Kabanata 29

39.6K 1.7K 65
                                    

FALLS

“Hindi ko akalain na ipagtatanggol mo kami mula kay Nathalia. Na-real talk mo!” natatawang sambit ni Pempem habang hinihila ako patungo sa mga street foods.

Nasa likuran lang namin ang dalawa niyang kapatid na nag-uusap tungkol sa ibang bagay habang kami ni Pempem ay pinag-usapan ang kanina. Hindi ako palasalita at kapag may gano’n, usually tahimik lang ako. Pero kung gano’n lang din naman , minsan kailangan din patulan.

Kailangan din maturuan ng leksyon ni  Nathalie dahil nasa kanya ang tingin ng mga tao lalo na't nasa politika ang ina niya. Iyon ang sabi ni Brent sa akin na babae ang mayor dito at kadalasan siyang ini-invite ng mag-asawa.

“Kikiam! Buko Juice!” sambit ni Pempem sa tindero na ngayon ay inaasikaso pa ang ibang mamimili.

“Copy, Pempem!” nakangiting tugon ng tindero na tingin ko ay kakilala ni Pempem.

Hinila ako ni Pempem papalapit. “Extra sauce ha! Kaya sa iyo ako bumibili kasi ang sarap mong gumawa sauce at juice!”

Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ngayon ko lang napansin na ang dali ni Pempem makipagkonek sa ibang tao. Sobrang approachable niya at madaldal. Siya iyong tipong tao na parang kaibigan ng lahat.

“Oo naman! Kayo pa! Mabuti at napadalaw kayo sa lungsod! Daming mga mumurahin na gamit.”

“Oo nga, eh!” Humagikhik si Pempem. “Sana always.”

Matapos naming kumain ay nauna na ako sa kanila sa pag-uwi dahil naabutan ako ni Brent na mukhang galing yata sa bahay ng mayor. Nilapag ko sa back seat ang mga pinamimili ko at saka binalingan si Brent.

“Oh, maaga ka yata!” sabi ko. “Sayang, hindi mo natikman ang kikiam! Ang sarap!” pagkwento ko at inayos ang seat belt.

“Hindi pa ako nakakain ng ganiyan. I hate street foods.”

Napangiwi ako at inirapan siya. “Arte!”

“I’m not!” depensa niya sa kanyang sarili at saka pinisil ang pisngi ko. “Sumasakit ang tiyan ko kapag kakain ako ng street foods.”

Umirap ako ulit.“Sus! Arte naman ng boyfriend ko.”

Suminghap siya sa narinig at agad nilagay ang kanyang mga palad sa magkabilang pisngi ko at sinikop. Ngumuso siya. “And I have a cute girlfriend. Wanna go somewhere?”

Binitiwan niya ang mukha ko at pinaandar na ang kanyang sasakyan. Hindi pa rin ako pamilyar sa buong Badian dahil hindi naman ako masyadong gumagala rito. Sa ibang lugar ako dinadala ni Brent.

Nang narinig ko ang kanyang tanong ay bigla akong nabuhayan. Gusto ko talagang gumala sa totoo lang. Tingin ko ay hindi pa sapat ang mga napuntahan ko.

“Sige!” excited kong sabi at nilakihan ang ngiti. “Saan ba?”

“Kain tayo?”

“Saan?”

Sinulyapan niya ako saglit bago itinuon ang tingin sa kalsada. “Let’s eat. Sa Native Restaurant and then punta tayo sa Kawasan falls after!”

“OMG!” tili ko.

Kita ko na malaki na ang ngiti niya ngayon. Gusto ko talaga na makapunta sa Kawasan falls. Pero wala pa naman akong suot na pangligo. Sumimangot ako. “Pero, naka-pyjama pa ako! Mukha akong galing tulog!”

Hindi ko naman in-expect na gagala kami ngayon. I know he is busy pero masyado na yatang abuso kasi palagi talaga siyang may oras sa akin. I don’t really know kung ano ang trabaho niya pero I know he is a businessman. Hindi pa nga lang nakapag-handle ng kompanya like Greg kasi independent pa yata itong si Brent. But he said na planning na para sa posisyon niya pero hindi siya didiretso agad sa posisyong iyon without knowing some stuffs.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon