Chapter 2: Unexpected

Magsimula sa umpisa
                                    

“Can I?” I asked.

“Sure po,” lumapit siya na may dalang silya. “Maupo po muna kayo, sir. Susubukan ko pong i-text si tita if anong oras pa uuwi si papa para ma-inform ko po kayo.”

Tumango lang ako. Bumalik siya sa casher area at nagtipa sa di-keypad na cellphone. I roamed my eyes to the whole place. Maliit man pero hindi siya masikip tingnan. May mga bottle of herbs na nakalagay sa estante ng shop at iilang mga kahon na nakapatong sa itaas. Ilang sandali pa ay nagsalita siya.

“Sorry po sir pero hindi pa po agad makakauwi si papa. Gagabihin kana po masyado kung hihintayin niyo pa po s‘ya.”

“Ganoon ba?” I bit my lower lips. I thought makakausap ko ang may-ari ng shop na ‘to. I just need to talk to him. Maybe he can give me some recommendations or herbs. But since the owner was not here, anong magagawa ko?

“Bumalik nalang po kayo bukas, sasabihin ko rin po kay papa na bukas din ay hintayin ka rito sa shop bago siya umalis ulit.” saad ng batang babae. I guess she's fifteen.

“No worries, I understand. Thank you,” ngumiti ako at nagpaalam.

Mag-isa kong tinahak ang daan pauwi. I was absently staring on the ground, hands on my pocket while walking until someone bumped me. Agad na nanumbalik ang conciousness ko.

“Fuck! Tanga ka ba o sadyang bulag?!” Inis kong tanong sa babaeng nakabunggo sa‘kin. Hindi ko alam kung may pinagtataguan ba siya o sadyang ang clumsy niya lang. Whatever it is, I don't care.

Hindi pa ako nakakatayo ng makita kong inilahad niya ang palad para sana tulungan ako.

Imbes na hawakan ay hindi ko iyon tinanggap. “Damn! Wag mo nga akong hawakan!” Tumayo akong mag-isa. Pinagpagan ko ang suot na jeans at inayos rin ang suot na shades. I was about to walk away and ignore her but when I see her face I can't even move my body. My heart keeps beating faster in sudden. My eyes blink kahit alam kong hindi niya iyon makita.

What the hell is she doing here?

“Ayon siya!” Nataranta siya ng marinig ang boses na iyon pero mas lalo akong nagulat ng tumago siya sa aking likuran.

"Hoy babae! Lagot ka sa amin!" Sigaw nung lalaking may pasa sa mukha. Imbes na matakot ay nagawa pa niyang mag-middle finger. What the fuck is she doing?

“What the? Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo yung damit ko!" kunwaring inis na saad ko. Saglit siyang napatulala na tila may inaalala.  I thought she recognize me but no. Hindi niya ako nakilala.

Humarap siya sa mga lalaking humabol sa kanya, “Sasaktan niyo ako? Sige, lagot kayo dito sa boyfriend ko. Kung hindi niyo lang alam serial killer 'to sa lugar namin!” Sigaw niya dahilan para lalo akong magulat. I did not expect it.
“What the hell! Ano bang sinasabi mo? Just get off your fucking hand on me!” I pretend. I'm okay with the boyfriend word, but the latter? Serial killer? Seriously? What a trouble maker.

“Makisakay ka nalang.” Bulong niya.

“Hahah! Yan serial killer sa lugar niyo? Eh bata lang yan eh! Wala yang binatbat sa amin!” Sigaw muli ng lalaki. Nandilim ang paningin ko dahil hindi ko gusto ang sinabi niya. Not to mention na babastusin pa nila ang babaeng ito.

“What did you just say?”

“Aba pa english english pa siya pare ah! Ang sabi namin bata ka lang! Wala kang binatbat sa'min! Kaya kung ako sa'yo ibigay mo na sa amin 'yang babae na ‘yan at nang matapos na.” Ibigay? Ngayon na nagkita kami ulit, hinding hindi ko siya ibibigay. Not even this time.

“Why don't you try me first? Pagnatalo niyo ako sa inyo na siya. Pero pag ako ang nanalo, okay lang ba na basagin ko iyang pagmu-mukha niyo?”

Narinig ko ang pagtawa ng lalaki. “Seryoso ka bata? Sige pumapayag kami.”

Our Messy Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon