Random Writing #14

1 0 0
                                        

Miss miss nakikita mo ba

Kislap sa aking mga mata

Sa tuwing tinitingnan kita

Shit tangina ang saya!


Miss miss naririnig mo ba

Tibok ng puso ko -- shit! ang lakas niya!

Please 'wag kang ngumiti miss maganda

Nahihirapan tuloy akong huminga


Miss miss pwede ba kitang makilla

Pangalan at number mo lang okay na

Magandang mata, mahabang buhok, nakakatunaw na tawa

Shit natotorpe ako, wala na olats na


Miss miss tinanong ko sa iba kung kilala ka nila

Stalker ba? Sorry na

Mabait matalino maganda

Ang perpekto mo naman, may boyfriend ka na kaya?


Miss miss hanggang dito na lang ang corny kong tula

Sikreto ko na lang 'tong nararamdaman ko para sayo ha

Maganda ka, pangit ako, boom walang pag-asa

Wala akong magagawa, mula na lang sa malayo ay mamahalin kita


Random WritingsWhere stories live. Discover now