Chapter 14

4.9K 180 10
                                    

CJ's POV

                😈😈😈😈😈 Anong akala ng kalbong yon basta-basta na lang ako aatras? Sino sya para urongan ko?

Aba't dugo't pawis ng pamilya ko ang nagpaaral sa akin dito MU tapos i-expel ba naman ako ng dean na ito ng walang ibang matinong rason? 😠

Di ko rin akalain na dati na pala itong ginagawa ng kalbong dean na ito sa mga scholars. Bakit wala man lang nagsalita o nagsumbong? Pwes ibahin nila ako dahil kung sila takot ako hindi takot sa-

This time CJ wala ka ng kawala kay kuya Noel pag nalaman nya ito.

😑😑😑 Kahit kailan panira talaga itong isip ko! Mas lalo na pag nalaman nyang expelled na ako matagal na! Wala akong maibigay na rason sa kanya eh paano kaya kung malaman ni itay? Wala na! Kataposan ko na!

Wala ka naman kasalanan eh...

Tingin mo kaya iisipin nila yan matapos ng ginawa ko? 😑

Baka nakakalimutan mo ganito rin ginawa ko sa high school ang pinagkaiba ay...

"Mr. Bato... I don't know what to do anymore sa anak po nyo... matalinong bata si Ceilla at laging kasama sa honor student dito. The only problem is may pagkamasawayin nyang bata." Naiiling na sabi ng prinsipal namin habang nakatingin sa akin.

"Ako na po humihingi ng pasinsya at paumanhin sa anak ko sir. Pero sir wag naman ho ganitong paraan... nagmamakaawa po ako huling taon na po nya ngayon sa high school wag nyo po sanang i-expel ang anak ko..."

Napayuko na lang ako ng marinig ko si itay na nagmamakaawa kay mr. Hernandez na prinsipal namin.

"Away ko man ho expelin ang anak nyo mr. Bato pero sa ginawa po ng anak nyo nangangamba po ako at ng ibang teacher na baka ulitin po nya ito."

"Hindi po ba ang ginawa lang ng anak ko ay nakawin ang-"

"Naku itay di ko po magagawang magnakaw!" Nagtatakang tanggi ko sa sabi ni itay lalo na't natatakot ako ng makita ko ang galit ni itay. 😖

"At nagawa mo pang tumanggi! Wala akong anak na sinungaling kaya magsabi ka ng totoo Ceilla Juhanne Bato!" Galit na sabi sa akin ni itay. "Alam mo ba anong balitang umabot sa akin? Hah, bata ka? Tingka mo raw nakawin ang isa sa mga computer dito sa paaralan nyo! Isang malaking kahihiyan ito sa akin CJ. Di ba kita mapakain o matustosan ang pangangailangan mo para gawin mo ito?"

Naiyak ako sa sabi nya dahil di naman talaga ako nagnakaw!

"(Cough!) Ah... mr. Bato-"

"Sir, papalitan o babayaran ko po ano mang-"

"Hindi ho nagnakaw si Ceilla mr. Bato... buti kung yon ang ginawa nya pero hinack po nya ang information and grades ng school namin. She changed some of the information lalo na ang mga grades ng ibang students namin." Makikitaan ng galit si mr. Hernandez sa huling sabi nya kay itay.

Nak ng tipaklong baka letsonin na ako ni itay nito! 😱 Pero wala naman nagsabi sa akin noon na di pala yon pwedeng gawin! 😠 Ang iniba ko lang naman ay noon ay ang info. ng high school na pinapasukan ko as a prank at ibinalik ko lang naman sa original ang mga grades dahil napansin kong iba ito sa back up drive ng school namin!

Uh... makaalis na nga dito sa computer lab baka maulit pa ang nangyari noon. 😓😓😓

Hmmm... daanan ko kaya ang taong yon ng makita anong hitsura nya ngayon?

Baka patayin ka! Tingnan mo nga ang reaction ng mga tao sa paligid! Lalo na at ibinulgar mo yang selected mini auction!

😈😈😈 Aba sya lang ba marunong mang-ipit ng tao? Di ko rin naman akalain na may-ganon syang itinatago no.

Naughty WifeyWhere stories live. Discover now