11: Press Conference

1.2K 88 3
                                    

Kabanata 11: Press Conference

Tinawagan ni Roselyn si Ryan at sinabing magpahands ng isang press conference dahil handa na siyang sagutin ang lahat. Isa pa binigyan muli siya ng host ng isang mission na may kinalaman sa gagawin niya.

Side Mission: Linisin ang Pangalan ng Host at pa hindi na pabalikin sa showbiz ang gumawa nito

Status:0% Complete

Rewards: 50 credit Points

Punishment: Death

Tinanggap kaagad ito ni Roselyn at saka nag-disguise, pumunta siya sa pinakamalapit na Police Station at saka mabilis na gumalaw.

"Sir, may i-rereport po ako tungkol kay Rose Venn," nangingig niyang saad sa harap ng pulis.

Umakto siya na parang may humahabol sa kanya habang nakatabing ang buong mukha niya.

Mabilis namang inaksyunan ng pulis ang sinabi ni Roselyn at agad siyang dinala sa interrogation office.

"Sir, isa po akong Hotel Maid kung saan nakita si Rose Venn na nakikipagtalik sa tatlong lalaki. Naroon po ako sa mismong lugar at nagtatago. Sir si Rose Venn po, ni-rape po siya nung araw na iyon," umiiyak na si Roselyn habang nangininig ang katawan niya.

"Hindi na po kaya ng kunsensya ko, ayoko na po ng gulo," dagdag pa niya.

Binigay ni Roselyn ang isang usb sa Police. Nadiyan po yung Video ng pangre-rape ng tatlo at kung sino ang nasa likod ng insidenteng ito. Kasama rin po ang Video na umamin si Ms Lara at Ms Diana sa krimen na ginawa nila," dagdag pa ni Roselyn.

"Maaari mo bang isalaysay ang mga nangyari? Gagawin ka naming witness sa kasong ito at sisiguraduhin naming magiging ligtas ka," tumango si Roselyn at nagbigay ng statement bago umalis.

Mabilis na nag-imbestiga ang pulis tungkol sa nangyari dahil sa paglitaw ni Roselyn, nagkaroon ng mabilis na proseso ang tungkol sa nangyari.

Isa pa sa pinagtataka ng pulis, mabilis nilang nakita ang tatlong lalaking nasa Video na para bang plinano na umpisa pa lang.

Mabilis namang umamin ang tatlo sa kasalanang ginawa at sinabi na binayaran lang sila ni Lara at Diana.

Sa loob lang ng isang gabi, nagkaroon na ng advantage si Roselyn sa sitwasyon. Sinabihan na rin siya ng pulis tungkol sa nangyari kaya inimbitahan niya ito sa press conference nagagawin bukas.

--*--

Kinabukasan, maagang inayos ng Z TV Station ang tungkol sa skandalo ni Rose Venn o maskilala ngayon bilang Xyrell Elero.

Nasa harapan siya ng maraming reporter na ngayon ay handa na para magsulat ng hindi kaaya-ayang artikulo kay Roselyn. Binayaran sila nila Lara at Diana para mas masira pa si Roselyn pero parang walang pakialam sa lahat si Roselyn at handa ng magsalita.

"Una sa lahat, yes I am Rose Ven of Vendetta group. I admit I had a scandal three years ago but I call this press conference to clarify the things that happen that time," tumingin ng deretso si Roselyn sa mga reporter at sinabi ang isang katagang nakapagpatahimik sa lahat.

"That day, I was raped by the three man that happens to appear in the Video of the scandal. At kung bakit hindi ako nag-report kaagad sa pulis ay dahil wala akong ebedensya. Luckly, the police call me yesterday evening and told me that someone reported to them the incident happen three years ago and that person got the whole video of that day. Please set your eyes to the screen and let yourself to know the truth," naka-live stream ngayon ang press conference ni Roselyn at maraming nanonood ngayon.

Hindi ito pinalagpas ni Roselyn at nilabas ang video na nakuha niya three monthd ago. Malakas ang audio at malinaw na malinaw ang mga mukha ng nasa loob ng kwarto.

Naroon sa loob sila Lara at Diana habang tumatawa at vinidieohan si Roselyn na nagmamakaawang tigilan na ang lahat. Kitang kita rin ng lahat ang pananakit ng tatlo hanggang sa hindi na nanlaban pa si Roselyn at nanatili na lang habang umiiyak.

Ilang minuto nilang binaboy si Roselyn at kitang-kita ito ng mga Reporter.

Ilang sandali pa ay nakita nila ang pag-alis ng dalawa at pagpasok ng media kung saan naroroon sila Roselyn at doon na nagsimula ang scandal na kumalat.

Natapos ang video ay nagkaroon naman ng isang video kung saan nakaharap si Lara sa salamin at mine-makeupan ng stylist.

"Lara, na-confirm ko na, tama ka si Rose nga yung bida na kasama ni Jeyshaun sa Heart Of The Forgotten," nandilim ang mukha ni Lara habang nakaharap pa rin sa salamin.

"Paano natanggal nung babaeng iyon ang lason na nakapagpapangit sa kanya? Akala ko ba wala ng magiging problems at hindi na siya makakabalik sa showbiz?" Halata sa itsura ni Lara na niinis siya doon naman nakita sa video si Diana na umupo sa tabi ni Lara.

"May tumulong kaya sa kanya? Paano na ito? Paano kung kaya siya bumalik sa showbiz ay para maghiganti sa ginawa natin sa kanyang pagpapa-rape sa tatlong lalaki at pag-set up sa kanya?" Halata sa mukha ni Diana ang takot pero hindi man lang siya tiningnan ni Lara.

"Kung maghihiganti siya sa atin? Mas magandang sirain na lang natin ulit siya, hindi naman siguro siya ganoong kaswerte para malusutan ulit ito. Diana, tumawag ka ng media at ipakalat na yung babaeng iyon ay si Rose Venn na may Eskandalo three years ago," ngumiti naman na parang demonyo si Diana ay kumuha ng cellphone.

"Kung meron siyang ebedensya tungkol sa ginawa natin Three years ago sa kanya, matagal na sana tayong nasa kulungan. Isa pa, nagtatago na yung tatlong iyon, takot na lang nila. Hinding-hindi ako papayag na bumalik ulit yang si Rose sa showbiz at kunin ulit ang atensyon ng marami," doon na natapos ang video. Hanggang sa isa muling video ang lumitaw kung saan may babaeng naka-scarf at nakasalamin ang lumitaw.

"Ako si Anna, isa kong hotel maid sa Flower Hotel kung saan na-aassign akong maglinis ng kwarto kung saan naganap ang insidente, hindi pa ako tapos maglinis noon dahil biglang dumating ng maaga sa oras ang grupo nila Ms Lara. Sa sobrang takot kong mapagalitan, nagtago ako sa cabinet malapit sa sala at nasaksihan ang lahat ng ginawa nila kay Ms Rose. Itinago ko ito ng matagal sa takot na baka madamay ako o ang pamilya ko kaya nag-resign ako sa trabaho kinabukasan at nagtago. Pero lumutang ako ngayon dahil hindi na kaya ng kunsensya ko na mabiktima muli si Ms. Rose Venn at akusahan sa kasalanang hindi niya ginawa," doon natapos ang Video at doon tumayo si Roselyn bago siya nag-bow at umalis.

--*--
Last one chapter for this arch and we will proceed to the next target. Kung kaya kong isulat yung susunod na chapter ipupublish ko kaagad, kung hindi bukas ko na ipupublish

Ybrehl

Rules Of RebirthWhere stories live. Discover now