17. Hindi ganoon

277K 5.9K 318
                                    

"Artemis Yvangeline Quatana."

Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ni Nanay. Doon na kasi natutulog si Artie. Dalawang araw na siyang nagtatampo sa akin dahil sinabi ko sa kanya na hindi ko mahal si Hermes Consunji. Alam ko naman kung saan siya nanggagaling. Alam ko kung anong pakiramdam ng may isang tunay na pamilya, iyong buo at iyong masaya and God knows how much I wanted to give that to her. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya na iiwan ko siya sa oras na sumama ako kay Jethro. Hindi yata naiintindihan ng anak ko kung ano ang binitiwan ko makasama lang siya. I sighed. Nalulungkot ako. Hindi ko naman siya pinalaki ng lahat ng bagay ay nakukuha niya, dinisiplina ko si Artie pero hindi ko alam kung bakit siya ganito ngayon. 

Pumasok ako sa loob ng silid ni Nanay at naupo sa kama. Nakahiga siya doon, nakatalikod sa akin. Nakita kong gumagalaw ang kamay niya kaya alam kong gising siya. Isa pa, alas singko pa lang ng hapon. Kahahatid pa lamang sa kanya ni Sir Luke. Alam kong nagpunta na naman sila sa puntod ng Lola niya. May dala kasi siyang rosas sa bag niya, siguro ay nakalimutan niya iyong ilagay sa puntod. 

"Hanggang kailan ka maggaganyan sa akin?" Pinatigas ko ang boses ko. "Hindi kita pinalaki ng ganyan, Artemis. Kung gusto mo sa Papa, pwes sumama ka na sa kanya." 

Bigla siyang napaupo. Humarap siya sa akin. Kitang-kita ko ang pag-agos ng luha niya. "Bakit ka po ba nagagalit sa akin mama? G-gusto ko lang naman po ng family." 

"I am your family, Artemis. Si Nana, ako at ikaw. Tayo ang pamilya. Hindi natin kailangan ang ama mo. O sige, given the fact, kailangan mo siya because he is your father but that doesn't mean that I have to love him for you to be with him. Artie, hindi napipilit ang pagmamahal. Kusang ibinibigay iyon."

Naupo ako sa tabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya tapos ay kinabig ko siya papalapit sa akin. I cupped her face. 

"Isa pa, kahit na sumama si Mama kay Jethro o kahit na kanino o kung main-love man si Mama sa ibang tao - hindi kita iiwan. Anak kita." 

"Pero ampon ako." 

"Artie, hindi ka ampon. Anak kita. Hindi naman nasusukat sa dugo o sa kahit na ano ang pagiging mag-ina. You came from my heart - I carried you there for nine months. I am your mother and that fact will never ever change. Do you understand me?" I asked her. She nodded. Lumuhod siya at saka niyakap ako. Humihikbi siya, nauwi pa iyon sa hagulgol. 

"Sorry mama! Sorry po! Mahal po kita. Hindi na po ako magiging bad!"  I hugged ger back and kissed her cheeks. Artie was never a bad daughter to me. May mga diskarte lang siya na talagang ayaw ko kung minsan pero nagkakaintindihan naman kaming dalawa. 

"Mama, pwede po ba akong maging honest?" Tanong niya pa sa akin. Tumango ako. "Kaya po ako na-sad noong nakaraan kasi ang bait po ni Jethro at kahit naiinis po ako, I like him po. Gusto ko siyang maging friend, pero ayoko kasi sabi ni teacher Miley sa school - ang mama at ang papa ang dapat magkasama. Kaya gusto ko po na si Papa ang kasama ninyo." 

Ginulo ko ang buhok niya. Mahal ko talaga ang batang ito at hindi ko alam kung bakit. I hated her the first time I saw her. She took away the life I should've had but I fell in love with her and the rest is history. 

"Jethro like you too. You can play with him, Artie. Wala namang masama. Kaibigan ko siya." 

Her eyes glimmered. Niyakap niya akong muli. Napangiti ako nang makita kong nakasilip sa amin si Nanay. She was all smiles too. Niyaya ko siyang sumama sa yakapan namin. This is my family - and I am contented with what I have. I sighed. I have to deal with Hermes later. Kailangan ko na siyang kausapin para kay Artie - para matapos na ito. 

Nang matapos naming mananghalian ay itinext ko si Hermes at sinabi na kailangan ko siyang makita. Nagreply naman siya kaagad at sinabi na magkita kami sa bahay na na lilipatan namin sa susunod na linggo. Nagpaalam ako kay Nanay at kay Artie. Mukhang okay na siya, nanonood siya ng Frozen sa laptop. 

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon