“Para ka naman yatang magpapa-fiesta, Louise! Ang swerte na talaga ni Brent sa ‘yo!” Ang Mama ni Pempem na ngayon ay pinagmamasdan na ang anak na nagpapatuloy sa pag-wrap ng lumpia.

Dito rin ako gumawa ng cake kasi may oven sila Pempem. Tinulungan pa nga ako ni Tita kaya mas lalo kong na-e-enjoy.

“Pre!  Tumalsik ang mantika! Shit! Kumuha ka ng helmet!” si Brandon

Nanlaki ang mata ko at natarantang nilingon si Brandon na ngayon ay umiilag na sa tumatalsik na mantika. Si Pempem naman ay nag-e-enjoy pa yatang panoorin ang kaibigan na sumisigaw na.

“Hala, tumagilid!” natatawang sambit ni Pempem.

“Shit! Tangina mo, Pempem! Huwag mo akong pagtatawanan! Ikaw gawin kong kawali! Shit!” si Brandon.

Natawa na rin ako dahil nakakatawa talaga siya. Nakakahawa rin ang reaksyon niya.

“Tangina, nasunog tuloy ang adobo!”

“Kainin mo ‘yan!” si Pempem at binato pa si Brandon ng gloves.

Humugot ako ng hininga at nagpatuloy sa paggawa ng mango float.

***

“Pwede umalis ka muna saglit?” pakiusap ko kay Brent na ngayon ay yakap-yakap na ang bandang tiyan ko habang narito kami sa sala.

Simula kasi nang tinakbuhan ko siya kahapon ay ganito na siya. Sinabi niya kailangan naming magyakapan bago niya ako pakawalan. Ngayon kasi ang kaarawan niya at parang wala pa yata siyang balak na sabihin sa akin. Nakakatampo pero hindi ko pinahalata. Bakit ayaw niyang sabihin? Masyadong pa-private itong si Brent, eh.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sumimangot. “Ayaw mo na ba sa ‘kin?” May pagtatampo sa boses niya.

Hindi ko maiwasan ang matawa dahil nagmumukha siyang bata.

“Syempre, hindi!” Nag-isip ako ng  dahilan para umalis siya sa bahay na ito or ‘di kaya may iuutos ako.

“Gusto ko ng pizza!”

“What? Ang aga, aga pa!” reklamo niya at niyakap ako lalo. “Can I just hug you instead? All day?”

“Hindi mo na ako mayayakap kapag ‘di mo ako bibilhan.” Kunwari ay nagtatampo na ako.

“What? Marunong ka nang magtampo ngayon?” Kinurot niya ang pisngi ko nang mag-angat siya ng tingin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, kunwari nagtatampo talaga.

“Shit!” mura niya at mabilis na tumayo. Tumayo siya sa harap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Bumuntonghininga siya. “Alright. Bibilhan kita ng pizza. What else?”

“Coke!” Ngumiti ako. Para kahit papaano magiging busy siya. Kailangan maisagawa na namin ang surprisa bago pa mahuli ang lahat.

“Okay. I need to go upstairs to get the keys.” At tumakbo siya patungo sa hagdanan.

Ngumiti ako at mahinang napa ‘yes’

Nang makaalis na siya ay dumiretso ako sa stock room at binuksan ito. Dito kasi nagtatago sila Pempem habang nagbobomba ng balloons. Dali-dali kaming nag-design sa may sala. Sinarado pa namin ang buong bintana at sinimulan na namin.

“Gagi! Sana hindi kami susuntikin ng boyfriend mo, Louise, kapag magpapaputok kami!” si Joshua habang nagbobomba. “Siguradong sapak ang abot ko.”

Ngumiwi ako. “Hindi naman natin gugulatin si Brent,” ani ko at nagpatulong sa isang kasambahay para iabot sa akin ang pin.

Mabuti at hinandaan namin ito at pinagplanuhan kaya naging madali na lang. Ang cake ay nasa refrigerator na at sila Carpa ay nandoon sa may kabila, malapit sa pool, doon nag-aayos sa mga handa namin. I am just hoping na magiging masaya ang birthday na ito para kay Brent kasi deserve niya ito. Kung hindi siya mahilig mag-celebrate ng birthday, dapat masanay na siya dahil ece-celebrate na namin ito palagi.

Nailagay na namin ang balloons sa mga curtains at handa na rin ang mga boys.

“Now, turn off the lights!” mahina kong sambit sabay silip sa labas.

Umawang ang labi ko nang makita ko ang kotse ni Brent kaya agad-agad ko silang sinenyasan na maghanda na. Si Manang ay nasa labas, nagkukunwaring naglilinis pero sinabihan ko si Manang na bantayan ang pagdating ni Brent. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Brent at naibagsak niya ang kanyang balikat nang makitang sarado ang kanyang buong bahay.

“Manang, the curtains…” Nilingon niya si Manang. “Where is my girlfriend?”

Napangiti ako nang makita kong bumili nga siya ng ilang box ng pizza at coca cola. Sina Joshua at Brandon ay nasa magkatapat na pinto habang hawak-hawak ang balloon. Ipuputok kasi nila iyon kapag papasok na sa loob si Brent.

“Nasa loob lang siya, Hijo,” si Manang at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Umiling si Brent at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makaabot siya sa may pinto. Lumayo agad ako at dali-daling kinuha ang cake na gawa ko sabay tungo malapit sa may pinto.

Nang binuksan ni Brent ang pinto ay nabitiwan niya ang coke at ang pizza niya sa sobrang gulat nang sabay na pinutok nina Brandon at Joshua ang Balloon.

“Shit! What the—”

“Happy birthday to you,” panimula ko kasabay nang pagbukas ng ilaw. “Happy birthday to you!”

Nakita ko na gulat na gulat si Brent habang ang kanyang paningin ay nasa akin.

“Happy birthday! Happy Birthday!” kanta naming lahat habang sila ay  pumalakpak. “Happy birthday to you!”

“Brent! Happy Birthday! Yohooo!” si Pempem habang hawak-hawak ang dalawang balloon.

Ngumiti ako at humakbang palapit sa kanya. Nakita ko na nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko maiwasan ang matawa. In-on din ni Ken ang birthday song kasabay ng kaunting speech ko.

Hawak-hawak ko ang cake habang may candila ito na papaupos na.

“Happy Birthday, Brent.” Ngumiti ako.

Hindi siya nakapagsalita at ang kanyang mata ay puno ng emosyon na hindi ko mabasa.

“Nagtatampo ako ng kaunti sa iyo kasi hindi mo man lang sinabi sa akin kung kailan ang birthday mo,” panimula ko at tumawa. Walang nagsalita ni isa. Tanging ang background music lang at ako. “Kaya ako wala minsan kasi nagplano ako at dinamay ko sila.”

Nginuso ko sila Pempem na ngayon ay kinikilig na at pinipigilan pa ang sarili na tumili.

“I want to celebrate your birthday with me dahil sa araw na ito, isinilang ang napakabuti at mapagmahal na boyfriend sa buong mundo. Maybe for you, birthday is not that special pero kasi ako, gusto kong kasama mo ako na magce-celebrate. Kaya ngayon…gusto ko lang sabihin na,  Happy Birthday at mahal na mahal kita…” Nanginig ang boses ko sa huling sinabi ko.

Hindi ko maiwasan ang maluha lalo na nang maisip ko na malungkot siya kada birthday niya. Gusto ko na kahit papaano, maranasan niyang maging masaya sa birthday niya. Na may mga tao na masaya na isinilang siya sa mundong ito. Tumili ang lahat nang bigla-bigla na lang akong hinapit ni Brent at niyakap. Halos maipit na ang cake kaya agad siyang bumitiw.

Nakita ko na namula na ang kanyang mata. Ngumiti ako sa kanya at pinalis ang luha sa aking mata.

“Ubos na ang candle!” si Beth at lumapit sa akin. May dala na siyang extra candle at pinalitan ang nasa cake. Sinindian niya ito bago siya humakbang paatras.

“Make a wish at saka blow the candle…”

Uminit ang pisngi ko nang ninakawan niya ako ng halik sa labi bago niya inihipan ang candle. Ngumiti siya nang malaki sa akin at pinisil ang pisngi ko bago nilingon ang lahat.

“Let’s have some fun!” aniya at hinapit ang bewang ko. “I love you too, baby. Thank you…”

At hinalikan niya ako sa noo bago kami nagpunta sa pool area.

Hindi rin masaya ang birthday ko. Pero I always celebrate it kahit ako lang mag-isa. Mommy is too busy with her new daughter. Saka lang niya maalala kapag tapos na or two days after.

Pero ngayon, ito na ang pinakamasayang birthday na naranasan ko. Hindi man ito ang birthday ko, pero iyon nga, kasama ko naman ang mahal na mahal ko. At doon pa lang, kontento na ako.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें