"So~ how about this?" tanong naman ni Kiya, di naman nakapagsalita si Dev dahil bigla nalang nanuyo ang lalamunan nito.

"Hellllooo~ Rogue, tinatanong kita kung okay din ito" sabi ni Kiya at lumapit kay Dev pero hindi naman nakagalae si Dev kasi sobrang lapit ni Kiya sa kanya.

"C-close" nauutal na sabi ni Dev

"What?" takang tanong naman ni Kiya,

"A-ahh sabi ko masyadong kang malapit kaya di ko makita ng maayos" paliwanag ni Dev at bumaling ang tingin sa ibang direksyon

"Ahh ganun ba" kaya naman umatras si Kiya palayo kay Dev

"You look fine" sabi ni Dev habang umiiwas ng tingin kay Kiya.

"Fine lang? Pero sige dalawa nalang ang bibilhin ko" natatawang pahayag ni Kiya at pumasok na ulit para magbihis. Nakahinga naman ng maluwahg si Dev ng pumasok si Kiya sa loob. Habang nagbibihis si Kiya ay hinanap naman ng mata ni Dev si Arria 'Saan naman kaya ang isang yun?' nakita niya uto sa sulok kung saan makikita ang mga tshirt na si Dev ang gumawa. Lumapit siya dun.

"You okay?" tanong ni Dev kay Arria na kanina pang pinagmamasdan ang mga shirt.

"Yeah, nacu-curious lang kasi ako sa mga shirt na ito" sagot ni Arria

"Huh? Ba't naman? Eh common nga ang mga ganyang design na damit" tanong ni Dev

"Ewan basta ganito ang nararamdaman ko" di maipaliwanag na sagot ni Arria

"Why don't you ask the staffs here about those shirt" suggestion ni Dev, napatingin naman si Arria sa kanya at napatango, saktong tatawag na sana sila ng staff ay may dumating na.

"May I help you Miss?" nakangiting tanong ng staff

"I just want to ask kung kaninong mga design itong mga shirts, ang cute kasi ng mga quotes at drawing tsaka medyo familiar yung pagkakagawa" paliwanag ni Arria

"Well Miss, this shirts are design by the owner of this boutique" sagot ng staff

"Owner? Sino ba ang may-ari ng shop na ito?" sunod na tanong ni Arria, napatingin ang staff kay Dev ng sandali at nakita niyang umiling ng kaunti si Dev.

"Sorry po pero di po pwedeng sabihin eh" sabi ng staff kaya na nadismaya si Arria

"Ganun ba, sige thank you nalang ha at bibilhin ko narin tong shirt na to" sabi ni Arria at kinuha ang black shirt na may drawing ng basag na salamin at parang isang code sa gitna na ang ibig sabihin ay fake. Napatango ang staff at kinuha ang shirt kay Arria.

"Bigla ka atang nacurious sa may-ari ng shop" biglang sabi ni Dev

"Ang ganda kasi ng mga designs niya tsaka tulad nga ng sinabi ko nedyo familiar yung pagkakagawa niya, di ko lang alam kung bakit" naguguluhang sabi ni Arria, tinap naman ni Dev ang ulo niya.

"Don't worry makikilala mo rin ang may-ari nga shop na ito, maybe not now pero someday malay mo" nakangiting sabi ni Dev kaya napangiti rin si Arria.

"Ba't kasi bigla kayong nagyaya na magmall?" kanina pa sana yang gustong itanong ni Dev

"May outing kasi kaming magpipinsan sa susunod na buwan kaya kailangan naming ng bagong swimsuit" paliwanag ni Arria kaya napatango nalang si Dev, ilang sandali pa ay binigay na ng staff ang biniling shirt ni Arria at dumating narin si Kiya kaya umalis na sila.

"So, saan ang next stop niyo?" tanong ni Dev nagkibit balikat naman ang dalawa

"Kumain na kaya muna tayo, gutom na kasi ako"suggest ni Arria habang tinatapik ang tiyan na natawa nalang si Dev sakanya habang ang kapatid niya ay napailing. Pumunta naman sila sa isa sa kilalang restaurant dito sa Pinas ang Smith's Restaurant pagmamay-ari ng pamilya nila Dev. Nang makapasok sila dun ay agad naman nagsiyuko ang mga staff kaya agaw pansin sila ngayon sa mga kumakain sa loob.

Twisted FateWhere stories live. Discover now