Chapter 5

7K 199 14
                                    

CJ's POV

         Nasa hapag-kainan kami ngayon at sama-sam kaming nag-aagahan ngayon ng pamilya Ramios.

Pero di ako makakibo o kumilos man lang ng mabuti dahil katabi ko si ate Olivia at di maalis-alis ang nangyari kanina sa kwarto.

               Gabby      K. Noel
Ninong
               Ninang     Ate Oli    Ako

Ganito ang pusisyon namin habang nag-aalmusal kami.

Tudo asikaso sa akin si ate Oli, siya na kasi ang naglagay sa plato ko ng kanin, itlog, beacon, hotdog, toasted bread, at orange juice.

"You know what Via may sariling mga kamay ang spoiled brat na yan. You don't have to do act like a newly wed wife na tudo asikaso sa asawa nya." Sino pa nga ba magsasabi non kundi si Gabby.

Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi nya! Iba ata ang napuntahan ng iniinom kong juice!

Ki-aga-aga gusto na akong awayin, eh. Hindi ko alam bakit ganyan sya sa akin minsan nga naiisip kong nagseselos sya.

Nagseselos sya in a way na di ko maintindihan.

I am not that naive tulad ng sinasabi nila... ok... ok pero at minsan nakakahalata rin ako kapag di nakatuon sa hobby ko ang isip ko no.

Oo na minsan lang ito mangyari! Kainis! Pero talagang iba pagdating sa bwesit na lalaking ito!

Kinakantyawan pa nga kami ng pamilya namin na may gusto sa akin si Gabby pero dahil sa parang aso't pusa kami sa isa't isa sa away na uuwi.

O ayan ha? Kahit papa-ano nakakahalata ako, ha! Pero ang napapansin ko na never ko pang nasabi sa iba only sa ako lang ang nakakahalata tingin ko.

Mabait sya sa akin noon, kuya pa nga tawag ko sa kanya no'ng 12 pa ako dahil matanda sya ng dalawang taon, pero nag-iba ng makita nya minsan na hinalikan ako ni ate Oli.

Ang kahilayan at kapilyahan ni ate Oli ang nasaksihan nya, ang mapaglaro at mahilig mangtrip na ate nya ang kanyang nakita, na hinalikan ako sa harap ng lalaking schoolmate kong lumapit sa amin noon.

Kita kong nag-iba ang tingin nya sa akin at simula noon away at asaran ang nangyayari sa aming dalawa.

Minsan nakita ko syang nakatingin kay ate Oli at iba ang nangingibabaw sa mga mata nya na di ko maintindihan pero selos ang nakita ko, ng makita at lapitan ako ng kapatid nya, sa mga mata nya tulad ngayon.

Ewan ko ba bakit selos ang nakikita ko sa kanya na para bang aagawin ko sa kanya si ate Oli kaya nga ayaw na ayaw kong mapag-isa kasama sya, eh.

Iba kung makatingin sa akin, di galit at selos pero iba at nangingilabot ako pag-ganon ang tingin nya sa akin.

Parang... um... tulad ng (0///0) tingin sa akin ni ate Oli kanina sa kwarto pero... ewan ko basta parang may masamang balak sa akin.

"Ok ka lang Ceil?" Malambing na sabi ni ate Oli habang tinapik-tapik ang likod ko at tumango na lang ako bilang sagot. "Eh, ano naman kung maasikaso ako kay CJ? Wala ka roon! In fact tama ka I'll be her soon to be wife, bakit may angal ka?"

Lahat kami natigilan sa sinabi nya while si kuya Noel ay napaubo ng wala sa oras buti na lang lumingon agad sya sa kaliwa ng di mabahiran ng dumi ang nakahapag na mga kainin sa lamesa.

"K-kuya o... t-tubig." Nauutal kong sabi habang ina-abot sa kanya ang baso ng tubig.

Sa sinabi ni ate Oli di ko mapigilang mamula ng sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina at nag-init ang buong katawan ko.

Naughty WifeyWhere stories live. Discover now