Kabanata 32

39K 1.7K 101
                                    

BETRAYED

Humalakhak siya at hindi makapaniwalang pinasadahan ako ng tingin.

“O.M.G!” Inilagay niya ang kanyang palad sa kanyang bibig na parang hindi talaga siya makapaniwala pero alam ko naman na arte niya lang ito.

Kinuyom ko ang kamao kong nanlalamig. Hindi ko akalain na makikita ko ulit si Hailey at sa itsura niya ngayon, alam ko na may plano siya.

“Hindi ako makapaniwala na sa party ng friend ko ikaw makikita,” sambit niya.  Hinawakan niya ang dulo ng kanyang buhok at saka tinaasan ako ng kilay. “All of use were looking for you. At nandito ka lang pala? With Brent Jackson?”

“H-Hailey, lubayan mo ako.” Nanginig ang boses ko.

I don’t want my freedom to end. Ayaw kong bumalik. I am now happy. Please let me happy for real.

“H-Hailey, just pretend that you didn’t saw me please.”

She doesn’t like me, right? Hindi niya ako gusto at gusto niya ay mawala ako sa buhay niya. Kaya mas mabuting magbulag-bulagan na lang siya ngayon. Pero kinakabahan pa rin ako.

Tumawa siya lalo at inilingan ako. “I didn’t expect you to be here. And I was like, nakikipagtanan ka ba kay Brent Jackson kaya ka tumakbo sa kasal?”

Namilog ang mata ko. Ano ang gusto niyang palabasin? Na ako ang cheater at hindi si Greg? She saw it too. She gave me a hint that Gregory was a cheater. And now, what? Gusto niyang baliktarin?

“No,” sagot ko sa kanya. “Leave Brent alone.”

Tumigil siya sa pagtawa at saka tiningnan niya ako nang matalim. “Hindi ko akalain na may pagkamalandi ka pala. Magkaibigan sina Brent at Gregory. At ikaw, nanunuhog ka na. What’s wrong with you, Khadijah? And oh, nagpakulay ka pa talaga ng buhok? Ang galing mo rin magtago, no? Pero kahit ano pa ang transformation na gagawin mo, makikilala pa rin kita, my dear sister!”

Tumayo ako at tinatagan ang loob kong harapin siya.  “A-Ano ba ang kailangan mo?” Panibagong luha ang tumulo sa aking mga mata. “Nasa iyo na ang lahat! Pinaubaya ko na si Mommy sa iyo! Hindi na ako nangingialam! Lumayo na ako para solong-solo mo na! All I want is freedom! Gusto kong sumaya! Gusto kong maranasan at maramdaman  ang mga bagay na hindi ko nagagawa habang nasa iisang bubong pa tayo! Kahit ito lang…kahit ito lang Hailey…ibigay mo na ito sa akin.”

“Ay, hindi tumulo ang luha ko,” ani Hailey at pekeng pinunasan ang kanyang ibabang mata na wala namang luha.

Sumikip ang dibdib ko dahil doon.

“Akala ko ay hindi mo ja dapat pakakasalan si Greg dahil hindi mo na kami kailangang iligtas dahil sampal iyon sa akin, Khadijah! Pero nang iniwan mo si Greg sa ere, doon naging delubyo ang buhay namin!” Ramdam na ramdam ko na ang galit niya ngayon. “Unti-unti kaming naghirap! Dad sold my favorite bag! Even my car and everything that I had!”

Bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na naghirap pala sila.

“I thought na hindi na kailangan na ikaw! You are nothing and I am willing to marry Gregory just to save our company! Pero ayaw niya sa akin dahil ikaw ang gusto niya! Hinahanap ka nila ng ilang buwan. At nandito ka lang pala? Nagpapakasaya?”

“H-Hailey…”

“You’re selfish!” sigaw niya. “Hindi mo iniisip ang pamilyang nagpapakain sa iyo! Nagsisisi ako na sinabi ko sa iyo na cheater ang boyfriend mo! Sana hindi ko na lang sinabi para maganda pa sana ang buhay ko ngayon! Pero ito nga…kaya wala kang karapatan na magmakaawa sa akin!”

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko pa nakikita si Brent. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko na itakas niya ako…

Humakbang siya sa akin sabay hawak sa baba ko at inangat para magkatinginan kami.

“Actually, nandito rin ako para kumpirmahin ang nakita ko.” Umirap siya at marahas na inilayo niya ang mukha ko sa kanya at hinalukat ang bag niya at inilabas ang phone niya. May tinipa siya roon bago niya ito pinakita sa akin.

Umawang ang labi ko at mas lalong umagos ang luha sa mata ko.

“There was a girl named Carpa who messaged me about your location” Ngumisi siya sa akin sabay kayo sa kanyang selpon.

Natulala ako saglit at hindi ako makapaniwala na isinumbong ako ni Carpa. I felt betrayed. Para akong sinaksak ng libo-libong punyal sa likuran ko. Sumikip lalo ang dibdib ko. Kahit hindi ko feel na tinuring niya akong friend, I considered her as my friend kasi kaibigan kami ni Pempem. Pero hindi ko akalain na ganito ang gagawin niya.

“I gave her the money just now since she needed it. I found out that you were friends with her.” Binigyan niya ako ng sad expression. “How does it feel to be betrayed by a friend, Khadijah?”

Sunod-sunod na ang pag-agos sa aking luha. Ang sakit. Alam ko na ayaw niya sa akin pero hindi ko akalain na ganito pala kapag gaano na kaayaw.

“Tanga ka kasi! Masyado kang tanga para magtiwala agad sa taong hindi mo pa lubos na kilala. Now, wala ka nang ibang magawa kundi ang sumama sa akin.”

Nataranta ako sa sinabi niya at agad umatras.

“Hindi! Hindi ako sasama sa iyo!” sigaw ko at napalingon-lingon sa paligid.

Brent! Lumabas ka na please. Sising-sisi na ako na itinulak kita kay Nathalia.

“Oh, hinihintay mo ba ang prince charming mo?” ani Hailey at tumawa. “Hindi ka na niya maliligtas. He can’t do anything about it, Khadijah kasi kasabwat siya ni Gregory.”

Umiling ako. Hindi naniwala sa kanyang sinabi.

“Hindi. Hindi magagawa ni Brent iyon!”

“Oh girl! Ang desperada mo na talaga sa atensyon at pagmamahal! Hindi ka mahal ni Brent! He was just doing his job as Greg’s alliance! You don’t know Brent, Khadijah! Ginagamit ka lang niya!”

Hindi ko na kayang marinig pa ang lahat kaya tumakbo ako palayo ngunit hindi pa ako nakalayo nang bigla niyang hinawakan ang buhok ko at hinila. Napasigaw ako sa sakit at pilit kumawala sa kanyang pagkahila.

“What are you doing?” narinig kong sigaw ni Hailey. “Kunin niyo siya! I can’t let her hurt me!”

Natakot ako nang biglang nagsidatingan ang tatlong lalaki at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Sisigaw na sana ako nang tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko gamit ang isang panyo na nagpapahina sa akin.

“Huwag niyong tuluyan! We need to get out of here quietly! Sa Facebook na lang ako magpapaalam kay Nathalia.” Iyon ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

***

Puti. Iyon ang unang bumungad sa akin paggising ko. Hindi na ako nagtaka dahil pamilyar sa akin ang lugar.   Alam ko na katapusan na ng kaligayahan at temporaryong kalayaan ko.

Hindi ko kinaya ang sinabi ni Hailey sa akin. I was betrayed. Pero kahit gano’n, hindi ako naniniwala na gagawin iyon ni Brent sa akin. Siya na lang ang taong pinagkatiwalaan ko ngayon. Nangako siya sa akin na hindi niya ako ibabalik kay Greg. Mahal ko siya at mahal niya ako. Marami kaming memories at sobrang saya ko na kasama siya. At kung totoo man ang sinabi ni Hailey sa akin tungkol kay Brent na ginamit niya lang ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon