Maze 70: Come on, breathe

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko namalayang nakaidlip na ako, naramdaman ko nalang na may humihilot sa aking sentido. Napamulat ako ng mata at agad niya akong nginitian. I held her hand at iginiya siya papunta sa kandungan ko saka siya niyakap.


"May form kayo diba? Bakit ka nandito?" Tanong niya.

I sighed. "I wanted to breathe."

Marahan namang niyang hinaplos ang buhok ko at humalik sa aking noo. "Then breathe, babe." She smiled at me at humalik saglit sa labi ko kaya napangiti din ako.

"Kumusta yung inaasikaso mo?" tanong ok, iyon kasi ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw.

"Almost done. Then sabi ni admiral, we can proceed with Uno's case." napatingin naman siya sa akin. "Bakit ba sobrang interesado ka kay Uno?" usisa niya.

"Siya may kasalanan nitong lahat e. Jasper told dad, Uno wanted either me or Jovs dead for some unknown reason." I pouted.

"Naitanong mo na ba kay admiral kung may nakaaway siya?" tanong nito kaya I looked at her weirdly.

"Babe?" sabay tawa ko. "Syempre." iiling-iling kong sambit at binatukan siya nang mahina. "Sundalo yon, anong aasahan mo."

"Oh my gosh, oo nga pala." Natawa rin siya. "Nga pala, magkikita nalang ba tayo after mo kay Rhian or magluluto nalang ako sa condo?"

"I'd like to have your famous dish." I grinned.

"Is it me?" Malokong sagot niya kaya namula ako.

"Hindi! Pasta! Pasta!" Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Hay, babu. Cute mo, hindi ka na nasanay." Pang-aasar pa nito at tumayo na sa kandungan ko. "Bumalik ka na sa training niyo." Sabay halik niya sa labi ko. "Balik na rin ako, tapusin ko na rin ginagawa ko."


I nodded at nginitian siya. Tumayo na rin ako at sabay kaming lumabas ng aking opisina. Nakasalubong naman namin si Jovs. Tiningnan niya lang ang kamay ni Rad na nasa bewang ko saka muling ipinaling sa kanyang nilalakaran.

Alam ko nasaktan ko siya. Walang buhay ang kanyang mga mata, ni ang ngumiti ay hindi na nito magawa. I had taken so much from her— so much, na hindi ko kayang mapalitan kahit kailan.

The gravity of our pain differs from one another kaya hindi ko masusukat kung gaano siya nasasaktan. Maliban sa nawalan siya ng minamahal, gaya nang sinabi ni Beatriz ay parang nawalan din siya ng kapatid.

I wanted to reconcile, hindi naman mawawala iyon, pero hindi ko alam kung kailan. May tamang oras pa ba para doon? 

Sinundan ko nang tingin ang kapatid ko hanggang sa makaliko ito at napabuntong hininga ako. Naramdaman ko nalang ang paghaplos ni Rad sa tagiliran ko kaya't nginitian ko siya nang siya'y aking tingnan. We both wanted that forgiveness for something our heart failed to contain. 

Umakbay naman ako kay Rad at hinatid siya sa kanyang opisina. Bigla ko ring naalala iyong nagtapat ako sa kanya. 

Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi? 

The world has a lot to offer, but time is running. Kahit pa gustuhin natin ang isang bagay, some really takes time. Healing definitely takes time. 

*****


Mission: Uno

Nilagay ko na sa aking bag ang lahat ng kakailanganin ko. Hindi naman kami magtatagal, abandunado na ang lugar kaya naman wala ng mga tao roon. Mahirap na lang siguro ang pag-akyat, bundok pa rin naman iyon kahit papaano. 

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon