SIGA!
Hindi makapaniwala ang bida sa kanyang nasaksihan. Pinatikim ni Juniper ng Pektus sa Ngala Ngala ang dating kasintahan nitong si Yuben.
Natulala na lamang sya sa ipinamalas ng dalaga. Sa pagkakaalam nya kasi'y wala pang babaeng Siga.
At ang mga susunod na pangyayari'y napakabilis. Ang tanging nagawa ng bida'y tumunganga.
Kinalabit ni Jobs ang gatilyo ng kanyang baril at itinutok sa ulo ni Yuben.
"BANG!"
Bullseye. Bumaon ang bala sa noo ng hindi makakibong binata. Bago pa man bumulagta ang walang kabuhay buhay na katawan ay sinapo ng dalaga ang katawan ng dating kasintahan at itinulak papasok ng naka bukas na screen portal patungo sa kawalan.
At pagsarado'y hinambalos ni Jobs ang screen, nabasag na parang salamin.
Ginawa lahat ito ng tambalang J&J sa kanyang harapan. Hindi alam ang gagawin o magiging reaksyon.
Bago pa man sya makakibo'y inubos na ng pinuno ng Talaba Boys ang natitirang bala nya sa katawan ng bida.
"BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!"
Limang bala na bumaon sa katawan ni Arch.
Isang bala sa kanyang kanang baga.
Isang bala sa kanyang atay.
Isang bala sa kanyang lapay.
Isang bala sa kanyang bituka.
At isang bala sa kanyang puso.
Nararamdaman nya ang nakakapamilipit na init at hapdi ng bala na tumutusok sa kanyang laman loob. Tila isang nagliliyab na piraso ng bakal na pumupunit sa kanyang mga kalamnan.
Dahan dahan syang napaatras palabas ng Control Center, lumagpak sa bukana ng Luntiang Pasilyo; nakatitig sa umiikot ikot na black hole na nagsisilbing kisame ng mahiwagang gusaling ito.
At kahit nakabulagta na ay nawindang pa din sya sa bilis ng mga pangyayari. Hindi nya inaakalang sa ganitong paraan sya mamamatay-
Binaril ng isang Siga. Sa gitna ng kawalan. Malayo sa mga mahal nya sa buhay.
Kinakapos na sya ng hininga. Nangangasim ang tiyan. Nalalasahan ang kakaibang pait sa kanyang lalamunan. Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso. Halo halong reaksyon ng mga nasapul na laman loob; isang orchestra ng paghihingalo, panghihina sa nagbabadyang kamatayan. Dumidilim na din ang kanyang paningin.
Nang may mapansin syang kumakalampag na mga yabag papalapit sa kanyang pwesto. Naaninag nya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mentor.
"Arch?! What happened?! i heard gunshots!" Paliwanag ni Mr. G habang tinitignan kung ang bida nga ba ang nabaril.
Nanghihina na ang binata. Hindi nya kayang sumagot pa ng maayos. "Sir... Just. Run..."
Napakunot na lang ng noo ang matanda. Hindi pa din maintindihan ang ginagawa ni Arch sa sahig. "Arch! Did Jobs shoot you? Where?!"
At kinapa ng bida ang kanyang gunshot wounds; ngunit wala syang naramdamang mainit na dugong bumubulwak dito. Nasalat nya lamang ang butas sa suot nyang itim na kamiseta at butas sa kanyang katawan.
Nagtataka sya sa mga nangyari.
"Did I really get shot?" Tanong nya sa kanyang sarili.
Ang matanda naman ay hindi rin nakakibo sa tanong ng binata. Nakikita nya sa dalawa nyang mga mata ang mga sugat sa katawan nito. Nakakamangha na wala ni isang patak ng dugo ang tumatagas dito.
YOU ARE READING
Siga Ng Universe (Completed)
AdventureKapag narinig mo ang salitang SIGA, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Maangas? Mayabang? Mahilig makipagbarugan ng mukha? Bully? Tampalasan? Lapastangan? Barumbado? Lahat na siguro ng masasamang salita ay maihahambing dito. Pero paano kung magkar...
