30. The real thing

Magsimula sa umpisa
                                    

 

I opened my eyes and I saw Nina still asleep. Nakadama ako ng lungkot. Baka hindi pa sapat ang dasal ko para marinig ako at para magkaroon ng isang himala. Hinawakan ako ni Henrietta sa braso. She gave me a consoling smile.

“God never says NO, Hermes. He only says, Yes – it is the right moment and Wait – for the right moment. Darating din ang right moment, Hermes. Have faith.” Lumapit siya sa akin para magpaalam. Hinagkan niya ako sa pisngi tapos ay nagsabi na siyang aalis na siya. Napilitan akong ihatid siya sa pintuan. Isang buntong-hininga ang kumawala sa akin. Iniisip ko ang sinabi niya, yes and wait.

 

Hanggang kailan ako maghihintay kung ganoon? Baka naman mailabas na ni Nina ang anak ko nang hindi pa siya nagigising. Ayokong mapunta kami sa ganoon. Gusto ko na may malay siya sa oras na iluwal niya sa mundo ang magiging anak namin, I want her to be there physically. I want us to share that moment.

Bumalik ako sa kinauupuan ko. Muli kong hinawakan ang kamay niya. Naniniwala naman ako na gigising siya, na magiging maayos ang lahat – na muli ko siyang makakasama. God will never let His believers to suffer and I know I’ll get a little help from my mother – hindi niya hahayaan na maging malungkot si Artie at hindi niya rin hahayaang masaktan ako.

“Babe, sobra na iyong tulog mo. Baka naman tumaba ka na ng sobra.” Biro ko pa sa kanya. I waited for a response and it saddened me that I didn’t get anything. I just sighed. Sinagot ko na lang ang cellphone ko na kanina pa nagriring. I saw Ares’ name on the screen.

“What’s up?” I asked him.

“Hermes, ano bang gusto mong gawin ko dito kay Jethro?” Tanong niya sa akin. “Bro, we can’t keep him in here. Hinahanap na siya ng pamilya niya.”

“Do you think that I care?” Tanong ko sa kanya. “Kulang pa iyan sa ginawa niya sa akin.” I sighed. Sinilip ko si Nina. Tulog pa rin siya. “Ganito na lang, sampahan mo ng kaso, iapa-deport mo, ipa-blacklist mo nang hindi na makabalik dito. Tapos tawagan mo si Yto, gawin ninyo ang lahat para malugi ang negosyo ng lalaking iyan hanggang sa hindi na siya makabalik sa dati niyang kinalalagyan. No one messes with a  Consunji and gets away with it.” Tinapos ko ang tawag at saka nagpalakad-lakad ako sa harapan ng kama ni Nina.

I was. Again, interrupted with a knock on the door. Pinuntahan ko iyon para buksan. Nakita kong nakatayo sa harapan ko ang kakambal ni Nina – si Nita. She was holding a big black bag and she looked at if she was about to leave. Ngumiti siya sa akin.

“Nagpunta lang ako para magpaalam sa kapatid ko. Babalik na ako sa Germany.” Walang abog na sabi niya. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan, nagtuloy naman siya. Sumunod na lang ako. She stopped in front of Nina’s bed and bent down. She kissed her forehead. I wanted to give them a time alone pero naiisip ko na baka kung anong gawin niya kay Nina kaya tumayo ako doon. Pinakinggan ko silang dalawa.

“Nina, I know how much you hate me, I just want you to know that I’m giving up my right as Artie’s mother and yes I have talked to your ruthless husband’s brother who happens to be a lawyer who also happens to be the biggest jerk on earth.” Nita rolled her eyes. “I know what kind of people I’m dealing with, sister pero sana hindi mo maranasan ang ginawa niya sa akin. He’s so – Well, anyway, I’m leaving. I just want you to know that I love you and that I said goodbye. See you soon, sister.”

Hinalikan niyang muli si Nina sa noo tapos ay ako naman ang binalingan. Nakipagtitigan siya sa akin nang matagal matapos iyon ay nagbuntong – hinga siya.

“I’m sorry, Hermes.” Wika niya. Ikinabigla ko iyon. Why is she apologizing? Napangisi ako. “For trying to steal you away from Nina. Naiingit lang naman kasi ako. Naisip ko na kung hindi ako umalis, you might have fallen in love with me. Na ako dapat ang nasa pwesto niya at hindi siya. Na dapat nasa akin ang anak ko.” Muli siyang huminga nang napakalalim. She looked as if she was about to cry. Tumingala siya.

“Oh god, iyong mascara ko.” Natatawang wika niya. “Ang swerte mo kay Nina, Hermes. Siya na yata ang pinakamatyagang taong nakilala ko. Kaya niyang tiisin lahat para lang sa pamilya niya at sa mga taong mahal niya. And she loves you. Sana mahalin mo rin ang kapatid ko.” I could see the sincerity in her eyes. Napabuntong-hininga na lang ako. Tumalikod si Nita pero huminto rin siya. Humarap siya sa akin – sa pagkakataong iyon ay lumuluha na siya.

“Will you tell Artie that I love her? Because I do, Hermes. Hindi ako mabuting ina at alam kong hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon para maging ina sa kanya pero mahal na mahal ko siya. Anak ko siya at mahal ko siya, please tell me that you will tell her how much I love her.”

Tumango ako. “I will tell her that, Nita.”

“Salamat.” Pagkasabi niyon ay umalis na siya.

Isinara ko ang pintuan at saka muling bumalik kay Nina. I sat beside her and took her hand. I wanted to feel her squeezing my hand again. I wanted assurance at alam kong mapapanatag lang ang loob ko sa oras na pisilin niya ang kamay ko.

"Squeeze my hand, Nina." I whispered. I was so desperate upon feeling her touch but I failed. Walang nangyari. Napaiyak ako. Iniisip ko kung hanggang kailan kami ganito. Hanggang kailan ba kami mahihirapan? All I wanted was to give Nina the life and the love she deserves and ths family Artie wanted. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan kami ngayon. Bakit ba a ang hirap makarating sa dapat marating namin ni Nina ngayon.

Inilapat ko ang kamay niya sa noo ko. And in that position I cried like a little boy who lost his kite. I let it all out.

"Ni-nina! Just fucking wake up! I need you! Artie needs you! Just fucking wake up!" Hilam na hilam ang mga mata ko sa luha. I never wanted anything in my life. Ito lang talaga. Si Nina lang at ang paggising niya.

"Nina!" Dumukdok ako sa braso niya. Iyak lang ako  nang iyak.

A moment later I felt something touched my nape.

Sinundan iyon nang isang paos na tinig.

"P-ara k-ang bata. U-mayos ka..." Napaawang ang labi ko at agad akong na nag-angat  ng ulo. I saw Nina and her eyes wide open. Lalo akong napaiyak. Tumayo ako at niyakap ko siya.

"You're fucking awake!" Sigaw ko. I bent down to kiss her lips. Wala akong pakialam kung may makakita sa akin --- I just don't care! I'm fucking happy she's awake!

"Don't ever scare me like that again!" Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo niya.

"Hermes..." Paos pa rin ang tinig niya. "Why is my tummy that big? Nakalunok ba ako ng bola?" Parang nababahalang tanong niya. I kissed her forehead.

"Babe, you're five months pregnant. Halos ilang buwan kang tulog. Thank God you're awake!"

Tiningnan ko ang hitsura ni Nina. A tear escaped her eye. Hinagkan ko lang siya. Mahal na mahal ko si Nina. I love her so much that I felt likd my world started revolving again. Nagkaroon na naman ng kulay ang mundo ko.

"I'm p-pregnant... oh my god...." She whispered. Tiningnan niya ako. "May ibu-bully na si Artie..."

I laughed at that part. Muli kong hinagkan si Nina.

I thanked all Heavens above for bringing her back to me. I whispered my greatfulness to the Lord. They were right --- He never says no and I'm so glad that I have waited.

I've waited for Artie to comeback. I've waited for Nina to come to my life and now this moment arrived and this is by far the happiest moment of my fucking life...

The start of the real thing. My own happy ever after with the woman I'll be spending my life forever...

Miracles do come true.

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon