48: Official Meeting

657 52 15
                                    

Kabanata 48: Opisyal na pagkikita

Nakaharap lang sa salamin si Roselyn habang inaayusan siya ni Micah. Ngayon ang araw kung saan una dapat silang magkikita ng ikalawang prinsepe. Masayang inaayusan siya ni Micah habang siya naman ay tinitingnan ang system.

OESLEY DEAN AZUÑA

Relationship status: Accomplice

Like towards the host: Level 4

Dislike towards the host: Level 0

Feelings: Neutral

Impression: Interesting Lady

Status: Waiting in the Living Room

Note: the system forbid the target to have their personal status and background. It may affect the plot. Traces had been hide safely.

Legend

Level 1-10 = weak feeling
Level 11-20 = Slightly above weak Feeling
Level 21-30 = Average Feeling
Level 31-40 = Slightly weak under Strong Feeling
Level 41-50 = Strong Feeling
Level 51-above = Loyalty

"Hindi na rin masama sa unang pagkikita," sa isip ni Roselyn. Bigla niyang naalalang hindi niya pa pala nababasa ang nakasulat sa tableta.

Nagdesisyon si Roselyn na turuan si Oesley ng English sa pinakamadaling paraan. Mataas ang IQ at EQ niya ngayon kaya hindi problema ang pagtuturo. Alam niya ring may angking talino si Oesley dahil kung wala, matagal na itong patay dahil siya ang may hawak ng military force ng Kaharian.

Isa rin sa dahilan kung bakit hindi magalaw ng Hari si Oesley ay dahil sa Military power nito. Kaunting maling galaw lang, maaaring mawala sa kanya ang trono.

Alam ni Roselyn kung gaano kalala ang mga namumuno ng Monarkiya. Isa pa, karamihan sa mga tao, kapag nalasap na ang kapangyarihan, tila maghahabol at maghahabol ito sa may malaki pa.

Magkaugali ang Tagapagmanag Prinsepe at ang hari, parehong gahaman sa kapangyarihan at babae.

Sa dami ng Babae ng Tagapagmana sa kanyang palasyo, hindi malabong magpatayan sila para sa atensyon ng iisang lalaki. Hindi tuloy mapigilang mandiri ni Roselyn na lumaki sa paniniwalang isang tao lang ang dapat mong mapangasawa.

"Napakaganda niyo, aking binibini!" Masayang saad ni Micah ng matapos ito sa pag-aayos sa kanya.

"Humayo na tayo papunta sa ibaba. Naghihintay na ang ang mahal na prinsepe," malumanay na saad ni Roselyn.

Inalalayan naman siya ni Micah at saka sila lumakad papunta sa ibaba.

--*--

Kalmadong naghihintay si Oesley sa tangapan ng bisita sa Dukedom of Wind. Umiinom lang siya ng inihandang inumin ng mga tagapagsilbi.

Nakikita niya ang disgusto sa mukha ng mapapangasawa ng kanyang kapatid katulad ng disgustong nakikita niya sa mukha ng Duke. Wala naman talaga siyang pakialam.

Pumunta lang siya sa lugar na iyon para makipagkita sa kanyang mapapangasawa. Sa totoo lang, ang balak niya ay magpadala ng isa sa mga tauhan niya para pumirma ng kasunduan sa kanilang pagitan.

Rules Of RebirthTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang