29th Break: Tuesday Flashback

Start from the beginning
                                    

Yeah, right. Fear me.

"Uh... Alesia—"

"Umalis na 'kayo." putol ko sa kanya.

Alam kong gusto nilang pauwiin na ako para sila na lang ang maglinis pero ayaw ko. Mas mabuting sila na lang ang umuwi at ako ang maiwan dito. Kita ko ang pagbakas ng pagtutol sa mga mata niya. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan siya ng may panghahamon sa mga mata. Napayuko naman siya.

Subukan mo lang kulitin ako at tatamaan ka sa akin.

"S-sigurado—"

"Oo. Dagdag kalat lang naman kayo." wika ko.

Hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin kaya nakayukong bumalik siya sa mga kaibigan niya. Tumingin silang lahat sa akin at mahinang umusal ng pasasalamat bago tuluyang umalis. Napabuga ako ng hangin nang ako na lang ang maiwan dito. Pinaalis ko na sila dahil hindi rin naman sila makakatulong sa akin dahil sa sobrang takot nila sa presensiya ko. Noong unang beses akong maglinis kasama sila ay kung ano-anong kapalpakan ang ginawa nila. Nanginginig sila ng sobra kaya natatapon ang basurahan o 'di kaya ay ang timba na may lamang tubig para sa paglalampaso at iba pa. Gustuhin ko mang magpa-iwan sila ay hindi pupuwede. Delikado para sa kanila ang gabihin sa daan lalo na at puro babae na malalayo pa ang bahay ang kasama ko sa pagiging cleaners.

Tss. Ayaw ko lang talaga na may sagabal sa paglilinis ko.

Kumuha ako ng walis at dust pan sa cleaning room. Pagbalik ko ay mas lalo akong napasimangot dahil may mga hindi imbitadong panauhin sa classroom. Mga lalaking estudyante sila na gusto rin yatang makatulog ng matagal.

"Oh, Montes, ang bait mo naman para palayasin ang mga katulong mo." sarkastikong wika no'ng lalaking may pulang panyo sa ulo.

Kulang na lang ay mga dahon para maging albularyo ang isang 'to. Inirapan ko siya.

"Teka nga. Sino ba kayo?" kalmadong tanong ko at binilang sila. "Fifteen? Ni isa nga wala akong kaibigan tapos labinlima kayong bumisita sa akin? Ang sweet n'yo naman."

"Hindi kami nandito para makipagkaibigan. Nandito kami para turuan ka ng leksyon." inis na saad no'ng isa na may hawak na baseball bat. Lahat sila ay may iba't ibang armas na hawak.

"Turuan? Teacher nga hindi ko pinapakinggan kayo pa kaya?" sarkastikong wika ko at humigpit ang hawak sa walis tambo. "Umalis na lang kayo dahil maglilinis pa 'ko. Oopps, huwag pala dahil mga kalat din kayo na dapat kong linisin."

Sumama ang tingin ko sa kanila at ganoon din sila sa akin. At dahil pikunin sila ay sila na ang unang sumugod sa akin. Hinawakan ko ang baseball bat no'ng isa at hinila siya palapit sa akin para hampasin ng tambo sa tiyan. Itinapon ko siya sa tatlong nasa gilid ko at sabay-sabay silang natumba. Ikot, talon, sipa at hampas ang ginagawa ko. Hindi ko naramdaman ang isa sa likuran ko kaya nasakal niya ako gamit ang braso niya. At dahil malapit kami sa board ay umapak ako roon. Ilang hakbang ang ginawa ko hanggang sa mabitawan niya ako at mapunta sa likod niya. Pinisil ko ang vital point niya sa batok na ikinatulog niya. Paglingon ko sa likod ko ay awtomatikong isinangga ko ang braso sa baseball bat na parating.

"What do you think you are doing?" malamig ang boses na tanong ng isang lalaki.

Natulala ako saglit bago mapagtanto ang nangyari. Hindi ako tinamaan ng bat dahil sa lalaking kulay pula ang buhok na may hawak dito. Napakurap-kurap ako nang bumilis ang tibok ng puso ko.

Teka... Pagod na agad ako?

Nagtataka ako dahil hindi naman ako mabilis mapagod. Napahawak ako sa dibdib ko.

Mabilis talaga...

"Miss, okay ka lang?" tanong naman no'ng lalaking kulay asul ang buhok.

Hinamig ko ang sarili at kalmadong tiningnan sila.

"Pwedeng pakialis na ang mga iyan? Maglilinis pa kasi ako." saad ko at tiningnan naman nila ako na parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Umuwi ka na. Ipapalinis na lang namin sa janitor ang classroom n'yo." wika naman no'ng lalaking blonde ang buhok.

Doon ko lang napansin na apat silang bagong dating na naririto. Matutuwa na sana ako sa una niyang sinabi pero ro'n sa huli, hindi. Umiling ako.

"Hindi na, ako na lang. Baka ma-detention na naman ako." pagkontra ko na lang.

Wednesday bukas at hindi ako pwedeng ma-detention. Wala akong pakialam kung halos araw-araw akong nasa detention pero huwag lang tuwing Miyerkules. Iyon lang ang natatanging araw na mabait ako.

"If you say so." Nagkibit-balikat 'yong lalaking berde ang kulay ng buhok.

"Go home. Kami na lang ang maglilinis." saad naman no'ng lalaking kulay pula ang buhok.

Kuminang ang mga mata ko sa narinig at mabilis na tinakbo ang bag ko. Lumapit ako sa kanya kaya naamoy ko ang mabangong amoy niya.

"Sinabi mo 'yan, ha? 'Pag hindi kayo naglinis, guguluhin ko rin ang classroom ninyo." Ngumuso ako at saka binigyan siya ng matamis na ngiti. "Thank you, Pula!"

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now