Sorry kung nakakaistorbo ako
Sorry kung nakalimutan ko
Na wala nga pala akong pwesto sa buhay mo
Sorry kung humingi ako ng oras mo
Sorry kung nawala sa isip ko
Na wala nga lang pala ako sayo
Sorry kung umasa ako
Na tutupad ka sa pangako mong
Di ka mawawala sa tabi ko
Sorry kung hinanap ko ang presensiya mo
Sa mga panahong pakiramdam ko ay mag-isa ako
Sorry kung ginusto kong marinig ang boses mo
Sa mga panahong ginugulo ako ng mga boses sa utak ko
Sorry kung hinanap ko ang init ng mga yakap mo
Sa mga panahong pakiramdam ko ay bibigay na ako
Sorry kung akala ko ikaw na ang magiging sandalan ko
Dito sa mundong laging sinasandalan ay ako
Sorry kung hindi ko naabot ang mga expectations mo
Sorry dahil ganito lang ako
Sorry dahil hanggang dito na lang ako
Sorry dahil pagod na ako
Sorry dahil ayoko na dito
Sorry dahil aalis na ako sa tabi mo
Sorry
YOU ARE READING
Random Writings
PoetryA place where I write the string of words that comes into my mind.
