Maze 71: We'll get there

777 25 29
                                    



Rachel

Inasikaso na muna ni Den si Mika nang makarating kami sa truck, pumping air through an apparatus dahil na rin sa carbon monoxide poisoning. Napatingin naman din ako kay Mika, she has small burnt marks. Binaling ko naman ang tingin ko kay Jovs na nasa tabi din ni Den. Kinuha ko na muna yung pumping apparatus para madaluhan niya si Jovs na may malaking sugat sa binti. Inisa-isa ko rin tingnan ang mga kasama ko, nagtamo rin sila ng light scratches dahil sa pagsabog.

Nang makarating kami sa hospital ay agad nilang binigyan si Mika ng Oxygen treatment. She's safe, all we have to do is wait until she wakes up. Habang naghihintay ako na magising ang aking damulag ay pumasok naman si Jovs sa kwarto, tinawagan niya na rin si Admiral to settle the bills. Kapag kasi nagising na si Mika ay maaari na kaming umalis.



"Ipapadala nalang daw ni dad yung pera, so pupunta muna ako sa bayan para magwithdraw." Sambit niya.

Tumango naman ako. "Sila Ara ba?"

"May pocket money naman silang dala, kumain muna sila sa tapat. I gave them extra to buy food for you two." Seryoso niyang sagot.

"Thank you." Napakagat na lamang din ako sa aking labi nang sabihin ko iyon, namuo nanaman ang luha sa aking mga mata kaya tumingala ako para pigilan ito. Napatingin ako kay Mika at inilagay ang kanyang kamay sa aking pisngi— I don't know, I could have lost Mika kanina.

"Hindi mo kailangan magpasalamat. Hindi naman ako ganun ka-bato. Kapatid ko pa rin naman ang pinag-uusapan natin." Lumapit naman siya at tiningnan si Mika. "I'll be back." Sabay talikod nito at umalis na.


Nanatili lang ako sa tabi ni Mika hanggang sa makabalik ang aming kasamahan. Sabi nila ay magpapahinga na rin muna sila at iniwan akong muli sa kwarto. I just stared at her, and guess what? Hindi pala nakakasawang tingnan ang pagmumukha nito.

How can someone her age still looks goddamn fresh? Na parang bente anyos pa lamang siya?

Hinaplos ko naman ang buhok niya at humalik sa kanyang kamay na hawak-hawak ko. Gusto ko lang naman magising na siya para tuluyan nang mawala ang pangamba ko. Nakabalik na si Jovelyn lahat-lahat, halos limang oras na rin ang nakakalipas ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Sinabihan na nila akong magpahinga muna pero ayokong pumikit nang matagal.



"Gising na." Wika ni Jovs at tinaasan pa ito ng kilay.

"Babe." Bulong ko saka ko nakita ang pagbukas ng kanyang mga mata. "Call the doctor please." Wika ko at tumayo sa aking kinauupuan. "Mahal." Sambit ko at nginitian siya. She smiled as well kaya humalik ako sa kanyang noo. "Ano na? Lagi mo nalang akong pinapakaba." Pilit akong tumawa.

She rubbed the back of my hand. "I'm sorry." Mahina nitong sambit. "What happened?" Tanong niya.

"You passed out sa loob habang nasusunog yung laboratory. Jovs saved you." Wika ko at tumingin kay Jovs, she's still wearing her poker face on.

"Bayad na ako sa lahat nang ginawa mo sakin simula nung bata tayo." Wika nito dahilan para mapataas ang kilay ko.

Mika slightly chuckle. "Never took it as a collateral if I needed something from you. I did it kasi ayokong masaktan ka." She let out a heavy sigh. "But in the end, ako yung pinaka-nakasakit sayo. I'm sorry."

"I'm debt clear." Sambit ni Jovs at lumabas na, ignoring what Mika said.

She sighed kaya naman hinawakan ko ang chin niya at ipinaling ang tingin sa akin. "She was so scared of losing you, cheer up." Pagpapagaan ko ng loob ni Mika at nginitian siya.


Nang ma-check na siya ng doctor ay bumalik na rin kami sa crame kung saan siya sinalubong ni admiral. May binabanggit sa aking picture kanina si Mika pero hindi ko naman naintindihan dahil na rin sa pagod. Natulog lang ako habang nakasandal sa kanyang balikat kanina.

LabyrinthineWhere stories live. Discover now