Medyo naliwanagan ako nang tanungin ni Lawrence si Ardyne sa kung puwede niya ba 'tong ligawan. Damn, magkakilala nga sila. She even calls him Rence.

Interesting and...somehow irritating.

Nang lapitan ng husto ni Lawrence si Ardyne ay nagpakita na ako sakanila.

"Huwag ka ng umasa, Lawrence. Taken na siya. She's with me now," nakangising sabi ko sabay hapit sa bewang ni amasona. Namutla agad ang mukha ni Lawrence dahil sa ginawa ko. Napa-awang pa kaunti ang bibig niya. Ngising-ngisi pa ako hanggang sa bigla akong sikuhin ni Ardyne.

Napaurong ako at napaubo. "What the f—" Hindi ako makahinga kaunti.

"I-ikaw! Anong pinagsasabi mo diyan!?" sigaw ni Ardyne sa akin. Umayos ako ng tayo at hinarap siya. Pulang-pula ang mukha niya—galit o napahiya dahil sa ginawa ko?

I gave her a smirk.

"Technically, we are," sabi ko. I was hinting that she owes me and she better ride with this shit sa harap ni Lawrence. Nanggigigil na sa inis ang itsura niya. This is...fun.

"Ian..." singit ni Lawrence at ang lambing pa ng boses niya.

"Ano?!" sigaw ni Ardyne sakanya. Natawa tuloy ako.

"Yeah, umalis ka na. May lakad pa kami ng girlfriend ko," sabat ko naman. Lalapitan at aakbayan ko sana si Ardyne nang mapansin ko na naglalakad na palapit sa amin ang isang grupo. Namukhaan ko agad sina Jake, Parker at Nathan.

"Kahit anong mangyari, dito ka lang sa likuran ko. Or better yet, run," mahinang sabi ko kay Ardyne. Napatingin siya grupong palapit. Hindi ko alam kung maalala ba niya na kasama sa kanila ang nantrip sakanya kahapon.

Hinawakan ko ang kamay ni Ardyne para hilain at ipunta sa likuran ko pero agad siyang lumayo sa akin at mas napalapit sa kinatatayuan ni Lawrence, na halatang badtrip.

"Mag-uusap kami ni Ian. Paki-respeto nalang, Yeoj," baling ni Lawrence sa akin. Sa ngayon, nasa likuran na niya ang ilang miyembro ng Niners. Halos matawa ako nang makita kong may hawak na baseball bat ang ilan sa kanila.

"Mag-isa lang ako, aanhin mo ang batalyon? You're that scared of me?" sabi ko. Doon ko lang narealize na baka isa itong setup. Mukhang alam kasi nila na darating ako at si Ardyne lang naman talaga ang dapat na may alam nun.

"What the fuck is this?" iritadong sabi ko at kay Ardyne lang ang tingin ko.

"Ha?" nagtatakang tanong niya.

"I don't have time for this shit. Come with me." Pinaghihila ko si Ardyne.

"Hoy, masakit!" paulit-ulit na sigaw niya. Hindi rin lang kami nakalayo dahil humarang sa amin ang grupo nina Lawrence. Ni wala na ngang oras para mag-usap dahil agad nila akong sinugod. Nabitawan ko ang kamay ni Ardyne.

"Tumakbo ka na!" sigaw ko habang hinaharang ang bawat umaatake sa akin. Hindi ko siya narinig na sumagot. The heck, paano kung kasama pala talaga nila si amasona? Bakit pa ako nag-aaksaya ng oras dito?

Sa kakaisip ay di ko namalayang nasa harapan ko na pala si Nathan. Isang malakas na suntok sa tiyan ang isinalubong niya sa akin kasama ng isang sipa sa tuhod. Napaurong ako at natumba sa semento.

Umiikot ang paligid ko pero agad kong namataan si Ardyne at Lawrence na magkaharap at parang nagsasagutan. Ilang beses na lumalayo si Ardyne pero lagi siyang hinihila ni Lawrence.

This isn't a setup, right? All that 'pay it forward' I'm after will be for nothing. What a fucking waste.

Sa kabila ng mga sumisipa sa akin habang nakahiga ako ay nagawa ko pang makatayo. Sa ngayon, huminto sila at pumaligid kay Jake.

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now