"Nakakalakad naman na ko ng maayos Claine."

"Sinabi ko bang hindi?" napasimangot na lang ako sa sagot nya.

Ang sungit naman nito. Kanina pa sya paiba-iba ng mood ah.

"Pangalawa, paniniwalaan mo lahat ng sasabihin ko."

"H-Hindi ka ba nagsisinungaling?"

Inirapan nya lang ako at hindi pinansin ang tanong ko. "Last, habaan mo ang pasensya mo."

"Mahaba ang pasensya ko. Ikaw, hindi."

"Kaya nga eh! Para balance tayo!"

"Bakit kailangang balance tayo?"

"Para hindi tayo—" bigla syang napahinto at inikot ang paningin sa kahabaan ng hallway.

Napatungo na lang ako ng makitang nanonood at nakikinig pala ang mga kapwa naming estudyante sa amin ni Claine. Nakalimutan kong nasa hallway nga pala kami.

Nakakahiya!

"Anong tinitingin-tingin nyo?! Mga tsismoso!" at galit nyang hinatak ako papunta sa room namin na nasa dulo pa ng hallway.

"A-Ang init ng ulo mo Claine."

"Shut up."

At dun nagtatapos ang pag-uusap namin hanggang matapos ang una naming subject. Mukhang hindi maganda ang gising nya kaya hinayaan ko na lang. Pero masaya ako at naging mas maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Mas maayos ang ganito para sa akin.

Sabay kaming nagpunta sa cafeteria dahil sabay daw kaming maglalunch. Pero pagdating ko doon, nakatayo sa harap ng isang table sila Nicholas. May hawak silang ti-iisang bond paper at may nakasulat na WE ARE SORRY ZAI.

Agad akong lumapit sa kanila at ibinaba ang mga hawak nila. "Anong ginagawa nyo?"

"Paraan naman 'to para humingi ng dispensa sa nangyari sayo." nakayukong pahayag ni Nicho.

"Huh?! Naku hindi nyo naman kasalanan 'yun!" sabi ko sa kanilang apat habang tinitingnan sila isa-isa. "Hindi nyo dapat ginawa 'to. Gusto ko pa ngang magpasalamat kasi tinutulungan nyo ko. Maraming salamat." nakangiti kong pahayag sa kanila. "Okay na ko kaya kalimutan na natin 'yun." unti-unting sumilay ang mga ngiti sa kanilang apat.

"Ibili nyo kami ng lunch ng makabawi naman kayo." at napawi ang lahat ng ngiti namin dahil sa kanya. "Bilisan nyo. Wag na kayo magpacute. Mukha kayong mga aso." Nagsiyukuan ulit ang apat at umalis para umorder ng pagkain namin.

Umupo na lang din ako habang sinusundan ang apat ng tingin. Naawa ako sa kanila.

"Anong ginagawa mo dyan?" agad na nalipat kay Claine ang atensyon ko.

"Huh?"

"Bakit dyan ka nakaupo?" nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin sa iba pang bakanteng upuan.

"S-Saan ba dapat?" nagtatakang tanong ko.

"Dito." tinuro nya ang katabi nyang upuan.

"B-Bakit dyan?"

"Bakit din hindi?"

"O-Okay lang ako dito."

"Sinabi ko bang hindi? Sit here." wala na kong nagawa kaya lumipat ako sa katabi nyang upuan.

"Sya nga pala, nakita mo ba si Boris?"

Dahan-dahan nya kong tiningnan, masamang tingin. "Bakit mo natanong?"

ZXO: Ace of HeartsWhere stories live. Discover now