(Chapter 11) - Seventy Times Seven

5.5K 59 12
                                    

My Girl, My Friend

(Chapter 11 – Seventy Times Seven)

Palabas na ng university si Alvin dala-dala ang kanyang laptop bag. Masaya siyang naglalakad sa hallway nang biglang may humarang sa kanya bago pa siya makalabas.

“Excuse me lang po, sir. Pa-check lang po ng bag.” request ng isang security guard.

“Ha? Bakit? Laptop lang ang laman nito. Saka palabas na ako ah. Bakit ich-check pa?” nagtatakang sabi ni Alvin.

Agad binuksan ng security guard ang laptop bag ni Alvin. Kinalkal niya ito hanggang sa may nailabas siyang isang sachet ng shabu mula sa bag. Laking gulat ni Alvin sa kanyang nakita.

“Sumama po kayo sa ‘min.” sabi ng security guard.

“Ha? Teka lang! Hindi sa ‘kin iyan! Maniwala kayo sa ‘kin!” natatarantang sigaw ni Alvin.

Pinagtitinginan sila sa buong campus. Agad nilagyan ng handcuffs si Alvin at pinasakay sa police car. Maya-maya ay nakarating na din sila sa malapit na police station.

“Makukulong ba ‘ko? Wala akong kasalanan.” nagmamakaawang sabi ni Alvin.

“Hindi pa. Dadaan muna tayo sa mahabang proseso.” sabi ng pulis.

Kinakabahan na nang todo si Alvin sa sitwasyon. Masyado siyang nabibilisan sa mga nangyayari.

**********************

Katatapos lang mag-dinner ng klase ni Julie sa retreat house sa Batangas. First time niyang kumain nang solo dahil mismong ang best friend na si Lia ay galit sa kanya. Maya-maya din ay magsisimula na ang pinaka-aabangang part ng retreat – ang open forum kung saan pwedeng maglabas ng kung ano mang nararamdaman sa bawat kaklase.

Maingay silang umakyat papunta sa hilltop kung nasaan ang kwartong pagdarausan ng open forum, maliban kay Julie na tahimik lang na naglalakad. Inaalala niya nab aka ipahiya siya sa buong klase mamaya dahil sa away nila ni Lia dahil lang sa sulat ni Josh.

“Lia, kausapin mo naman ako, please.” pakiusap ni Julie habang paakyat ng hilltop.

Tiningnan lang siya ni Lia at hindi na ito pinansin. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Tumahimik na lang din si Julie na parang napapahiya sa sitwasyon.

Ilang minuto din ang nagdaan bago nagsimula ang open forum. Lahat sila ay naka form in circle para mas maayos ang pag-share.

Sinimulan na ang forum, at isa-isa na silang pumunta sa gitna at nagsabi ng kanilang mga pasasalamat, hinaing, o kaya’y mga sikreto na ngayon lang narinig ng buong klase. May ibang natuwa, at may iba din namang nasaktan sa mga sinabi ng ilang kaibigan o kaaway.

Now it’s Julie’s turn. Mas nauna siyang magsasalita kaysa sa kaibigan niyang si Lia. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Agad din siyang umupo sa tinatawag nilang “hot seat” sa gitna ng malaking circle.

Nakatingin sa kanya ang lahat ng kanyang mga kaklase, na parang may halong inis at panghuhusga. Nakangiti lang din si Andrea sa gilid kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Watch this scene.” bulong ni Andrea sa kanyang mga kaibigan.

Nagsimula nang magsalita si Julie.

“Classmates…” panimula niyang sabi.

Nakatingin lang silang lahat kay Julie.

“Thank you sa four years nating pinagsamahan. Thank you sa mga masasayang memories, sa mga pagpupuyat kapag may assignments at projects, at sa mga tawanan at iyakan.” nakangiting sabi ni Julie.

My Girl, My FriendWhere stories live. Discover now