“Okay, ipagtatapat ko kung paano kung nakuha ang number mo pero promise mo hindi ka magagalit.”

Namaywang siya. Bumuntong-hininga. “Sorry, I can’t,” matapat niyang sagot. Bagay na ikinatawa na naman nito sa kabilang linya. “Ano ba! Mukha ba akong clown sa’yo? O baka naman naiisip mo si Whoopi Goldberg noong gumanap siya sa Ghost habang ako ay kausap mo?”

Mas lumakas ang tawa ni Tyler sa kabilang linya, maging siya ay nangiti at nahawa na rin sa kausap. Hindi nagtagal ay kanya-kanya na sila ng halakhak habang nagkukuwentuhan ng tungkol sa naturang pelikula.

“Naalala mo ba kung paano siyang magpanic matapos niyang matuklasan na tunay pala siyang psychic?” tanong sa kanya ni Tyler.

“Oo, nanakit noon ang tiyan ko sa katatawa, nakandahulog pa nga si Joey sa katatapik...” noon niya namalayan ang pagtulo ng luha niya sa pagkakaalala sa dating nobyo. “I’m sorry, I have to go.” Hindi na niya hinintay na makasagot si Tyler, isinara na niya ang cell phone at baluktot na naupong umiiyak sa sahig.

*****

“SHIT!” napamurang wika ni Tyler, bahagyang nabayo ang kaharap manubela ng kotse nang sa maraming pagkakataon ay hindi na muling sinagot ni Hope ang kanyang tawag.

Everything was already going so smooth! Damn, why does he have to enter the topic?

That’s right, alam na niya ang tungkol kay Joey, mula sa mismong labi ni Hope, noong gabing malasing ito at mapagkamalan siyang si Joey at pinilit na ito ay tabihan. Sinadya niyang hindi iyon ipaalam kay Hope upang hindi na ito magalit sa sarili. Hope, seems to just the type to be.

Napatingin siya sa cell phone bago iyon binulsa, at napaisip kung anong susunod na dapat gawin. Tiningnan niya ang gusali na kinaroroonan ng condo ni Hope.

Tulad ng sinabi niya rito ay hindi mahirap para sa kanyang malaman kung ano ang numero nito at address. Hindi niya agad na inamin sa dalaga ngunit tama ang naging hula nito, ang ama nga nito ang nagbigay sa kanya ng mga impomasyon tungkol rito. Hindi kasi ito kinakausap ni Hope kahit na anong tawag o pagdalaw nito, kung kaya ng sabihin niya ang balak na pagtulong sa anak nito, inunahan pa siya nito ng pagbigay ng lahat ng impormasyon tungkol sa dalaga. Kulang nalang ay ibigay na ni Samuel sa kanya ang security number ng anak kung nalalaman lang nito.

At heto nga tatlong araw na siyang pabalik-balik at tumatambay sa lugar na iyon para manmanan ang dalaga, ngunit ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang lumabas.

Iyon talaga ang dahilan ng pagpasya niyang tawagan ito. Balak niya itong imbitahan na lumabas. Alam niya ang pinagdadaanan nitong paghihirap, nakikita niya ang sarili noon sa dalaga kung kaya gusto niya itong matulungan.

Iginala niya ang paningin sa paligid at napapitik nang may ideyang naisip nang mapansin ang magnobyong dumaan sa harap ng kotse niya. Mukhang nag-shopping ang mga ito at isa sa bitbit ng babae ay isang CD na malamang ay bigay ng lalaki.

Wala siyang oras na sinayang, pinaandar niya ang nakaparadang kotse at nilisan ang parking lot.

Sa isang DVD rental store siya dumiretso.

“Do you have the movie Ghost?” tanong niya sa babaeng nasa casher.

“Ghost, po?” ulit ng babae na parang baka na nguya ng nguya.

“Yes, Ghost.”

“Ghost...” ulit na naman ng babae na pinalubo pa ang bumblegum na nginunguya. Uh, why does she have to repeat it each time! “I do not know sir,”

“What! Can’t you check it? You must have some kind of record.”

Tikwas ang bibig habang patuloy ang pagnguya na pinindot-pindot ng babae ang mouse at nag-type ng kung ano sa keyboard ng computer. Tapos ay tumingin sa kanya. “What kind of ghost story sir? We have many, eh.”

“I’m not looking for a ghost story, but GhostI! That’s the movie title!”

“Sorry Sir, but we don’t have it.” Hindi man lang sinulyapan ang computer screen na sabi nito at iminuwestra sa kanya ang mga DVD’s na nakapatong sa dividers sa loob ng store. “Kung gusto mo po ay magtingin-tingin nalang kayo.”

“Saang hilera ba ang letter G?” tanong lang niya sa babaeng parang hindi nagulat sa biglang pagsagot niya ng Tagalog. Nawawalan na siya ng pasensya sa kawalan ng ganang nitong tumulong sa kanya. At bago pa niya maisagawa ang nasa isip na na paghablot ng mukha nito at pilit na paghila ang dila nito palabas, kasama ang kung ano ginunguya nito, minabuti niyang siya na lang ang humanap ng kanyang hinahanap.

Tumungo siya sa linya ng mga DVD films na nagsisimula sa letra G at hindi nagtagal ay natagpuan ang titulo ng pelikulang hinahanap. Kinuha niya iyon at bumalik sa casher. Kinuha naman iyon ng babae at tila walang nangyaring pag-uusap sa pagitan nilang hiningi sa kanya ang bayad.

“Fifty pesos po ang renta sir, at another fifty para sa deposit na iyong makukuha kapag naibalik mo na ang DVD Film. Hundred pesos po lahat,” wika nito.

Gusto man niyang ipamukha rito na natagpuan niya ang sinabi nitong wala sa store ay nanahimik na lang siya at binayaran ang renta at deposit ng DVD at lumabas na.

Sakay ng kotse, dumaan muna siya sa isang Chinese restaurant at nag-take-out ng two serving of chow mein dish.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Where stories live. Discover now