"Ayoko."

"Kael kasi!"

"Ayoko nga. Tsaka ayaw rin kitang makasabay kumain."

Napabagsak siya ng mga balikat. "B-bakit?"

"Baka hindi ako makapagpigil sa mesa e may magawa ako sa 'yo na mahahalata nila."

Inis niyang binitiwan ang kamay nito. "Ewan ko sa 'yo! Bahala ka na nga. Hindi na kita pipilitin."

Tumalikod na agad siya at lumabas ng kwarto.

Kunwari lang siyang nainis pero deep inside, tuwang-tuwa naman talaga siya sa banat na 'yon ng kapatid niya. How she wish they can really do something dirty while their parents are around. Pero syempre hindi naman pwede.

MAG-ISA SIYANG BUMALIK sa hapag-kainan. Naroon na ang daddy niya at naghihintay.

"Oh, where is he?" tanong agad ng mommy niya.

"Tayo na lang daw po muna ang kumain. Mamaya na siya."

"What? He's here with us. We should be eating lunch together."

Ang daddy niya na itong sumagot. "Pabayaan mo na. Hindi naman talaga marunong sumabay sa 'tin 'yong anak mong 'yon."

"Henry!" sita ng mommy niya.

Hinayaan niya lang ang mga ito. Umupo na siya na parang walang narinig.

Inaasahan niya na ang eksenang 'to. Hindi kasi talaga magkasundo ang parents niya at si Kael. Weird nga. Si Kael ang tunay na anak at siya itong ampon lang, pero siya pa ang paborito.

Nag-umpisa na silang kumain. Saktong nagsasalin siya ng juice sa baso nang bigla namang dumating si Kael.

Napatuwid agad siya ng upo. Pero hindi siya nagsalita.

Ang mommy lang ulit nila ang unang nag-react. "Akala namin hindi ka sasabay. Nauna na kami. Maupo ka na."

Hindi sumagot si Kael. Umupo lang din ito, at sa tapat niya pa mismo.

Pasimple tuloy siyang napangiti. Diyos ko, pwede naman kasing hindi sa tapat niya pumwesto. Papa'no kaya siya makakakain nang matino kung magkaharap sila?

"Kael, bakit hindi ka nagsabing magbabakasyon ka rito sa Manila?" biglang tanong ng Mommy nila.

"Biglaan lang naman kaya hindi ko na pinaalam," sagot ni Kael. "Akala ko rin kasi nandito kayo."

"Your Dad and I were out of town for a business meeting. Hanggang kailan ka rito sa Manila? Let's all go out together. Minsan lang tayo makumpleto."

"'Wag na, kayo na lang. Sa Miyerkules na flight ko pabalik ng Boracay."

"That's still a couple of days from now."

"'Wag mong pilitin," bigla namang uling sabat ng Daddy nila. "Mas importante sa kanya 'yong walang kwenta niyang tattoo-an do'n sa Boracay."

Pasimple niyang sinilip si Kael.

Ngumisi lang naman ito at hindi na pinatulan ang ama nila.

"Anika," bigla naman siyang tinawag ng daddy niya.

"Y-yes, Dad?"

"My secretary told me you're not reporting to the office the past few days. Anong nangyayari sa 'yo?"

Lumunok muna siya ng pagkain bago sumagot. "I-I'm sorry, I'm on leave. May ginawa lang po. Pero papasok na po ulit ako bukas."

"Ang tagal mo namang naka-leave?"

Yumuko siya. "Sorry po."

"Anyway, I need you. Na-close namin ng Mommy mo 'yong deal sa pinuntahan naming meeting. So we'll be having a new project. I want you to handle it."

The Savage Boys Series #1: Kael RomanoWhere stories live. Discover now