag ni Ardyne sa namuong katahimikan. Akmang aalis na sana siya pero hinarang siya ni Lawrence.

"Alam mo ba 'yun, Ian? Na anak ng puta itong si Yeoji Dale?" sabi ni Lawrence kay Ardyne.

"Shut your mouth!" sigaw ko at kaunti nalang talaga, babasagin ko na ang mukha niya. Sinulyapan ako saglit ni Ardyne at parang hindi niya alam ang gagawin niya.

"Kaya siya iniwan ng kapatid ko—dahil anak siya ng isang puta at unti-unti, iiwan din siya ng lahat ng inaakala niyang kaibigan," nakangising dagdag ni Lawrence.

"Pagsisisihan mo ang araw na ito, Navarro." Bumuwelo ako at sinalubong ng suntok si Lawrence. This fucking piece of crap!

***

ARDYNE IAN

Next to confused, I'm actually really scared—lalo nang makita ko ang ginagawa nila kay Yeoji. Sinubukan kong kausapin ng matino si Rence pero mukhang mas nangingibabaw ang galit niya ngayon—sa kung ano man ang ugat ng lahat ng ito, ayaw ko nang alamin. Ayaw ko lang talaga na makita ang eksenang ito.

"Talk to me and we'll leave him alone," sabi ni Rence sa akin.

"How true are you to your words?" pahamon na tanong ko. Tiningnan niya ako saglit bago bumaling sa direksyon nina Yeoji. Tumango si Rence at maya-maya, medyo natahimik ang paligid.

"Fine. Mag-usap tayo," bigay ko.

Then minutes later, he just proved that I'm right. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Rence.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang nanlilisik na mga mata ni Yeoji. Automatic na lumapit sa amin ang mga kasama ni Rence pero ni isa sa kanila ay 'di kayang hilain si Yeoji.

"H-hoy, tama na!" nagawa kong maisigaw nang makita ko ang duguang mukha ni Rence. Lalapit sana ako pero hinarang ako ng isa sa mga kasama ni Rence.

Sa sobrang takot sa kakahantungan ng lahat, inilabas ko ang phone ko at tinawagan ang number ni Sen, ang ginamit ni Yeoji kanina para i-text ako.

"H-hello, nasa park kami malapit sa Santa Caterina," mahina pero nagmamadaling sabi ko nang may sumagot sa tawag. Nabitawan ko ang phone ko nang magulat ako sa mga sigaw ni Yeoji. Puro mura iyon at pakiramdam ko ay hindi na niya alam ang ginagawa niya dahil sa sobrang galit.

Apat na lalaki ang nakahawak kay Yeoji ngayon. Mabuti nalang at nagawa nila itong ilayo kay Rence. Tumakbo ako para pumagitna sa lahat.

"Umalis na kayo!" sigaw ko sa grupo nina Rence.

"Huwag kang makialam," sabi sa akin ng isa. Sa likuran ko ay naramdaman kong tumatayo na si Rence. Agad akong lumingon para tingnan ang itsura niya. Halos hindi na niya maibukas ang kaliwang mata niya.

"Tara na," hinawakan nanaman ni Rence ang braso ko. Lalong puminta ang galit sa mukha ni Yeoji.

"Huwag kang duwag, gago!" sigaw ni Yeoji habang nagpupumiglas. Please, I don't want this.

"Umalis na kayo. Ako na ang bahala sakanya," matapang na sabi ko.

"Hindi puwede dahil wala akong tiwala sa walang kuwentang taong kagaya niya," nagawa pang sabihin ni Rence. Saan ba nagmumula ang mga mabibigat na salitang binibitawan nila sa isa't-isa. As I thought, they're bad news for me.

"What the fuck did you just say?!" nakawala si Yeoji sa mga nakahawak sakanya. Diretso niyang sinalubong ng isang suntok si Rence. Parang kanina, pinaghihila nanaman nila ang wala sa sariling si Yeoji.

"Puwede bang iwan na natin 'yang si Yeoji?!" daing ko nanaman pero halos wala na akong boses kakasigaw kanina pa. Para akong nabunutan ng tinik nang makita kong palapit sina Sen, Chris at Dylan ng Anarchs.

"D-dalhin niyo si Rence sa ospital," sabi ko sa lalaking umaakay kay Rence ngayon. Di kalayuan ay sina Chris na ang kumakaladkad kay Yeoji. Parang bulang nawala ang karamihan sa mga kasama nina Rence.

"Kami na ang bahala sakanya, Ian," sagot ng lalaki—ah, kilala ko siya!

"Jake?" nagawa ko pang sabihin.

"Sa uulitin. This was fun," nakangising sabi niya bago sila tuluyang umalis. Halos wala na ngang malay si Rence kaya lalo akong natakot.

Pinanood ko sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Shit, nanginginig ang tuhod ko. Anong klaseng mundo ba ang meron sila? Is this even real?

"Nasaan na 'yung gagong 'yun?!" sigaw ni Yeoji nang makalapit siya sa akin. Nairita ako agad.

"Sira ka ba? Kung hindi ka pa nila pinigilan, baka napatay mo na si Rence? Is that what you are?!" harap at sumbat ko sakanya.

"Oy, huwag muna..." komento ni Sen na nasa likuran lang kaunti. Kumuyom ang panga ni Yeoji habang tinitingnan ako ng masama.

"Shut your mouth," untag niya sa akin.

"Sana kasi, umalis ka nalang noong may pagkakataon ka! Hindi ko naman kailangan ng tulong mo kanina. Freaking insane! Para kang—" napahinto ako dahil kinuwelyuhan ako bigla ni Yeoji. Nahihirapan akong huminga.

Agad na lumapit si Dylan para tanggalin ang kamay ni Yeoji sa leeg ko habang nasa bandang likuran ko naman na si Chris.

"Calm the fuck down," matigas na sabi ni Dylan.

"Yeoji, babae 'yan," sunod naman ni Sen. Nanlilisik parin kasi ang mga mata ni Yeoji at parang hindi niya parin alam ang ginagawa niya. Unti-unti ay binitawan ako ni Yeoji. Agad akong sinalo ni Chris. Napaupo agad ako sa semento habang naghahabol ng hininga. Hindi naman sa sobrang nasakal ako. Nangingibabaw lang talaga ang takot sa akin ngayon. Nagulat ako nang maramdaman ko na umiiyak na pala ako.

"Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin," huling sabi ni Yeoji sa akin bago siya naglakad palayo.

"Salamat sa tawag," lumapit at inabot ni Sen sa akin ang phone ko. Maya-maya ay ako nalang ang naiwan. Nothing's going my way ever since I met them. I've never been this scared.

---

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now