Entry 01 [ Feb. ] : Self-Love Poetry

424 24 8
                                    

CHOOSE YOURSELF
written by Endee (loveisnotrude)

minahal ka niya pabalik,
masaya ka ba?

ikaw ang pinili niya,
  masaya ka ba?

nung oras na tinalikuran niya siya,
mata mo'y nagningning sa saya;
nagtatatalon ang puso sa galak.
ang tanong: masaya ka ba talaga?

nang sambitin niya ang "mahal kita"
hindi umabot ang ningning sa mata.
nababahala't nag-aalala para
sa taong mahal niya talaga.

nakuha mo ang puso niya,
masaya ba siya?

nasa piling mo na siya,
   masaya ba siya?

masaya ka sa kanya
pero mas sasaya siya sa iba
kaya tama na.

panahon na para sarili mo naman.
piliin mong maging masaya
kahit ikaw lang mag-isa.

***

DATE WRITTEN: February 04, 2020
DATE POSTED: February 06, 2020

***

#WattpadSelfLovePoetry

***

Kumusta!

Ayon, kagabi (February 29) in-announce na ng AmbassadorsPH 'yong mga nanalo para sa buwan ng Pebrero at hindi nga ako makapaniwala na itong entry ko na 'to ang isa sa mga nagwagi. Naks!

Nung una kasi, umasa talaga ako. I mean, nag-expect akong mananalo ako. HAHAHA. Alam niyo naman, doon lang ako magaling — sa umasa. Lol. Kidding aside, seryosong nag-expect talaga ako. When I published my entry, I convinced myself na winning piece na talaga 'tong gawa ko. Kaya malaki ang chance na mananalo. Pero habang tumatagal at parami nang parami ang mga nababasa kong entry, nawawalan na ako ng pag-asa. Ang gaganda kasi talaga ng mga gawa nila.

That's why I'm really shookt when I opened the Wattpad app yesternight at medyo sumabog ang notif ko. At 'yon nga, kaya pala gano'n kasi isa ako sa limang nanalo.

Nakakatuwa.

Kaya gusto kong magpasalamat sa lahat — sa mga taong nasa likod ng patimpalak na ito, sa mga naging hurado, sa buong AmbassadorsPH, sa lahat ng nagbasa at bumoto. Maraming salamat talaga!

Maliit man ang bagay na ito para sa iba pero bilang manunulat, napakalaki na nito. Isa ito sa mga masasabi kong achievement.

Hello, I won! Bihira lang akong manalo't piliin kaya ang saya-saya ko. Hehe.

Hanggang sa muli. Excited na ako sa magiging tema para sa buwan ng Marso at ginanahan ako lalong magsulat sa patimpalak na ito.

P.S. If you have time, basahin niyo rin 'yong gawa nung ibang winners. Thanks!

Stay in love and don't be rude, folks!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Stay in love and don't be rude, folks!

Yours truly,
Endee

Write-A-Thon Challenge EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon