Kabanata 30

41K 1.9K 97
                                    

SURPRISE

Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumunta kami ni Brent sa Kawasan falls. Ang dami naming pictures na kailanman ay hindi na-post sa social media. Hindi rin naman ako into social media at mas lalo namang si Brent.

Ngayon na naging busy na muli si Brent dahil sa work niya, hindi ko inaksaya ang panahon at naghanda na ako para sa palalapit niya na birthday.

 Marunong akong mag-bake ng cake at pasekreto akong bumili ng ingredients. Ayokong malaman niya na gagawa ako lalo na’t surprise ito sa kanya. Ang sabi kasi ni Manang Eula ay hindi nagce-celebrate si Brent sa kanyang birthday. Nalungkot ako sa kwento ni Manang lalo na’t may alitan din pala ang Daddy ni Brent at si Brent mismo kaya siya naging independent.

Kaya mag-e-effort ako para naman maging memorable ang birthday niya. Dinamay ko rin si Pempem na siyang pumayag naman. Pati ang mga lalaki niyang barkada, sina Joshua, Brandon at Ken.

“Marunong kang kumatay ng manok?” inosente kong tanong.

“Louise, pwedeng bumili na lang tayo ng by kilo sa lungsod. Kami bibili basta huwag mo lang kaming pakatayin ng manok. Kawawa naman,” si Ken at nag-iwas ng tingin.

Nandito kami sa may dalampasigan. Nagdala kasi si Ken ng tent kaya dito na rin namin napag-usapan. Nakita ko rin sina Beth at Carpa at sabi ni Pempem ay tutulong sila sa paghahanda. Kusa raw silang nag-volunteer.

Tumango ako, sang-ayon sa kanyang sinabi. “Oo nga. Mabuti at may pera ako,” ani ko.

Iyon lang ang tanging nadala ko nang niligtas ako ni Brent. Siya ang kumuha at ibinigay niya sa akin nang umayos na ang kalagayan ko. Hindi naman ako aalis at tatakbo nang hindi handa. Nilabas ko ang halos lahat ng ipon ko para may pera ako sa paglalayas ko. At tingin ko magagamit na siya ngayon ng sobra-sobra sa birthday ni Brent.

“Ang sweet talaga ni Louise,” si Pempem sabay hila sa braso ko. “Ang swerte ni Brent sa ‘yo. ‘Di katulad niyang si Joshua, nag-effort na’t lahat-lahat, pinagpalit pa rin sa mas malapit!” At humalakhak si Pempem na ikinasimangot naman ni Joshua.

Hindi ko maiwasan ang malungkot para sa kanya. Para kasing pareho kami ng experience pero ibang senaryo. Hindi lang din naman kasi babae ang palaging pinagtataksilan, meron ding mga lalaki na pinagpalit. Kaya ang cheating…choice nila ‘yon…choice nila na maghanap ng iba kasi hindi sila kontento. They want more and they are craving for it.

“Sus, wala na ‘yon! Binanggit mo pa!” si Joshua at tumayo mula sa pagkaupo at nilingon si Brandon na busy sa phone. “Samahan mo ako, Don! Kailangan natin tulungan si Louise!”

“Oh! Here’s the money.” Binigay ko sa kanya ang budget.

***

The next day, naabutan ako ni Brent na nagmamadali bumaba sa hagdanan. Nakita ko na natigilan siya sa pagta-ype sa kanyang laptop at hinubad ang kanyang eyeglasses. Tiningnan niya ako.

“Why are you in a hurry?” tanong niya at nilapag ang laptop sa gilid niya. Ngumiti lang ako sa kanya at sinuot ang sapatos. Hindi niya puwede malaman lalo na’t bukas na ang birthday niya. At kapag malaman niya ito ay masasayang ang pinaghirapan ko.

“Hey!” Halos sumigaw siya nang makita niyang lumabas ako.

Lumingon ako saglit at kumaway. “Kay Pempem lang ako. I’ll be right back!” Halos sigaw na iyon dahil nasa damuhan na ako.

Kinindatan ako ni Manang Eula na nagdidilig ng halaman. Ginantihan ko lang siya ng ngiti at patakbong pumunta kila Pempem.

“OMG!” mangha kong sinabi nang matikman ko ang lumpia na ginawa ni Carpa. Walang emosyon ang mukha niya ngunit nakita ko na naghihintay siya sa feedback ko kaya nag-thumbs up ako. “Masarap!”

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon