St.Inferno University

309 40 2
                                    

              •••••

St. Inferno University

-paaralan na pwedeng kumitil ng buhay,paaralan kung saan nag-aaral o pumapasok ang mga heir at heiress,gangster's.

Iisang rule lang ang sinusunod ng mga studyanteng pumapasok dito at ito ang.....

"KILL OR BE KILLED"

Kung ayaw mong mamatay kailangan mong patayin ang mga taong nakakalaban mo bago sila ang makapatay sa iyo.

Be aware sa mga pinagkakatiwalaan niyo baka sa hinaharap sila pa mismo ang magdala ng kapahamakan sa iyo.

                •••

•|Prologue|•

Paaralan kung saan hindi kasalanan ang pumatay.

Paaralan na hindi pinapakealaman ang pagpatay ng kapwa istudyante.

Yan ang alam kong makakapag describe sa paaralang papasukan ko.

"Good luck to your journey sa paaralang ito,honey"wika ng aking ama,he hugged me.Ramdam ko ang lungkot sa mga boses niya.Nagaral din siya sa paaralang papasukan ko at malaki ang naging role niya sa paaralang iyon.

"Always remember,honey mahal ka namin"wika naman ng mommy ko.Basa ang mukha niya ng mga luha.I wiped her tears sa mukha niya at niyakap ito.

"I love you both too"sagot ko at nagyakapan kaming tatlo.Naging emosyonal ang paghatid nila sa'kin.

"Master,nandito na tayo"wika ng driver namin kaya umayos na'ko ganun din sina mom and dad.Lumapit yung driver namin sa isang malaking bakal na gate at nakita kong may pinindot  at nagsalita ito sa isang maliit na speaker.Pagkatapos niyang gawin iyon bumukas ang gate at may dalawang lumabas na lalaki at lumapit diti sa amin.

"Nice to see you again,Mr Clint"bati ng dalawang lalaki.Grabe ang lalaki ng katawan nila daig pa mga bouncer sa bar.Nag nods lang si dad,binuhat na nila ang mga gamit ko.Hinarap ko si mom and dad at nginitian sila.

"Take care, honey.You will always be our princess"Ani ni dad at ginulo ang buhok ko.

"We love you so much, sweetie.Hihintayin ka namin"Ani ni mommy at niyakap nila akong pareho.Niyakap ko din silang pareho ng mahigpit at napaluha na lang ako pero hindi ko ipinakita sa kanila dahil ayokong isipin nila na mahina ako.

Pumasok na ako sa malaking gate na bakal kasama ang dalawang lalaki na malalaki ang katawan.Nilingon ko muna sina dad bago magsara ang gate,nakita ko ang pag tulo ng luha ni mommy at niyakap siya ni dad.Mas lalong bumuhos ang mga luha ko, ayokong nakikita sila na ganun.Ang unika iha nila ay mawawalay na naman sa kanila ng isang taon.Dahil 4th year college nako.Tuluyan ng nagsara ang gate kaya wala na akong nagawa kundi harapin ang kasalukuyan.Ano kayang mangyayari sa'kin sa paaralang ito?Haishh,bahala na si Batman.Sana maging maayos ang buhay ko dito.

St. Inferno University Where stories live. Discover now