Chapter 34

9K 148 7
                                    

Chapter 34

Morning, I woke up feeling... complete. Ganun ba talaga iyon sa pakiramdam when you spent a night making love with someone? With someone you love so damn much?

Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi at sakto namang dumikit at yumakap sa likuran ko si Archer. His bare skin touched mine, his arm felt heavy over my waist but I didn't mind. Gusto ko pa nga iyon eh, 'yung maramdaman ng katawan ko ang bigat niya--just like last night.

Niyakap ko ang braso ni Archer, and he gently pulled me much closer to him. More of our bare skin touched, sending more sensations inside and out of me.

"Good morning, Archer." Antok kong bati without looking back at him.

I felt him make a little laugh, then hinalikan niya ang balikat ko. "Good morning, Vanessa." He whispered and he kept on planting little kisses there hanggang sa umakyat na iyon sa leeg ko.

I let him do it, nang may bigla namang nag-ring--na cellphone ko pa.

"Uy, teka. Phone ko 'yun." Napaharap ako kay Archer, interrupting him on savoring my neck. Nasa bedside table sa side niya kasi 'yung phone ko. "Archer, paabot naman ng phone ko oh. Please?"

Sumunod naman siya. Inabot niya ang phone ko mula dun sa table at saka niya tinignan ang nasa screen.

"Oh," binato niya pagkatapos sa tapat ko ang phone ko! Tapos humiga siya patalikod sa akin na para bang nagtatampo siya na ewan!

"Huy, problema mo ah?" I asked him before checking my phone. And upon seeing Von Johan's name on the screen, naintindihan ko na kung bakit siya nagkaganyan. Natawa ako dun. "Archer? Selos ka?"

Hindi siya umimik.

"Archer, umikot ka nga." Pilit ko siyang pinahiga nang maayos.

"Ano?" Asar niyang tanong pero hindi ko iyon pinansin at dumapa lang ako sa dibdib niya.

"Hello? Von Johan?" Sagot ko sa tawag nito habang nakatingin kay Archer--who grinned at what I just did.

"Vanessa," Von Johan sounded too serious. "Kasama mo ngayon si Archer, 'di ba?"

Natigilan ako dun.

"Magkasama kayo ngayon sa Baguio, at sa iisang kuwarto."

Nanlaki ang mga mata ko, while Archer started to look curious. "Von Johan, how did you--"

"You two are staying at my mom's inn."

Oh... No...

"At nandito ako ngayon--in one of the rooms on the second floor."

Napapikit ako. Of all places, bakit dito pa kami nag-stay? Bakit sa pagmamay-ari pa ng nanay ni Von Johan?

"Pero hindi iyon ang itinawag ko, Vanessa. I called to warn you. Huwag kang bababa o lalabas ng kuwarto kasama si Archer. There are a couple of reporters downstairs, Vanessa, and they are after him--to confirm the hearsays that he is with a girl here."

Napaupo ako bigla. My free hand was shaking, pulling the comforter over my chest. "S-Seryoso ka ba diyan?"

"I am damn serious, Vanessa."

Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa kaba. God...

"Vanessa?" Napaupo na rin si Archer sa tabi ko.

"Tell that to Archer." Sabi naman ni Von Johan sa linya. "Then call me back if you need help. May plano na akong naisip para maitakas ka sa gulo."

"O-Okay..." I hung up then zoned out.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon