FOURTEEN -THAT JERK NAMED NIK-

Magsimula sa umpisa
                                    

"Woah, do you play?" gulat na gulat nyang tanong.

"Yeah, may mga nasulat na rin akong mga kanta." Sinimulan kong tumugtog. "Ang ganda ng gitara mo ha."

"Ah, hindi sa'kin yan." Napaisip ako sa sagot nya kaya napatigil ako. "Kay Ares yan. Dito kasi kami nagjajamming or practice." Bigla syang napatitig sa'kin. "Nasaan nga pala sya at bakit ka nya iniwan?"

"Relax, may rehearsal lang sya for the Sunday show. Si kuya Atan lang ang kailangan dun." Nagsimula na ulit akong tumugtog. "Hilig mo talaga ang music no?" Sumeryoso ang mukha nya. Naku lagot, mukhang sensitive topic. "Sorry, forget about it." Ibinaba ko ang gitara. "I'll leave you alone."

"My parents don't want me to be a musician. Mahirap daw ang buhay." He sighed. "But this is what I love to do. I can express my feelings and emotions through my songs. Oo nga hindi ako kasing sikat ni Ares. But I don't need that kind of popularity. As long as there's one person who listens to my song, I will not stop singing." He smirked na parang may naalala. "She - uhm, she used to sit with me every time I write a song. She's my number one fan." Naging sobrang lungkot ng mukha nya at hindi ko alam ang gagawin. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kinauupuan nya. "I loved her, but she's gone now." Hinaplos ko ang likuran nya.

"Nik, I think you're really talented. Hindi sa pambobola ha. Pero I think they should give you a big break." Hindi ko alam kung anong dapat sabihin para mapagaan ang pakiramdam nya. Hindi kasi ako magaling sa mga salita. "I don't know what happened to her, pero kahit naman na malakas ka ring mang-asar at ibinigay mo sa'kin yung dress na galing kay Hope para paglaruan ako, hindi ibig sabihin hindi ko na pakikinggan ang kanta mo. I can't wait to hear your new song. I'm sure kung sinuman yung tinutukoy mo, babalik sya para marinig ka lang." At tumawa sya na parang baliw.

"She's not coming back, Ali. She's gone. I met her in the hospital. She had cancer, and listening to my music changed her but they couldn't do anything. Akala ko makakasurvive sya pero hindi na kinaya ng katawan nya ang mga treatments." Hindi ko napigilang umiyak sa kwento nya. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Nik. Maangas din sya na parang bad boy pero behind that strong look is a broken guy. "Uy, wag ka ngang umiyak dyan! Malalagot ako kay Ares."

Mabilis kong kinuha ang gitara para hindi na tumulo ang luha ko. "Wala yung pakialam." Tumingin ako ng diretso kay Nik. "Don't worry Nik, I'm willing to listen to your new songs tapos I'll give you my opinion. I will always listen to your songs first hand." Ngumiti sya tsaka ginulo ang buhok ko.

"You don't have to. Anyway, since tayo lang naman ang nandito ngayon. Why don't you sing me a song? Para naman Makita ko kung deserving ka bang maging first listener ko." He folded his arms over his chest. "Don't tell me magpapabayad ka pa?" I rolled my eyes.

Huminga ako ng malalim. Ang totoo hindi ko alam kung marunong pa akong maggitara. Pumikit ako at nagsimulang kumanta.

Say something, I'm giving up on you
And I'll be the one, if you want me to
Anywhere, I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

Kapag kumakanta ako ineexpress ko talaga lahat ng emotions ko na minsan gusto ko na lang umiyak. Kaya mas gusto kong nakapikit kapag kumakanta para kung may tumulo mang luha hindi ko makikita agad kung may nakakita ba sa'kin.

And I
Am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all

And I
Will stumble and fall
I'm still learning to love
Just starting to crawl

Lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko ibinubuhos ko na dito sa pagkanta ko ngayon. Mabuti na lang at niyaya ako ni Nik kumanta. Gumagaan ang pakiramdam ko.

Say something, I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
Anywhere, I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

And I
Will swallow my pride
You're the one that I love
And I'm saying goodbye

Say something, I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
And anywhere, I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

Say something, I'm giving up on you
Say something

Huminga ako ng malalim nang may marinig akong palakpakan tsaka ako mabilis na dumilat at nakita ko at apat na nakatingin sa'kin habang napalakpak si Genesis at Lann.

"Wow naman Ali, ang talented mo pala." Pagpuri ni Genesis na hindi makapaniwala.

"Ano pang hindi naman alam sa'yo Ali? Ang mysterious mo at hindi ka namin agad nabasa nung simula palang." Sabi ni Lann na hindi pa rin natigil sa pagpalakpak tsaka lumapit kay Nik. "Pinaiyak ka ba ni Nik?" Umiling ako at tumingin kay Nik. Nakangiti sya pero hindi sya napalakpak at nakatingin lang sa cellphone nya. Sana okay na ulit ang pakiramdam nya. Ang tanga ko kasi nagtanong tanong pa ako.

"Bakit sabay sabay kayong nandito? Kala ko ba may rehearsal?" Ibinaba ko ang gitara at napansin na masama ang tingin ni Ares sa'kin. "Ah, sorry kung nagamit ko. Si Nik kasi gusto akong kumanta. Di ko naman alam na darating na kayo." Mabilis akong tumayo at hindi sya sumagot tsaka naglakad papataas. "Problema nun? Nag-away ba sila ni Hope?"

"Naku Ali, hindi sila nag-away pero si Hope kasi. Basta! Di mo magegets." Sagot ni Genesis sa'kin. "Pero seryoso, ang ganda ng boses mo. Dapat sa'yo magtotal make over para pwede ka ng maging tulad namin." I raised my eyebrow. "Performer, grabe ka."

"Hindi ko kaya kasi mahiyain ako." Totoo naman na hindi ko talaga kayang humarap sa maraming tao. Kaya nga nakanta lang ako kapag naliligo or naghuhugas ng plato. "Ayoko pati ng crowd. Wala pati akong kilalang artista. Okay na ako sa trabaho ko ngayon."

"Oo nga pala. Hindi ka nga pala isa sa mga taga hanga namin." Sabi ni Lann. Magsasalita pa sana ako but he cut me off. "Which is good kasi kung fan ka namin hindi kami papayag na dito ka tumira kasama namin no. Naku, sa internet kung paano kami pagusapan ng girls, ay wagas. Ang dami kayang manyak na babae. Kaya nga I turned down the underwear contract kasi hindi ko kaya yung requested pose." Kwento nya habang ginagawa yun pose. "Pero walang suot." At sabay sabay kaming nagtawanan nang biglang bumalik si Ares at hinatak ako palabas.

"Bingi ka talaga kanina pa kita tinatawag!!!" Ang higpit ng hawak nya sa braso ko at hindi ko alam kung bakit nya 'to ginagawa. Bigla syang tumigil kaya naman tumama ang mukha ko sa shoulder nya. "Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa - " napansin nyang nakatingin ako sa kamay nya na nakahawak sa'kin and he let go of me. "Yung schedule daw naisend na ni Miss Cem." Hindi sya makatingin ng diretso sa'kin. "Nakita mo na ba?"

"You didn't have to drag me all the way here, sir. Nakita ko na po kanina and I already saved it. Nakaready na lahat." I rolled my eyes. "Off ko po ngayon, kaya sana po pwede akong magunwind."

"Great!!!" He dragged me again all the way in the garage. "Let's have fun then." Pinagbuksan nya ako ng kotse at literal na itinulak sa loob.

"Wow, you can't be a gentleman, can you?" Pilosopo kong sabi nang pumasok din sya sa loob. "Where are we going? Hindi mo ba susundin si Miss Cem? Hindi ka pwedeng lumabas lang basta-basta hoy!!" At nagdrive na sya palabas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Masaya naman kami sa loob pero bakit gusto nya pang lumabas ng bahay? Bakit ako pa ang isinama nya? Pwede naman nyang isama si kuya Atan.

"Buckle up." Yun lang ang sinabi nya at wala na akong nagawa. Kasama ko sa kotse ang pinakasikat na artista ngayon na pinagkakaguluhan ng lahat. Pero sobrang tigas ng ulo nya. Ayokong maging laman na naman ng tabloid bukas.


My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon