(Chapter 15) - Friends and Lovers

Start from the beginning
                                    

Swimming became Enzo's love aside from basketball.

Maaga din siyang nawalan ng ina dahil sa pagkalunod kaya naman labis ang naging concern niya para kay Lia na kasalukuyang nalulunod.

Bago pa man siya lumusong, nagulat na lang siya nang biglang makita ang kanyang kapatid na si Ethan. It was a sudden splash. Nililigtas na niya si Lia.

Maya-maya ay nakaahon na ang dalawa. Inihiga nila sa sofa si Lia. The girl fainted. Wala itong malay. Pinipisil nila ang torso ng dalaga para lumabas ang tubig na maaring nainom.

Gagawin na sana ni Ethan ang mouth-to-mouth resuscitation pero biglang naibuga na ni Lia ang tubig na nainom. Umuubo-ubo pa siya habang sinusubukang umupo.

"Okay ka na?" tanong ni Enzo.

Napatingin si Lia kay Enzo. Biglang napaiyak ang dalaga sa nangyari. Muntik na nga naman siyang mapahamak sa nangyari.

"Kasalanan mo 'to." paiyak na sabi ni Lia kay Enzo.

Agad siyang binalutan ng towel ni Enzo, dala na rin ng awa at pagsisisi.

"Tahan na. May iba ka pa bang nararamdaman?" tanong ni Ethan.

"Wala naman. Inaalala ko lang na baka mapagalitan tayo ng Daddy niyo pag nalaman niya ang nangyari ngayon." sabi ni Lia.

Nangako naman ang lahat na hindi ito makakarating kay Mr. Gutierrez, kung hindi ay lagot silang lahat dito.

"Lia. I'm so sorry. Ako na! Ako na ang may kasalanan." sincere na sabi ni Enzo.

Tiningnan lang siya ng dalaga.

"Ngayon alam ko na kung bakit galit sa iyo si Julie. Hindi ka kasi seryoso." sabi niya.

Tumayo si Lia at nagpunas gamit ang towel na bigay ni Enzo. Basang-basa ang kanyang mga damit.

"Sincere talaga ako, Lia." sabi ni Enzo.

"Walang maniniwala sa iyo." sabi ni Lia.

"O, eto. Para patas na tayo."

Biglang nagpahulog si Enzo sa swimming pool. Hindi siya gumalaw o kumampay man lang.

"Enzo! Umahon ka dyan!" sigaw ng kanyang kapatid na si Ethan.

Dumaan ang 2 minutes na hindi gumagalaw si Enzo na parang lumulutang na bangkay. Biglang kinabahan ang dalawa sa inasal ng binata.

"Sige na! Okay na 'ko! Umahon ka lang dyan! Magpapakamatay ka yata eh!" sigaw ni Lia habang nanginginig.

Hindi pa din gumagalaw si Enzo.

Natakot naman agad si Lia kaya kinuha niya yung pole na panglinis ng tubig, at ipinukpok ito sa ulo ni Enzo. Biglang bumula ang parte ng pool kung nasaan ang binata. Napaahon siya.

My Girl, My FriendWhere stories live. Discover now