ZXO: 14

70 2 1
                                    

ZXO: 14

[Claine's POV]

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkalabas ng cafeteria.

Napatingin ako sa mga kamao kong matindi ang pagkakakuyom dahil sa pagpipigil.

I'm sure you're now an evil witch Veronica!

Agad akong naglakad patungo sa frat house.

"Girls! Did you hear the latest news?!"

"Yeah! Hindi ako makapaniwalang tinulungan ni Claine ang poor na'yun! Yuck!"

Tsk. Mas yuck ang pagkatao mo.

"Ano ba girl! Ang bad mo! Hindi ka ba naawa sa kanya?"

"Hindi nuh!"

"Hay nako girl! Ikaw kaya ang pagtripan! Ay wait, diba ex ni Claine si Veronica?"

"Yes! And parang may something pa sa kanila!"

Tsk. Nagtsitsismisan na lang nakamega phone pa. Hanep.

Marami pa kong narinig na bulungan at kwentuhan tungkol samin ni ZM habang papunta ako ng frat house.

Sana makatulong sa pag-aaral nila ang ginagawa nila. Tsk. Tsk.

Pagpasok ko ng frat house, bumungad sakin si kuya Bern, kuya Glympse and Loki na nakatayo malapit kay ZM. Sinilip ko si ZM, nakaupo sya sa couch na parang wala sa sariling nakayuko.

Tsk. Hindi ko inaasahang nandito sila.

Ang mga tauhan ko naman ay mga nakatayo sa likod ng couch kung saan nakaupo si ZM.

"Your ex did this?" tanong ni kuya Glympse. Tumango ako bilang sagot.

"Why?" gulat na tanong ni kuya Bern. Napabuntong hininga na lang ako.

"Definitely because of him." agad kong binalingan ng masamang tingin si Loki.

Kahit kelan talaga 'tong batang 'to.

"At hinayaan mo lang sya?" tanong ni kuya Bern.

"I did not, okay? Nahuli lang ako ng dating. Kanina kausap ko lang sya tapos ilang minuto lang ang lumipas 'yan na ang nangyari sa kanya." pagpapaliwanag ko.

"Your ex is insane." komento ni kuya Glympse.

Lumapit ako kay ZM at naupo sa tabi nya. "You need to clean up." malumanay na utos ko sa kanya.

Alam kong shock pa sya sa nangyari sa kanya at wala pa sya sa sarili kaya parang wala syang narinig.

Tumayo ako at pumunta sa isang kwarto para kumuha ng towel, pagbalik ko nilagay ko yun sa ibabaw ng table.

"May next class ka pa, diba? Maglinis ka na." dahan-dahan syang tumingin sakin.

T_T

Namumugto ang mga mata nya at para bang may luhang muling nagbabadyang tumulo mula roon.

Malungkot syang umiling ng ilang beses. "U-Uwi na l-lang a-ako." garalgal ang boses nyang pahayag.

"Hindi ka pwedeng umuwi na ganyan ang itsura mo."

"H-Hindi ko na k-kayang p-pumasok." pahayag nya kasabay ng mga luhang lumandas sa kanyang mga pisngi.

Napapikit ako ng madiin at pigil ang galit kong tumayo.

Marami na ko nakitang umiyak na babae... pero iba ang epekto nung sya ang nakita kong umiyak mismo sa harap ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya.

ZXO: Ace of HeartsWhere stories live. Discover now