Napabitaw na rin ako kay Von Johan dahil naalala ko na pinagseselosan pa rin pala ito ng asawa ko. Nagtampu-tampuhan pa kaya iyon nang malamang niyaya ko si Von Johan na manood nitong concert niya.

"I'm back!" Archer cheerfully said and his loyal fans screamed.

Loyal dahil sila ang nagpatuloy na sumuporta kay Archer in spite of all the issues he has gone through—and in spite of the fact the he is already taken. Nakaka-touch nga sila nung minsang magbigay sila ng get-well-soon message kay Archer.

Married or not, you are still Archer. They said. Ang lalaki na asintadong pumana sa mga puso namin gamit lamang ang magandang boses at ngiti na taglay mo. Mahal ka namin at susuportahan ka namin kahit na anong mangyari. Basta kung saan ka masaya, doon na rin kami. Please get well soon. We're looking forward to hear you sing and see you smile again.

Ang sweet lang nila 'di ba?

"Uhm, Vanessa." Bulong sa akin ni Von Johan while Archer was busy interacting with his fans. Nilingunan ko naman siya. "Sorry ulit ah, but I already need to go."

"Ehh?" Napa-sad face ako. Pero siya, ngumiti pa.

"May klase pa kasi ako bukas ng umaga kaya kailangan ko nang bumyahe pauwi ngayon."

"Ganun ba… " Pasimple akong huminga nang malalim. “Sige…”

Tinitigan naman niya ako nang nakangiti pa rin.

"Vanessa..."

"Hm?"

"I'm happy for you."

Napangiti na ako dahil dun. "Thank you, Von Johan."

"Miguela--" tawag niya dun sa baliw pero may kausap pala sa cellphone. Mukhang si Renz ang kausap niya, ang fiance niyang seloso at possessive much. "Ay. Vanessa, pakisabi na lang sa kanya umalis na ako."

"Mm," I nodded. "Ingat ka sa daan."

"I will. Bye." Mabilis niya akong binigyan ng isang halik sa noo bago umalis. Naiwan naman akong tameme sa ginawa niya.

"I-saw-that."

Napakurap ako sa sinabi ni Archer. When I looked at him on the stage, aba, nakatingin siya sa akin?

"Anyway," umupo siya sa high stool at binalikan ng tingin ang fans niya. "You all," tinuro niya ang mga ito. "Gusto ko kayong pasalamatan. 'Cause you all made it up to this point, supporting me, sa kabila ng mga nangyari at ginawa ko."

Some fans screamed again to respond.

"Pero alam niyo ba... Hindi ko talaga dapat kayo magagawang harapin ngayon... Sorry, pero kasi ayoko na sa mundong ito... Mundo ng show business… Ng pagkanta…"

Nanahimik ang paligid.

"Good thing there was someone who pushed me and gave me enough strength to do this one last time. To give you guys what you deserve from me na sinuportahan niyo nang todo-todo. To show you all my gratefulness. Gusto niyo ba malaman kung sino ang nag-udyok sa akin na gawin iyon?"

One fan seated in front shouted, "Sino?"

"Ang asawa ko." Sagot naman ni Archer at na-tense ako!

"Ayieeeee," okay. Ang galing din manukso ng fans niya ah. Kahit si Miguela, gumanun din at niyugyog pa ang mga balikat ko.

"Ikaw na ang na-special mention, friend! Ikaw naaa!" Miguela added.

"Do you want to meet her?" Tanong ni Archer sa mga nanonood. Oh my God! Pinagsasabi niya?!

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant