Chapter 7

9 0 0
                                    

Gotcha! Nakita ko na din yung huling libro na kailangan ko. Pumunta na ko sa front desk ng library namin para maipalista tong mga librong hihiramin ko. Apat na libro to pero isang subject. Hayy.

Pagkalabas na pagkalabas ko, biglang..

*Boogsshh!! asdfghjkl!!*

Urg! May bumangga nanaman sakin! and this time sumabog yung dala kong libro at napaupo ako sa sahig! Puta! Masakit yun ha! Handa ko nang bulyawan kung sino ang punyetang bumangga sa akin, pero pagtingala ko..

Shit! Olympian God ba ang nasa harapan ko? Syete! Nasa Mt. Olympus ba ako? God sya, goddess ako. Pero teka, bakit parang salubong ang kilay nya habang nakatingin sa akin? Parangg.. galit?

"What are you looking at? Tititigan mo na lang ba ako o tatayo ka jan?" Shit nagsalita sya. Galit nga. Pero waaaaaaaaaa! Ganda ng boses nya.

"Hha?" waa.. Para akong timang!

"Tss! inaantay mo bang alalayan kita pagtayo jan? asa ka! if I know sinadya mong bungguin ako para alalayan kita! tss! Stupid modus!" sabi nyaa sabay nilayasan akong nakaupo pa din sa sahig. Gaad! ang pogi nyaaaaaaaaaa!

Ano ba guys yung mga sinabi nya? Di ko kasi naintindihan. Nakatingin lang kasi ako sa handsome fes nya. Ang ganda ko daw ba? Yiiiiiiieeeeeeeee! :">

Sayang naman di ko natanung yung pangalan nya! Tss! Ngayon ko nga lang nakita yung mukha nya eh. Sino kaya sya?

****

*KRISTEN'S POV*

"Waaaaaaaaa! TFF! He is so pogiiiiii! his lips, his eyes, his nose! Ohmyyyyyyyyy! He looks like an olympian god!"

"Teka! Teka naman tff! Kumalma ka, punyeta!" Sabi ko sabay pigil sa dalawang kamay nya! sukat ba naman yugyugin ang balikat ko habang pumapalirit! Well honestly, amazed ako. Ganto din pala syang kiligin sa lalaki. Hahaha! Tipong nabalian na ng balakang dahil dun sa nakabangga nya, aba! kinikilig pa din!

"Nako! kung nakita mo sya! ang gwapoooo!" Sabi pa ng gaga na parang loka loka na.

andito ako ngayon sa bahay nila. Dinala sya sa school clinic kaso masama daw bagsak nya at kelangang sa ospital dalhin. Nung okay na sa ospital, iniuwi na sya para magpahinga.

"Nabalian kana kinikilig ka pa." Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano kaba! Ganyan ang nagagawa ng pagibig!" sabi nya na umarte na parang angangarap. Ayan, wala na . Naloka na talaga.

"Heh! Ewan ko sayo! dami mong alam."

"Unang pagkikita namin may sparks na agad. Waaaaaaa! Ramdam ko tff! Sya na si The One!"

"Sparks ha? Kaya pala balita ko iniwan kang nakaupo lang at di pinagkaabalahang alalayan. Wahahahahaha." Naramdaman ko nalang binatukan nya ko. Pagtingin ko ang sama ng tingin nya sa akin. Wahaaha. Sabi ko nga po eh. hindi na. hihi

*****

*EROS' POV*

"Tol san ba tayo papunta?" Tss! Ito nanaman ang walang katapusang tanong ng bestfriend ko.

"Lander, pwede bang tumahimik ka muna? Pupunta tayong hospital may titingnan tayo!" Nakakairita na talaga. Mula pa nung makita ko sya paglabas ng clinic hanggang makasakay kami dito sa kotse ko tanong na sya ng tanong.

"Anu namang titingnan mo dun? May nadisgrasya kaba? hala ka! May nangyari bang masam---"

"ano ba! Bakit bigla ka na lang napreno! masusubsob ako ah!" Reklamo nito. Nakakairita na kasi. nakukulili na yung tenga ko kakainterogate nyang parang babae! tss.

"Tumahimik ka kung ayaw mong pababain kita dito mismo sa highway." tapos tiningnan ko sya ng masama.

"Eh ano ba kasing ginawa mo sa clinic at anong titingnan natin sa ospital?" tanong pa din nito. Tss! Ang kuilit talaga! alam ko di totigil to hanggat di nalalaman ang sagot eh. Pinaandar ko na ulit ang kotse.

"May nakabanggaan kasi ako kaninang babae, natumba, kala ko nagdadrama lang para mapansin ko kaya di ko tinulungan. Tapos narinig ko may ilang nag uusap sa labas ng library. may dinala nga daw sa clinic na natumbang babae."

"O ngayon anung gagawin natin sa ospital?" Punyeta may follow up question pa!

"Pupuntahan ko yung babaeng nakabangga ko kasi dinala daw sa ospital dahil masama yung pagkakabagsak nya." Iritado na talaga ako.

"Lagot ka tol! Bakit ba naman lkasi di mo tinulungan? Tss1 Wala kang pinangkaiba sa naka hit and run!" Gu;at na sabi nito na para bang sya yung nakagawa ng kasalanan.

"eto na nga o! Pupuntahan na! Kaya nga nagpasama ako sayo sa guidance para alamin na din address nya." ang naisip ko kasi baka pauwiin din yun agad kaya nakakahiya man, kailangan kong pumunta sa bahay nila para kamustahin sya.

"Eh pano ka nakakuha sa guidance? Alam mo ba pangalan nya?" Syempre alam ko, tinanong ko sa clinic.

"UrrgH! Athena Jeannica Alcaraz! ano ? Pwede ka nang tumahimik! Nakukulili na talaga ako!"

Pero sa halip na tumahimik, nagviolent reaction pa ang pota!

"Ha??! Si.. si Jeanica?! Tol! Ihinto mo! Bababa ako! Ayokong sumama sayo! Ihinto mo!" anyare ba? Nakakairita lalo ah!

"Wag kang malikot ito na! Bakit ba?!" Ako yan! sarap batukan ni Lander eh no?

"Sya yung babaeng kinuwento ko sayo na binusted ako! tol, pasensya na pero baka tarayan lang ako nun pag nakita ako. ayoko na sa kanya! Sige ha? Bye!" Sabi nito at walang lingon lingon na bumaba pagkatabi ko ng sasakyan.

Natawa ako ng mahina. "Gagong lander yun ah."

Bitch Goddess loves Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now