Chapter 27

5.7K 166 15
                                    

ARDYNE IAN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARDYNE IAN

"Honeybear..." Hinila at niyakap ko ang aking stuffed toy. Kaso lang, bakit parang hindi siya malambot at fluffy? Tsaka, kasing amoy niya pa si Yeoji—oh my God! Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko si Yeoji sa aking tabi. Kakaurong ko, nahulog tuloy ako sa kama.

"Shit!" Napalakas ang mura ko. Dahil doon ay agad na nagising at naupo si Yeoji. He looked at me and grinned. Automatic kong tiningnan ang suot ko. Why am I wearing oversized pajamas?!

Nanuyo agad ang lalamunan ko.

"Morning..." Bumalik si Yeoji sa pagkakahiga. Agad akong tumakbo sa kama para yugyugin siya para makapag-usap kami.

"Ikaw?!"

"Five more minutes," he lazily said then pushed me away gently. His eyes are closed and it looks like he really plan on sleeping!

Bumaba ako sa kama at nagpabalik-balik ng lakad habang nakakagat sa aking kuko. Ang huling maalala ko lang ay nang tumawag siya at sinabing pupuntahan niya ako dahil sa isang emergency. I remember us chatting about the apartment key, my birthday...and then nothing—

My head started to throb. Amoy alak rin ako!

"Yeoji, hoy!" frustrated na sigaw ko.

"Yeah?" Bumangon siya at tumayo sabay ayos ng kanyang magulong buhok. Natulala ako saglit.

"Nasaan ako at bakit tayo magkasama?" tanong ko agad. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa umiinit ang mga pisngi ko! Isa pa, hindi ko na siya matingnan ng diretso.

"Sa sobrang kalasingan mo kagabi, hindi ka na magising-gising. I don't know where you're staying right now that's why I took you home," maayos na sagot niya. I bit my lower lip. I didn't say anything stupid to him, right?

"Right. Thanks, I guess. Nasaan ang mga damit ko?" iba ko nalang ng usapan.

"Baka nasa dryer pa. I'll check." Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Wait, he's acting weird. Bakit parang ang kalma niya? Hindi kaya't—no! Kinapa ko agad ang katawan ko. I don't feel anything unusual.

Umupo ako sa kama. Sa sobrang kakapilit na isipin kung ano nga ba ang mga nangyari kagabi, nahilo ako bigla.

Alas otso na ng umaga ayon sa wall clock. Kung ganoon, nandito ako ngayon sa kuwarto ni Yeoji Dale Co. Halos kaparis nito ang apartment niya—may mga action figures, comics sa table, nakabukas na walk-in closet at hula ko ay private bathroom.

"Nakababad pa raw pala ang mga damit mo. Ang dami mo kasing isinuka kagabi."

Halos mapatalon ako nang magsalita siya. May tinititigan kasi akong picture frame. Parang ten years old lang siya sa picture.

"H-ha?" Nilingon ko siya.

"Ang sabi ko, nasukahan mo kasi ang damit mo kagabi. Don't worry, si Manang ang nagpalit sa damit mo. I didn't sleep beside you on purpose. You didn't want to let go of my hand." Sumandal siya sa pintuan.

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now