"Aly! Bilis!" rinig kong sigaw ni Kuya Timothy habang kinakatok niya ang pinto ko.

"Sandali lang! Five minutes," sagot ko sa kanya bago ako lumabas ng kwarto.

"Let's go," aya ko sa pinsan ko.

Buhat ko ang dalawang boxes na may lamang paraphernalia at ang regalo ko para kay Enz. Tinulungan ako ni Kuya Timothy sa pagbubuhat at nagpaalam na rin kami kina Mama't Papa.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong sa akin ni Kuya Timothy nang makasakay ako sa kotse niya.

"I have to pick up his cake, helium balloons and the tarpaulin," paliwanag ko habang abala ako sa pag-ti-text sa family at close friends ni Enz para i-confirm ang pagpunta nila mamaya.

"Okay. Lagay mo na lang sa Waze 'yong exact place para dire-diretso tayo," sabi niya naman habang nag-da-drive. "Okay na nga pala 'yong mga pagkaing ni-request mo sa mga chefs. Lahat ng favorite ni Enz, 'di ba?"

"Yes. Thank you," ngiti ko sa kanya. "You're the best!"

"Ganyan ka lang naman. Mabait ka lang sa akin kapag may kailangan ka," nagtatampo niyang sabi.

"Ang arte-arte mo," nakatawang sabi ko. "Ang totoo naman, kaya ka lang pumayag na tumulong sa akin dahil si Ate Alex ang pumilit sa'yo."

"At least, pumayag pa rin ako," depensa niya.

Sa buong byahe, si Ate Alex na ang naging topic namin. Nagiging madaldal talaga 'tong pinsan ko kapag tungkol na sa asawa niya.

"Aly!" salubong sa akin nina Kuya Seph, Kuya Kael, Kuya Kris at Kuya Moe nang makarating kami ni Kuya Timothy sa Xela.

Sarado ang buong Xela para sa birthday ni Enz. Tutulong sa akin ang Xscape pati na sina Ate Julie at Ate Alex pero susunod na lang sila dahil nag-be-bake pa sila ng cupcakes. It's their birthday gift for Enz.

"It really means a lot that you're helping me," sabi ko naman pagkatapos kong bumati sa kanila. "Thank you."

"Kami pa ba!" sagot naman nila at sinimulan na namin ang pag-a-ayos sa buong lugar.

Inuna ko ang pagtatali ng mga polaroid pictures namin ni Enz sa dulo ng bawat balloons na color blue at silver.

Isa-isa ko 'yong nilagay sa stage bagonkk inayos ang mga tables para sa mga regalo, cakes at cupcakes mamaya.

Sina Kuya Timothy naman ang naging abala sa pagbubuhat ng kung anu-ano at pagkakabit ng tarpaulin sa entrance.

"Aly, kanina pa nag-va-vibrate 'yong phone mo sa table. Importante yata," tawag sa akin ni Kuya Kris kaya pansamantala ko munang itinigil ang ginagawa ko.

Ang dami kong missed calls galing sa barkada nang tignan ko ang phone ko. May ilan ding text messages na galing sa kanila kaya tinawagan ko agad si Sab.

"Uy, what's up? What's with all the missed calls and texts? May nangyari ba?" salubonh ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Hindi kami makakapunta sa birthday ni Enz mamaya," mabilis niyang sabi at hindi ko naman maiwasan na hindi ma-disappoint.

"Bakit?" concerned kong tanong. "May problema ba? Dahil ba 'to sa nangyari kahapon sa dome?"

"Hindi dahil do'n," tanggi niya agad. "Tumawag kasi ang kuya ni Kiel. Na-stroke raw ang daddy nila kaninang madaling araw kaya papunta na kami ng barkada sa ospital. Nag-a-alala na sina Kuya Gil kay Kiel dahil kanina pa raw tahimik," paliwanag niya pa at napasinghap naman ako.

"Saang ospital daw?" nag-aalala kong tanong.

"Sa St. Mary's," sagot ni Sab. "Tumatawag kami kanina dahil baka gusto mong sumabay sa barkada pero naalala namin na birthday nga pala ni Enz ngayon. Sumunod ka na lang pagkatapos ng celebration niya. Sorry talaga kung hindi kami makakapunta. Pakisabi na lang kay Enz na happy birthday."

"Hindi, hindi. Susunod na ako ngayon," sabi ko naman bago tinapos ni Sab ang tawag dahil papasok na sila sa ospital.

Pagkatapos kong ibaba ang phone ko sa mesa, napansin ko na nakatingin na sa'kin sina Kuya Timothy. Mukhang nalilito sila sa mga nangyayari kaya hindi na nagpaliguy-ligoy si Kuya Seph.

"Sinong nasa ospital?" tanong niya.

"Daddy raw ni Kiel, Kuya. Na-stroke," maikling paliwanag ko tsaka ako bumaling kay Kuya Timothy. "I need a ride, please? Pabalik sa amin," pakiusap ko.

"Aalis ka?" kunot-noong tanong ni Kuya Elmo sa akin at tumango naman ako.

"Pero paano 'tong party ni Enz?" tanong ni Kuya Kael.

"I will just check up on Kiel's dad," sabi ko naman. "Aabot ako sa party mamaya. I wouldn't miss it for the world," I assured them.

"Pero Aly, nando'n naman ang barkada mo. They can update you about Kiel's father, right?" sabi naman ni Kuya Timothy. "Pwede ka namang sumunod pagkatapos ng party. I'm sure they'll understand."

"I need to be there personally, Kuya. Naging mabait sa barkada ang family ni Kiel at isa pa, kaibigan ko pa rin naman siya. I have to be there for him."

"Aly's right. She has to be there," sabi naman ni Kuya Seph. "We can manage. Alex and Julie's on their way already. Kami na muna ang bahala rito," dagdag niya pa. Tumango naman sina Kuya Elmo, Kuya Kris at Kuya Kael.

"Fine, I'll take her," sagot ni Kuya Timothy bago siya bumaling sa akin. "I will wait for you, okay? Just to make sure that you'll make it on time for Enz's party."

"Okay. Thank you, Kuya Tim," sabi ko naman bago ako bumaling kina Kuya Seph. "Thank you. I owe you, guys," grateful kong sabi.

"Just be here on time, okay?" bilin ni Kuya Elmo at tumango naman ako.

"I will be, Kuya. Don't worry," ngiti ko at sumunod na ako sa pinsan ko papunta sa parking.

"Don't make promises that you can't keep," seryosong sabi sa akin ni Kuya Timothy na nakaupo sa driver's seat pagkatapos kong isara ang pinto ng sasakyan.

"I'm going to keep it," paninigurado ko. "Trust me, Kuya. I know what I'm doing."

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon