Kabanata 31

Mulai dari awal
                                    

“Oh! You’re here!”

Nagulantang ako sa boses kaya nabitiwan ko si Brent at napaatras. Biglang niyakap ni Nathalia si Brent at kumawala agad. Bumaling agad siya sa akin at nakita ko na napawi ang ngiti sa kanyang mukha.

Tinaasan niya ako ng kilay. “What the hell are you doing here? You are not invited.”

Umawang ang labi ko at napatingin kay Brent na naiinis na ngayon. Sumikip ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi. Sana pala hindi na lang ako nagpunta rito. I don’t want to ruin someone’s mood on her special day.

“Nathalia, she’s my girlfriend. Your mother invited her. ” ani Brent sabay hapit sa bewang ko.

Umawang ang labi ni Nathalia at hindi makapaniwalang tiningnan si Brent. Pero hindi na siya nagsalita muli at nilubayan kami. Kinagat ko ang labi ko at biglang nalungkot para sa sarili.

“Don’t mind her,” aniya sabay halik sa noo ko. “Hindi tayo magtatagal dito.”

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Marahan na hinila niya ako patungo sa table namin at tinapik ang hita ko para hindi ako kabahan.

“Don’t mind her, okay? You’re invited. Her mom told me to bring you because she wants to meet you too.”

Tumango ako at wala sa sariling pinagmasdan ang buong kapaligiran. Kadalasan sa mga naririnig ko sa paligid ay about politics. Hindi ko alam kung may kaparehong edad ba kami rito.

“Good evening, everyone!” si Nathalia, nasa stage na siya at pinatigil pa ang mga tumutugtog. Ang kabilang table namin ay narinig ko ang isang reklamo.

“Where’s the mayor? Look at her daughter. Alam kong birthday niya ngayon pero hindi niya dapat pinatigil sa pagtugtog ang mga musikero. Sana pinatapos niya na lang muna ang kanta.”

“Yeah. I heard that she doesn’t have manners, Mare. Very opposite from her mom! Well, she’s the youngest.”

Napatingin ako kay Nathalia na nakangisi na sa harap.

“First of all, thank you for coming!”  panimula niya.

Ang suot niya ay red tube dress at killer heels. Nagniningning ang kanyang suot mula sa malayo at hindi ko maiwasan ang mamangha sa kanyang kagandahan.

“Ang ganda niya, ‘no?” nasabi ko na lang.

“Pinakamaganda ka,” bulong niya sa tainga ko na ikinanindig ng balahibo ko. Tiniis ko ang sarili ko na huwag tumingin sa kanya dahil sobrang lapit na namin sa isa’t isa. Ang kanyang hininga ay ramdam na ramdam ko na rin sa balat ko.

Tumikhim ako at hindi siya pinansin. Nakinig lang ako sa speech ni Nathalia.

“Mahal na mahal talaga ako ng parents ko kasi ang engrande ng birthday ko at saka s’yempre anak nila ako. They will do anything for me para lang maging masaya ako.  Sobrang happy ko na sila ang parents ko. Twenty-three na ako at tingin ko kaya ko na at ready na rin sa mag-asawa.” Ngumiti siya.

Kumunot ang noo ko.

“Dahil mahal na mahal ako ng parents ko, maybe ibibigay din nila sa akin ang hiling ko.” At ngumiti siya muli.

Hindi ko alam pero biglang nanikip ang dibdib ko habang tinitingnan siya. Nakaramdam ako ng kaba habang ang kamay ko ay nakahawak nang mahigpit sa damit ko. Hindi iyon napansin ni Brent dahil busy siya sa pakikipag-usap sa lalaki ngayon na naghatid ng pagkain namin sa lamesa and a glass of wine.

Nakita ko na tumayo ang mommy niya. Nakita ko na mukha itong nataranta. Siguro ito ang Mayor.

“Mom, I want to marry Brent Jackson Young!” anunsyo niya sa lahat. Nanlaki ang mata ko at biglang nanigas sa kinauupuan ko.

Humigpit din ang hawak ni Brent sa kamay ko at pilit hinuhuli ang tingin ko. Nakatuon pa rin ang atensyon ko kay Nathalia na pinipigilan na ng Mommy niya at ng emcee.

“What mom?” aniya, hawak-hawak pa rin ang microphone. “This is my birthday! I should be happy today, right? Gusto ko siya at tingin ko siya ang dapat para sa akin.”

Nanginig ang kamay ko habang si Brent ay tumayo na at hinila ako pero hindi ako nagpatinag. Nanatili lang akong nakaupo. Sumikip ang dibdib ko at nanubig na ang mga mata ko.

“Let’s go, Louise,” mariin niyang sinabi, inis na inis na.

“Oh! He’s here! Come here, Brent—”

Binawi ng Mommy niya ang microphone at nanghingi ng tawad sa mga bisita.

“I’m sorry, Mr. Young, You may—”

Napasinghap kaming lahat nang binawi ulit ni Nathalia ang microphone at nagsalita ulit.

“Come here, Brent. Alam ko naman na ako talaga ang gusto mo simula pa lang. This is my birthday. Ako sana ang ka-date mo today.”

“Let us go, Khadijah Louise!”

Umiling ako at binalingan siya. Kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. Kumunot din ang noo niya at nagtaka na sa akin. May tiwala ako kay Brent. Hindi naman siya si Greg kaya may tiwala ako sa kanya. Birthday naman ngayon ni Nathalia. Mapapahiya siya sa harap ng maraming tao kapag hindi lalapitan ni Brent.

“Brent, I love you and I trust you…” Ngumiti ako. “Puntahan mo siya. I understand.”

“No!” tanggi na. “We should go and bake a cake instead. Fuck this fucking party!”

Hinaplos ko ang kanyang kamay na ikinalambot ng kanyang ekspresyon. Ngumiti ako sa kanya kahit pilit lang.

“Mahal na mahal kita at mahal mo rin ako. Alam ko na ayaw mo rin  kong mapahiya si Nathalia sa harap ng maraming tao.”

“Shit! Why are you so kind?”

“I am not kind, Brent.” Umiwas ako ng tingin. “I am selfish…but ngayon lang naman ito.”

Bumagsak ang balikat ni Brent at inalis ang kamay ko sa pagkahawak sa kanya. Malamig niya akong tiningnan at humakbang patungo sa harapan. Tumulo ang luha ko habang pinagmasdan siyang naglakad patungo kay Nathalia at sumikip ang dibdib ko nang pumalakpak ang mga bisita. Yumuko na lang ako para itago ang naramdaman.  

Hindi naman siguro ito mali ang ginagawa ko, hindi ba? Ayaw ko lang mapahiya si Nathalia sa harapan ng mga bisita niya kahit naiinis ako sa kanya.

Tumayo ako at naisipan na mag-CR muna. Hindi ko kaya na manood pero may tiwala ako kay Brent. Tiwalang-tiwala ako sa kanya. Tinitimpi ko na lang ang pagkainis ko kay Nathalia kasi una’t huli na niya ito. Tingin ko ay iniinis niya ako kasi ayaw niya sa akin dito. Noon pa man, ramdam na ramdam ko na ang pagiging outcast. Masakit man pero nasanay na rin ako.

Ilang minuto ang iginugol ko sa Cr at lumabas saglit sa venue para magpahangin. Tilian ang narinig ko sa loob at hindi ko maiwasan ang masaktan. Pinawi ko ang luha ko at nagtungo sa may garden area nila. Babalik na lang ako roon kapag tapos na o ‘di kaya babalik ako mamaya. Pahuhupain ko lang itong nararamdaman ko. Bakit ba ako lumuluha? Ako naman ang nagtulak kay Brent doon.

Pinaglaruan ko ang kuko ko at umupo sa may bench. Humugot ako ng malalim na hininga at tumingala sa langit. Napangiti ako nang makita na sobrang ganda ng gabi. Imbes na isipin sina Brent at Nathalia, inisip ko na lang kung ano ang ibi-bake ko bukod sa cake bukas.

Nakarinig ako ng mahinang yapak mula sa may damuhan. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagtingin sa kalangitan.

“Hello, my sister!”

Nanlaki ang mata ko at gulat na nilingon ang may-ari ng boses. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at biglang nanigas nang makita ko si Hailey na nakangisi na sa akin.

Nanginig ang kamay ko at bumilis ang paghinga ko. Biglang bumalik sa akin ang lahat, ang takot at ang kaba. Tumulo ang luha ko habang papalapit na siya sa akin. Ngayong nahanap niya na ako, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa susunod.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang