7

754 37 6
                                    

"Erikson?" Aika

"Ano?"

"Bakit gusto mo magpakamatay?"

"My life is useless"

"Then make use of it!"

"Huh?"

"Ako kaluluwa na ko pero hindi ako makatawid dahil sa hindi ko malamang dahilan. Pero!"

"Pero?"

"I choose to enjoy and live it. Kahit hindi literal. Kahit pansamantala lang."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Alam ko we just met yesterday Erikson. Pero payo ko lang sayo. Iisa ang buhay, wag mo sayangin"

"Hindi ko alam san magsisimula"

"Simulan mo by making friends with them" sabay turo niya kina Yuri

"Di ko naman totoong kilala mga yan tch"

"Edi kilalanin mo! There's no harm in trying right?"

"Ewan. Bahala na" I didn't know what's gotten into me pero hinawakan ko ulo niya at ginulo buhok niya

"Oy!" Napangiti na lang ako sa reaksyon niya

Aika's PoV

"Ngumiti ka?!"

"Bawal ba?"

"Weh di nga?!"

"Tch. Ewan ko sayo Aika"

Ngumingiti din naman pala to eh!!

"Alam mo araw arawin mo yan. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagngiti araw araw"

"I don't have any reason to smile"

"Then why did you smile just now?"

"Wala"

"Anong wala? Erikson naman eh!!"

"Ingay mo"

"Napakaano neto hmp!"

"Ser boss!" Yuri

"Oh?!"

"Tapos na ser boss!" Franco

"Ok"

Tumayo na siya saka nagtuloy tuloy papuntang pintuan pero bago siya lumabas lumingon muna siya saken

"Di ka ba sasama?"

Erikson's PoV

I was looking directly at Aika kaya nagulat ako nung sumagot si Franco. Nasa likod pala siya ni Aika

"Ser boss ako pa ba?! Gutom na gutom na kaya ako!!"

"Hoy bawasan pagkapatay gutom!" Yuri

"Tara na nga tch"

I looked at her one last time pero ngumiti lang siya saken. Di ba siya lumalabas ng bahay na to?

Teka nga. Pake ko ba?! Tch.

Aika's PoV

Pinabayaan ko na lang silang umalis. Tuwing gabi lang talaga ako naggagala eh. Baka kasi sa umaga may pumuntang makapagbigay ng sagot saken kung pano ako makakatawid sa kabila.

I've lived here for I don't know how long pero ang gusto ko lang ngayon, magkaroon ng sagot ang mga tanong ko.

"Huy!"

"Oh Lena? Teka bakit may pascarf? Winter ba??"

"Buset ka. Ehh kasi naman para di na matakot si kuya mo pag pupunta ako dito"

"Teka... bet mo?!"

"Crush lang hihi"

"Malanding multo"

"Aray ha! Teka nga wala ka pa rin ba nakukuhang clue sa pagkamatay mo? Wala kasi ako nakikita talagang galos sayo girl"

"Wala nga. Etong bahay na to lang yung una pero sana naman hindi yung huling clue"

"Laban lang girl, habang multo go go go!"

"Di ba habang may buhay may pag-asa yon?"

"Girl pareho tayong deads di na bagay saten yon"

"Haha ewan ko sayo Lena"

"Asan sina fafa?"

"Lumabas kumain"

"Ooohhh"

"Hoy ikaw wag mo masyado takutin. Bahagya na ko nakahanap ng taong nakakakita saken ng hindi masyadong takot baka umalis pa gawa mo!"

"Grabe siya ha. Oo na. Kaya nga nagscarf na eh!"

"Teka nga san mo nakuha yang scarf mo?"

"Ahh ehh may nag-alay ata saken"

"Huh?"

"Bigla na lang ako meron paggising ko kanina. Mukhang may nagsunog para mabigay saken yung scarf"

"Nagsunog?"

"Girl?? Di ka aware??"

"Na?"

"Pag may isang bagay o damit na sinunog para sayo, masusuot mo yon bilang kaluluwa"

"Eh?!"

"Palibhasa uniform all day ka lang girl. Uso magpalit kasi"

"Wala naman ako pamalit gaga"

"Pasunog ka kay kuya"

"Asa ka ipagsunog ako non ng bagong damit"

"Malay mo naman!"

"Ewan hays. Bat ba kasi di pa tayo makatawid?!"

"Ayy ako alam ko bakit. Hinahanap ko pa yung boypren ko. Gusto ko magpaalam don one last time kaso missing in action"

"Edi ako na nganga"

"Eto naman. Kumalma ka nga. Gusto mo scarf oh?"

"Wag na sayo na yan takpan mo leeg mo girl"

"Kpayn ayy oh parang nagbabalik na sila pogi. Kaso bat namumutla ata?"

"Eh??"

Sinilip ko si Erikson at namumutla nga siya hala.

"Anyare sayo?" Tanong ko pagpasok nung tatlo sa bahay yung dalawa dumirecho sa salas and surprisingly dumirecho siya kung san ako nakatayo

"A-andami niyo"

"Ha?"

"Bakit andami niyo? Multo?"

"Aaahhhh"

"Anong ahhh?"

"Ganong kadami po kasi talaga yung di pa makatawid sa kabila"

"Bakit?"

"Unfinished businesses. Mga kagaya mo yung kailangan namin para makatawid"

"Bakit ako?"

"Kasi nakikita at nakakausap mo kami"

"What help do you need?"

"Ako?"

"Oo"

"Hindi ko din kasi alam ano rason ng pagkamatay ko kaya hindi ko alam ano yung hindi ko pa nagagawa"

"Maybe I can help you?"

S.P.G.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon