ZXO: 5

84 5 0
                                    

ZXO: 5

[Zai's POV]

Nilibot ko nang tingin ang buong Brewed Cloud, halos ilang table na lang ang hindi occupied dahil sa dami nang tao. Karamihan nang mga nandito ay mga Doches.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nang magpart time job ako dito, Biyernes na ngayon at may event sa school kaya nirequest ni Ma'am Yana na magextend ako nang one hour dahil paniguradong maraming customers. Pumayag naman ako dahil dagdag din 'yun sa sweldo ko.

"Zai, for table number 8." inabot sakin ni kuya Mark ang isang tray nang frappe.

"Okay po." sagot ko, kinuha ko 'yung tray at naglakad papunta sa table number 8.

Ilang metro pa ang layo ko sa kanila, alam ko nang mga Doches sila dahil sa uniform, tatlong lalaki ang nandoon at isang babae.

"Here's your order ma'am, sir." sabi ko nang hindi sila tinitingnan, ibinaba ko sa table nila isa-isa ang mga orders nila.

"What are you doing here?" tiningnan ko ang nagsalita, napanganga ako nang makita si Claine. Teka, ako ba kausap nya?

Tinuro ko ang sarili ko. "A-Ako ba kinakausap mo?" biglang nagbago ang reaksyon nya. Nagsalubong ang mga kilay nya.

"Who else? I was looking at you, wasn't I?" sabi nya nang pailing-iling tsaka nagbunting hininga.

"Uhm, so-sorry. Nagtatrabaho ako dito." paliwanag ko na may tipid na ngiti.

Tinaasan nya ko nang isang kilay. Eh? Ang sungit naman. "Since when?"

"Last Monday lang." napatingin ako sa iba pa nyang kasama. Nakatingin silang tatlo sa akin. "Ba-Bakit?"

"Hello po!" kumaway sya sa akin. "You're ate Zai, right?" napanganga ako bigla at natigilan.

Ang ganda nya! Para syang artista! Ang puti, ang kinis at mukhang anghel!

"Tsk. You're gawking." agad kong sinara ang bibig ko at kumurap nang ilang beses.

Tumawa naman 'yung batang babae. "You're funny ate Zai." sabi nya sabay subo nang lollipop, tumingin sya sa akin tapos binaling nya ang tingin nya kay Claine nang makahulugan.

"Arkisha." saway ni Claine sa kanya. Napahagikgik sya at halatang tuwang-tuwa.

"Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Thru your name plate." sabi nya habang nilalaro ang lollipop na hawak nya at namimili sa mga frappe na sinerve ko sa kanila.

Napatingin ako sa name plate ko. "Ahh... oo nga."

"Zai, another one for table number 8." narinig kong sigaw ni kuya Mark, agad naman akong nagexcuse at pinuntahan si kuya Mark. Kinuha ko sa kanya ang tray na may lamang apat na slice nang velvet cake at dinala 'yun sa table number 8.

Ngumiti sakin 'yung batang babae habang nilalagay ko sa table nila ang cake. "Yey! Cake!" pumalakpak sya at todo ang ngiti. "Kuya Claine can she join us?" nakangiti nyang tanong kay Claine.

ZXO: Ace of HeartsWhere stories live. Discover now