ZXO: 19

44 3 0
                                    

ZXO: 19

[Zai's POV]

"Ano bang nangyari sa kanya? Ang sabi mo sakin ginawa nila Nicho sa kanila ang ginawa nila sakin. Dahil ba dun kaya galit na galit sakin si Jason? Pero ano namang kinalaman ni Jason kay Veronica, magkaibang fraternity naman sila diba?" magkakasunod na tanong at pahayag ko. Hindi ako nakapagfocus sa klase kanina dahil sa mga katanungan sa isipan ko at alam kong si Claine lang ang makakasagot nun. Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"Veronica's dad is a politician. Kumalat sa social media ang nangyari sayo at dahil dun nadumihan ang image ng dad nya. Nakarating na rin sa management ng school ang nangyari. Gusto nilang paalisin si Veronica dito sa school but his dad begged to the management na huwag ituloy ang parusa kay Veronica. Dahil sa pagmamakaawa nya, two months suspension na lang ang binigay kay Veronica. One month suspension naman sa ibang members ng TPI. Nabanggit sakin ni Jason na kinausap daw sya ni Veronica, kung gusto daw nilang makaganti sakin ikaw ang gamitin nila."

Natulala at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko akalaing malaki ang naging epekto sa kanya nang ginawa nya sakin. "P-Pero bakit ako? Bakit ako dapat ang gamitin nila para--."

"Nagkakamali lang sila ng ginagamit na tao. Huwag mo na silang intindihin." pagputol nya sa akin sabay iwas ng tingin. "Hindi ko rin mapapalampas ang ano mang gagawin nila sayo."

Sinilip ko ang mukha nyang nakatagilid mula sa akin, seryosong seryoso ang kanyang mukha habang salubong ang mga kilay. "Walang magandang patutunguhan ang paghihiganti Claine." sa puntong 'yun ay agad syang napatingin sa akin. "Kung gaganti ka, gaganti lang ulit sya at gaganti ka ulit. Wala ng magiging katapusan ang gulong ito." tintigan nya ko ng ilang segundo bago napailing, sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"You're too good Zai. Don't worry about it." pinatong nya ang kamay nya sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Ihahatid na kita sa B.C." nauna na syang naglakad at sumunod naman ako. Habang naglalakad ay nakatitig lang ako sa likuran nya. Kahit hindi nya sabihin ay alam kong nag-aalala sya sa akin. Sa tuwing naiisip kong may taong nag-aalala sa akin na isang katulad ni Claine para bang lumulundag ang puso ko sa saya pero hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala dahil alam kong may gagawin sya para lang sa akin. Madalas man na hindi ko mabasa ang nasa isip nya, alam kong ayaw nyang nagpapatalo sa kahit kanino.

Pagdating namin sa B.C, didiretso na sana ako sa aming locker para magpalit ng uniform ng hawakan nya ko sa braso. Napalingon ako sa kanya na may pagtataka. "B-Bakit?"

"You're not going to work today, they're waiting for you." sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Claine. Nagulat ako ng makita si Coreen at Arkisha na nakaupo sa isang table habang kumakaway sa amin.

"B-Bakit nila ako hinihintay?" imbis na sagutin ang tanong ko, hinila nya ko papunta sa kinaroroonan nila Coreen.

"Hi ate Zai!" parang naeexcite na bati sakin ni Coreen sabay lapit sa akin at nakipagbeso beso sakin. Ako naman ay parang natuod at hindi nakapagreact sa ginawa nya. Ganun din ang ginawa ni Arkisha. "Kamusta na ang pisngi mo ate Zai?" imbis na sagutin sya, tumingin ako kay Claine. Napatingin rin sya sakin at ngumiti.

"You're creeping her out girls." natatawang sabi ni Claine sa dalawang magagandang bata sa harap namin. "Hinihiram ka nila for the rest of the day."

"H-Huh?" naguguluhang tanong ko, nagbalik balik ang aking tingin sa kanilang tatlo.

"Magbabonding tayo ate Zai, para naman hindi ka maumay sa pagmumukha ng kuya ko." natatawang sabi ni Coreen.

"Huh? Hindi naman ako nauumay sa kanya." nagkatinginan si Coreen at Arkisha sabay tawa. Napatingin naman ako kay Claine na nakahawak na ngayon sa batok nya habang nakayuko. "Bakit?" tanong ko sa kanya.

ZXO: Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon