"Psst Mia" tawag ko sa kaklase niya, kilala na kasi ako ng mga kaklase niya dahil pinakilala niya ako sa mga ito, ilan nga ay naging close ko na rin tulad nalang kay Mia.

"Oh Dev! Ikaw pala, bat ka nandito? Hinahanap mo si Arria?" tanong nito kaya umiling ako

"Pakibigay nalang to sakanya plss, may aasikasuhin pa kasi ako at di ko naman siya madisturbo sa kausap niya kaya plss bigay mo to sakanya. Sabihin mo wag siyang magpapagutom at galing ito sa best friend niyang loka-loka, bye~ thank you" mabilis kong sabi sabay binigay ng pagkaing binili ko para kay Arria at dali-dali ring umalis.

Arria's POV

"Arria!" napalingon ako kay Mia na may dala-dalang paperbag

"Ano yun?" tanong ko

"Oh, pinabibigay ni Dev sayo at wag ka na rin daw magpapagutom ulit" sabi nito kaya napangiti ako

"Nasan ba siya?" tanong ko

"Umalis na, nagmamadali daw kasi ito. Iwan na kita dito ha Ciao~" sabi nito at umalis

Binuksan ko naman ang paperbag at tumambad sa akin ang paborito kong pagkain, pasta, fries, burger at isang large na milk tea kaya mas lalong lumaki ngiti ko. Bago kainin ang binigay sa akin ni Dev ay tinext ko ito.

To: Devie😁
'Beh salamat sa pinadala mo, love you😘'

From:Devie😁
'Welcome beh, love you too😝'

Ang bait talaga ng best friend ko kaya madaming nagcu-crush dun eh yun nga lang manhind ito kaya di niya napansin, tsaka maganda rin siya at matulungin. Naalala ko pa noong una kami nagkita, kung paano niya ako tulungan ng muntik na akong tamaan ng bola ng soccer.

Flashback~

Naglalakad ako ngayon kasama mga kaibigan ko sa field. Kakatapos lang ng klase namin at uuwi na kami. Masaya kaming nag-uusap ng biglang sumigaw ang isa sa kaklase ko.

"Arria!" kaya naman napatingin ako sa kanya gulat naman akong makita na may papalapit ng bola sa ulo ko, napapikit ako at hinintay ko nalang may tumama sa akin pero wala akong naramdaman kaya napamulat ako, doon ko nakita ang isang babae na nakatayo sa harap ko.

"Muntik na yun ah" sabi nito, pero dahil gulat parin ako sa nangyari ay di ako nakapagsalita

"Arria! Okay kalang?" tanong ng mga kaklase ko tumango lang ako.

"Umm sorry" nahihiyang sabi ng babae, sinuri ko ito mula ulo hanggang paa. Nakasoccer shoes, maikling jersey shorts at nakasando lang ng black at may nakasabit rin na damit sa balikat nito. Maganda siya at mataas siya ng kaunti sa akin mga 5'10 , 5'8 kasi ako. Napagtanto kong player pala siya ng soccer girls.

"Okay lang ako" sa wakas nakapagsalita na rin ako

"Sure ka? Gusto mo dalhin kita sa clinic para sigurado?" tanong nito pero umiling ako sakanya at ngumiti lang

"Okay lang talaga ako tsaka di naman ako natamaan." sabi ko

" Sorry talaga ha, sige bye" sabi nito at umalis dala ang bola " Devv!! Sorry talaga di na talaga mauulit" rinig kong sabi ng kasama niyang player na papalapit sa kanya at di ko na alam ang sunod na sinabi nila dahil hinila na ako ng mga kaklase ko.

"Naku Arria, buti nalang di ka natamaan ng bola kung hindi bye bye ka na jan sa mukha mo." sabi ng kaklase ko na si Ruffa

"Oo nga girl, naku buti nalang at dumating si Devon at nasalo ang bola bago pa makarating ito sa mukha mo." dugtong ni Ryan, bakla kong kaklase

"Sino ba yun?" tanong ko

"Si Rogue Devon Smith, star player ng soccer girls , golie at midattacker. Kakalipat niya lang last year pero ng lumipat ito at sumali sa soccer ng school ay sunod-sunod na ang panalo natin." paliwanag ni Mia kaya napatango nalang ako

"Di lang yan, napakatalented nito magaling din daw kasi ito sa iba pang sports at marunong sumayaw, maganda rin siya at matalino." may paghangang sabi ni Ruffa kaya napataas kilay ko

"Paano mo nalaman ang mga yan?" nagtatakang tanong ko

"Crush ko kasi ang grupo nila" paliwanag nito

"Grupo ba nila o siya lang?" tanong ni Ryan

"Both tsaka girlcrush lang naman eh" sabi nito kaya napatango nalang kami

End of Flashback~

Sa sumunod na araw ay tinulungan niya ulit ako ng makita niyang marami akong dalang boxes papunta sa storage room at doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Twisted Fateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें