Chapter 33

4.7K 159 35
                                    

CJ's POV

         Whoaaa... di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon! Mga lods di ko alam if nanaginip ba ako hanggang ngayon!

Para akong timang na tumiyingtingin sa kapaligiran ko.

Akalain ko ba naman na ito ang late gift daw sa akin ni Olivia pambawi raw nya sa high school graduation at sa birthday ko na di nya nadaluhan!

Nalulula ako sa gift nya... sinabi nya sa akin na magbabakasyon after ng pasko at kaming dalawa lang ang magni-new year!

"Do you like my gift?" Nakangiting sabi sa akin ni Olivia.

"Haha... buti napapayag mo sila itay but I do like it, Olivia." Di makapaniwalang sagot ko habang nakatingin ako sa may bintana ng sasakyan.

"Pero sana sa Japan na lang-"

"Ikaw talaga!" Natatawang sabi nya habang pinanggigilan ng kamay nya ang kawawang pisngi ko.

"I want us to have time together tapos iba ang nasa isip mo! Puro ka na lang komiks!"

"Eh... sha Khorea-"

"Alam mo Ceilla naiinis na ako sayo! Magtatampo na ko nyan lahat na lang lumalabas sa bibig mo may koneksyon sa mga hilig ng cartoons!" Pagtatampo ni Oli.

"Do you know how hard to convince them for you to come with me na tayo lang dalawa ang pupunta dito? And I prepared this vacation here in Paris for both of us tapos ginaganyan mo ako? Hmph!"

Napakamot kilay na lang ako sa sinabi nya.

"Uh... di ka na mabiro Oli-" natigilan ako ng irapan nya ako at umusog sya ng kunti palayo sa akin.

Paktay kang bata ka... hirap pa naman syang soyuin.

At napatingin ako sa driver ng sinakyan namin, buti na lang wala syang paki alam sa amin lalo na't di naman sya nakakaintindi ng tagalog.

"Oli- uh... m-ma-mahal... sorry na... nagbibiro lang naman ako, eh." Nagkandautal-utal ako sa pagtawag sa kanya ng mahal nakakahiya.

Di ko alam kailan ito nagsimula but she started to be like this na gusto nyang tawagin ko sya sa endearment na itatawag ko sa kanya ng minsan nagtampo sya sa akin ng kinailangan ko syang soyuin.

Eh, wala akong maisip at ito ang lumabas sa bibig ko.

"Uh... sabi mo kasi bakasyon lang eh di ko naman inakala na out of country pala tayo magbabakasyon. Di ko lang talaga mapigilan ang bibig-"

"A kiss will do for me to forgive you Ceil." Putol nya sa nonsense sa tingin ko na tingin nya sa pagrarason ko sa kanya.

Halos pamulahan na ako sa hiya ng sabihin nya iyon lalo na ng tumingin sa amin ang driver sa may salamin.

Gusto ko pa itong bigyan ng batok ng makita ko syang ngumisi sa akin na nagpapahiwatig na alam nya ang namamagitan sa amin ng kasama ko.

"So ayaw mo? You're not sorry then kung ganon, hmph!"

"Oli naman, eh..." maktol ko sa kanya pero wala eh.

"M-mahal... sorry na..." nahihiyang bulong ko at alam kong pulang pula na ang tenga ko dahil ang init ng pakiramdam ko dito.

"Kiss yer woman lass!" Natatawang kantyaw ng driver akin. "Ye don't want yer lover stay mad at ye, right lass?"

Aba't namumuro na itong driver na ito ah! Di ko masyado maintindihan ang pinagsasabi nya dahil sa accent nya but do get what he want to say to me a bit.

Ganito ba rito ang tao dito? Mga usyosiro?

"Trust me lass women do like being appreciated mah wife is like that too."

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 07, 2021 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Naughty WifeyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ