Before

293 5 0
                                    

§ Zeyad §

Before Zeyad Eclairs, I was just Alonzo, ang nagiisang anak ni Estrella Aquino. Isa itong starlet noong 90's, ngunit nang lumabas sa publiko ang pagbubuntis nito, everything went downhill. Tumigil ang kabikabilang offers at projects n'ya dahil sa batang nasa sinapupunan nya.



And soon after she gave birth, the man who got her pregnant left her with nothing but the name for the baby.



Alonzo...



Dahil sa akin, kinailangan ni Estrella na magpakasal sa isa sa mga dati n'yang producer na si Mike Aragon. Tuso ito at mapanakit, ngunit lahat nang iyon ay tiniis ni Estrella para kay Alonzo—para sa akin.



Pero lahat ng bagay ay mayroong hangganan. Makalipas ang sampung taon na pagkakakulong sa kasal na iyon, Estrella wanted a way out. Maimpluwensyang tao si Mike Aragon, at kahit saan man kami magtago ni Estrella ay nahahanap at nahahanap pa rin kami nito.



The only place that Estrella can run to was the underworld... paniguradong hinding hindi na Ito masusundan ni Mike Aragon doon. Estrella shot herself in the head, ensuring her passage to the underworld where Mike can never reach her.



But she forgot one thing, she forgot about me, she forgot about Alonzo. Kaya nung nawala s'ya, sinimulan ko na ring kalimutan kung sino si Alonzo, kung sino ako.



After Estrella's death, Naiwan ako sa puder ni Mike Aragon. Walang araw na hindi nya ipinaramdam sa akin kung gaano ako kawalang kwenta, he started beating the living daylights out of me. Pero simula pa lamang iyon, nang mapansin sa eskwelahan ang mga pasa at sugat na natamo ko galing kay Mike, pinatawag ito nang head mistress, Mike got pissed off. Dahil doon, pinatigil na n'ya ko sa pagpasok. That f*cker tortured me.



13 anyos ako nang napagsyahan kong tumakas.



Nagpalaboylaboy ako hanggang sa naging tauhan ako nang mga Eclairs. Ang mga Eclairs ay isang prominenteng pamilya. Ang kanilang mga anak na si Zeyad at Zoe ay tinuturing na mga child prodigy.



Tahimik akong namuhay kasama ang mga Eclairs, hanggang sa natunton ako ni Mike. 15 anyos pa lamang ako nang mga panahong iyon, at si Mike pa rin ang tinuturing na legal guardian nang korte. The Eclairs fought hard to keep me with them, but in the end we lost the fight. Nabalik ako sa puder ni Mike, and the torture became harsher. He started using me to gain the 'trust' of his clients, he made me do favors that are not suitable for any 15 year old kid.



I hated who I was, I hated Alonzo.



I wanted to escape, and Zeyad offered to help. Hindi ko na dapat tinanggap ang tulong ni Zeyad. Looking back, I should have never asked anyone for help, I should've waited til I'm old enough to legally leave that hellhole.

Descendants: Descendant of ZeusWhere stories live. Discover now