Minsan tinatanong ko ang aking sarili
Kailan kaya darating ang araw na ako naman ang mapipili
Kailan kaya ako magiging number one
Dito sa mundong ako palagi ang next in line
Minsan tinatanong ko ang aking sarili
Kailan kaya ako magkakaroon ng sandalan
Dito sa mundong ako ang sinasandalan
Maraming pangalan na rin ang tinawag sa'kin
Babe. Baby. Love. Hon? Bes?
Pero lahat ng taong nagsabi sa akin ng ganyan
Ay tuluyan nang lumisan sa aking buhay
Nang ako ay maubusan
Maubusan ng lakas
Ng pag-intindi
Ng pag-aalaga
Ng pagpapatawad
Ng pagmamahal
Minsan tinatanong ko ang aking sarili
Kailan kaya may taong mananatili
Mananatili sa aking tabi kahit ako'y ubos na ubos na
Mananatili sa aking tabi kahit ako'y pagod na
Mananatili sa aking tabi at sasabihing mahal
Magpahinga ka muna
Bukas paggising mo ay andito pa rin ako
Mahal andito pa rin ako kahit gusto mo nang sumuko
Mahal andito pa rin ako kahit hindi mo na magawang mag-alaga
Mahal andito pa rin ako kahit hindi mo na magawang magpatawad
Mahal andito pa rin ako kahit hindi mo na magawang magmahal
Kasi mahal
Alam ko
Alam kong pagod ka lang
Alam kong pagod ka lang na ikaw na lang lagi ang nagbibigay
Na binibigay mo ang lahat pero wala ka namang natatanggap
Na pagkatapos mong ibig ang buo mong pagkatao
Ay aalis na sila sa buhay mo
Alam ko, mahal
Alam kong gusto mo lang ng pag-intindi
Alam kong gusto mo lang ng pag-aalaga
Alam kong gusto mo lang ng pagpapatawad
Alam kong gusto mo lang ng pagmamahal
Alam ko, mahal
Huwag ka nang mag-alala
Kasi nandito na ako
Mahal, nandito na ako
Nandito ako para magbigay ng pag-iintinding hinahanap mo
Nandito ako para magbigay ng pag-aalagang hinihiling mo
Nandito ako para magbigay ng pagpapatawad na inaasam mo
Nandito ako para magbigay ng pagmamahal na deserve mo
Kasi mahal
Sa lahat ng sakit ng at pagsasawalang bahalang naranasan mo
Andito ako para magbigay ng halaga sa'yo
YOU ARE READING
Random Writings
PoetryA place where I write the string of words that comes into my mind.
